"Maupo ka."
Sabay turo ni Rebeca sa couch na nasa gilid.''First magka liwanagan muna nga tayo. Una, ayokong binabastos ako."
Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.
''Stop treating me like one of your bitches!We're doing business here.Stop playing games.Huwag mong dalhin dito ang kabastusan mo.
Kung sanay ang iba sa ugaling mayroon ka, pwes spare me.I do'nt mixed business with pleassure and I dont play your games.""Ok"
Seryosong sagot nito.''And pls stop calling me Rebeca,call me Miss Rallios.''
''And I want it 'Rebeca'.Take it or leave it.
What's the big deal calling your name in the first place?''''Mayroon kang Rules,mayron din ako at kung sa palagay mo ay ikaw lang ang masusunod?Well the deal is off!"
Matapang na sqgot ng lalaki sa kanya na ikinagulat ni Rebeca."You do'nt know what your'e talking about young man.
Malaki ang magiging pakinabang mo dito.Hindi ito barya barya lang.
Bibilang ka ng ilang taon bago ka magkaron ng malaking salapi.''Tinitigan siya nito
"Rebeca, Rebeca, Rebeca.Kahit ibigay mo sakin lahat ng kayamanan mo ay hindi ko tatanggapin kung pasusunurin mo lang ako na parang aso.Kung hindi mo matatanggap ang mga kondisyones ko, ngayon palang sinasabi ko sa'yong maghanap ka na ng ipapalit sakin."
Sabay tayo sa kinauupuan ng lalaki.Aalis na sana ang lalaki, Nang kusang nagsalita ang kanyang bibig na para bang may sariling isip.
''Ok, your conditions?"
Napangisi ito.
"First, do'nt u ever call me young man, young man.It gives me shivers when it comes from u.
2nd, dont act like I'm going to rape you.Huwag mo kong ituring na parang may nakakahawang sakit, dahil hindi ako ung tipo ng namimilit
3rd,stop degrading me.
That's it."''Noted."She replied.
''I would like to add.In the meantime.No women pls!."Tumango ito.
''Ipadadala ko sa iyo ang kopya ng kontratang may pirma ko bukas na bukas din.Nang nakaalis na ang lalaki'y,
saka niya pinatakas ang kanyang hininga. Kapag talaga kasama niya ito ay parang laging hindi siya makahinga."That man whore!."
Mukhang mahihirapan siya sa isang ito.Ano kaya kung hindi na niya ituloy ang binabalak?O sa iba na lang niya iaalok?Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki.May isang salita kaya ito?Nagsisisi siya kung bakit hindi niya muna ito pina imbestigahan.
Tama bang nagtiwala siya rito kahit hindi niya ito masyadong kilala?Ngayon lamang siya nasira sa diskarte.Dati rati'y kinikilatis niya munang maige ang isang tao bago niya pagkatiwalaan.Hindi niya alam kung nasaan naroon ng mga panahon na iyon ang kanyang isip.Masyado kasi siyang naging abala sa ilang mga bagay at ito ang isa sa kanyang mga nakaligtaan.
Ngunit bukod rito sino ang magpapahinuhod sa kanyang walang utang na loob na kapatid?Kaya nga ba itong lalaki na ito ang kanyang napili dahil malakas ang kutob niyang malaki ang potensiyal nito.
Knowing her sister?Hindi ito katulad ng iba na madaling ibagsak.Marami rin itong kakilala na maiimpluwensiyang tao....
Pag gising niRebeca kinaumagahan ay nag almusal kaagad siya.Binuksan niya ang kanyang cellpone at tiningnan ang ilang missed calls. Nakita niya rin ang ilang mensahe at nagulat siya sa mensaheng nabasa niya.
"Good morning honey.Have you eaten? I miss you!Did you miss me too?"
Maagang nasira ang araw niya,dahil walang dilit iba ang nagpadala nito ay ang lalaking makulit pa sa bata.Paanong nalaman nito ang numero ng cellphone niya?
Nauubos ang pasensiyang idinelete niya ang mga messages nito na tila nasa 20 beses yatang iminessage nito ng paulit ulit....
Nalula si Devon sa mga assets ng ama.Hindi niya alam na ganito ito kayaman.Tulad ng sinabi ng kanyang ina na talagang hindi lang ito talagang mayaman kung hindi ubod ng yaman.Para siyang nakakita ng white house sa gitna ng golf course dahil sa laki ng bahay at lawak ng lupain na kinatitirikan nito.
Mga katulong na naghihintay sa labas ng tahanan ang sumalubong sa kanila.Para siyang prinsipe na niyuyukuran ng mga alipin sa isang palasyo.Pilapila ang mga ito at naghihintay ng kanyang pagpasok.Pagpasok niya sa loob ay higit siyang namangha dahil sa laki nito .Inilibot niya ang kanyang paningin at halos maliyo siya sa taas ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.Yari sa makapal at makintab na kulay black na granite ang sahig.Mula sa ibaba papunta sa hagdan ang carpet na gawa sa balahibo ang nagsisilbing tapakan sa pinakagitna.
Lahat ng mga mamahaling kagamitan ay naka kalat sa ibat ibang bahagi ng buong kabahayan.Sa bawat sulok ay karangyaan.Giniya siya ng kanyang ama sa mga nakasabit na mga gahiganteng painting na gawa ng mga sikat na pintor mula paraw sa ibat ibang panig ng daigdig.
"Hindi pa ba tayo kakain mahal?"
Boses ng kanyang ina na pinuna silang dalawa dahil sa kaabalahan nilang mag ama."Ah,oo.haha! Sa sobrang katuwaan ko sa aking anak ay nakalimutan ko ang pinaka importante sa lahat.Ang kumain."
Nakangiti ang kanyang ama.Sa hapag kainan ay nakahain ang masasarap at ibat ibang putahe na ang iba ay hindi niya niya halos makilala.Kahit pa marami na siyang nakasamang mayayaman din ay iba ito sa kanyang paningin.
"Masasarap lahat iyan anak at tiyak kong magugustuhan mo.Sige kain na."
Nang mapuna nitong tinititigan niya muna ang pagkain.Nag umpisa na siyang kumain at tulad ng sinabi ng kanyang ama ay pawang walang itulak kabigin ang mga ipinahanda nito.
Sinamahan siya nito sa kanyang silid sa itaas.At pagkatapos ay saglit na muna itong nagpaalam.
Pagpasok niya ay dahan dahan siyang umupo sa isang malaking kama na nasa gitna ng silid na malawak rin.
Lumakad siya sa malapit sa malaki at mahabang kurtina at mula roon ay hindi parin natigil ang kanyang pagkamangha sa nakita.Mula ngayon ay wala ng makapipigil sa kanyang mga nais.Hindi niya na kailangang ipangalakal ang katawan para lamang mabuhay ng marangya.Magagawa na niya ang lahat ng taas noo at walang pinangingilagan.
Parang isang pelikulang nagbalik sa kanyang ala-ala ang nakaraan.
Ang unang taong minsan ay minahal niya,pagkatapos ay iniwan.
Nang mga panahong pinagtatawanan siya ng mga babae noon sa eskwelahan dahil sa pangangahas niyang manligaw dahil narin sa ang tanging baon niya sa araw araw kundi itlog ay sardinas lang.Pudpod na ang kanyang sapatos dahil sa wala siyang maipambili ng bago.Madalas din siyang ibully ng mga kaklase dahil bukod sa kapayatan ay lampa pa siya.Kaya noong marunong na siyang dumiskarte ay nagpalaki siya ng katawan sa gym.
Kahit malakas na ang kanyang dating noon pa man ay tila natatakpan ito ng kahirapang nakadikit sa kanyang pagkatao.Kahit alam niyang marami ang nagkakagusto sa kanya noon ay nauudlot ang mga ito kapag nalamang wala siyang sinabi.Pero kahit ganoon ay hindi niya kahit kailan sinisi ang kanyang ina.Mahal na mahal niya ito kaya nga buhat ng matuto siya kung paano lumaban sa buhay ay nagkaroon siya ng poot sa mga babaeng may mga salapi dahil para sa kanya ay dapat lamang itong paglaruan sa kanyang mga palad.
Pareparehas lamang ang mga ito.Ngayon!. Ngayon lalo sila magsipagmalaki sa kanya,tingnan niya ang galing ng mga ito.Sa kapangyarihan at kayamanang kanyang tatamasain sa ngayon ay magsisikap siyang lalo sa buhay upang sa pamamagitan ng kanyang mayamang ama at sa impluwensiya nito ay makikilala siya.Hindi lang sa pagiging anak ng mayaman kung hindi sa pamamagitan ng kanyang diskarte at pagsisikap.
Wala ng babaeng makatatanggi lalo sa kanya ngayon,lalo na sa kinalalagyan niya.Lahat ay luluhod at magmamakaaawa sa kanyang paaanan patulan lamang niya.At humalakhak siya na ang sarili lamang ang nakakarinig.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...