33 POSSITIVE

3.1K 76 3
                                    

Pagdilat nya ng kanyang mga mata, ay nasa isang silid sya.

"Saan ako naroroon?"
Hindi pamilyar sa kanya ang silid.

"Dinala ka sa lugar ko kung san malapit ang isa sa mga tinutuluyan ko."
Si Devon kasamang nakaupo sa tabi ng kama si Leonard na panay ang punas sa kanya ng basang bimpo.

"Are you alright sweetheart?"
May pag aalala ang muka nito na nakatunghay sa kanya.

"Ano bang nangyari?"
hindi nya napigilang itanong.

"Bigla kang nawalan ng malay sweetheart."

"Maya maya'y darating na ang pinatawag kong doctor na titingin sayo."
Sabad nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Siguro'y kailangan mo ng mahabang pahinga sweety,kailangan mo higit yon sa ngayon."
Sabi ni Leonard ng may pagsuyo.Narinig nilang may biglang kumatok sa pinto.Sabay sabay silang napatingin rito.

''Hello doc."
Unang bumati sa bagong dating si Devon.

"O kamusta Devon?ahhh,siya ba ang pasyente?"
Tumango lamang ito.Yumuko ang doctor at itinapat sa kanya ang gamit nitong stethoscope habang tinitingnan siya nito.

"Ahhh, iha kelan ang huli mong menstruation?"
Bigla siyang  tinakasan ng kulay sa mukha sa pagkabigla.

"Ah doc bakit po?"
Tanong ni Leonard.

Bago pa makapagsalita ang doctor ay inunahan na niya ito.

"Ahhhh,Pwedeng iwan nyo na muna kami ni doc sandali?"
At lumabas ang mga ito sa silid.


Ilang segundo ng nakaalis ang doctor ng hangang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanya.

Siya buntis?? paanong hindi kaagad ni minsan pumasok sa kanyang isip ang tungkol dito?!
Nanghihina siyang napasandal.

Sabay ang dalawang pumasok at kaagad nagtanong si Leonard.

"Ano raw ang sabi ng doctor sweetheart?"

"Over fatigue lang daw at mawawala rin ito kapag naipahinga na."


"Nasaan ang reseta ng doctor?"
Si Devon na matiim na nakatitig sa kanya.


"Ah hindi na niya ko binigyan ng reseta dahil meron na kong gamot para dito."

Hindi nya alam kung nakumbinsi niya ito o hindi.Saka na niya puprublemahin yon.Ang mahalaga ngayon ay kung paano na ang kalagayan nya.Gusto niyang maglaho ngayon sa kinalalagyan niya.Sunod sunod naman ang kinakaharap niya ngayon.Lalong gumulo ang buhay nya ng dahil dito.Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya at kung ano ang gagawin .Isa lang ang tiyak,Kailangan na niyang magtapat kay Leonard dahil hindi na niya ito maitatago.

"Ngayong isa na syang ina...."

"Ihahatid na kita"
sabi ni Devon.

"No its ok ako na maghahatid sa kanya. "
Singit ni Leonard na kanina pa nakakahalata sa mga ikinikilos ni Devon.Masama narin ang tingin ng nobyo niya sa lalaki.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon