24 THE MOTHER

3.5K 77 4
                                    

Ngayon lang uli siya nakauwi ng mansyon.Totoo ang kasabihang "there's no place like home".

Na miss nya ang buong kabahayaan.Kanina lang ay nakasalubong nya ang madrasta na nagmamadali sa pagpunta sa kung saan naroroon ang anak.
Ngayon siya nakaramdam ng pagod sa lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakakaraang araw, kayat ang ginawa nya maghapon ay natulog.

Unti unti ng bumalik uli sa dati ang kumpanya, inulan sila ng mga investors.
Tumawag sa kanya ang dalawang lalaking nagpapaapekto ngayon sa tahimik nyang buhay.Ang  isa'y nagkukuwento at nangangamusta, ang isa namay nag uutos.

Nag half day muna  siya dahil may pupuntahan daw sila ni Devon.
Pagbaba nya ay nasa labas na ito at naghihintay.Nilapitan sya nito at inalalayan sa baywang.Tinanggal nya ang mga kamay nito sabay sulyap sandali sa paligid.

lang oras sila nagbyahe nang nakarating sila sa Kanilang pupuntahan,pumasok sila sa isang malaking subdivision.

Nararaanan nila ang mga kabahayang tila mansyon rin sa laki, malalaking mga bahay na tila mga nagyayabang sa laki at ganda.Tumigil sila sa isang malaking gate na para ring sa palasyo  ang lawak at gara.
Bumaba sila sa tapat nito at
inalalayan sya nitong makababa.

Nang  nakapasok na sila sa malawak na lupain ay hindi pa pala roon ang bahay.Bago pa kasi  sila makapasok sa nasabing tahanan ay dadaan muna sila sa isang malaking halamanan.Ang  mga puno'y nakapilada sa malawak na lupa,mukhang ang mga puno rito'y mukang galing pa sa ibang bansa!

Sinalubong sila ng may edad na babaeng kahawig ni Devon.Alam niyang hindi iba ang lalaki dito dahil magkahawig sila ng Ginang.
Napasulyap sya sa lalaki.

"Nay! Sabay halik nito sa pisngi ng babae.
"Si Rebeca  po."

"Ahhhh...siya ba?"

"Hello po!"
Sabay ngiti dito.
Laking gulat  niya ng niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.

"Pasok,pasok sa loob iha!"
Habang akay akay siya nito ay napapalingon siya rito ng may pagtatanong sa kanyang mga mata.Para namang walang pakielam ito, na nakasunod lang.

"Ikaw naman Devon hindi ka man lang nag pa abiso kaagad ng mas maaga, abay kapapamili palang ng mga katulong ah"
N

ahihiyang pahayag nito.

"Naku iha alam mo bang masyadong mapili sa pagkain yang lalakeng yan!?abay masyadong maarte ang panlasa,kayat pag nadadayo itong anak ko rito ay hirap na hirap ang mga katulong kung ano ang mga lulutuin."
H

indi ko naman na maharap ang pagluluto.Alam mo naman pag tumatanda na ay nagkaka athritis na."nakangiti nitong sabi.

"Kung gusto nyo po ay ako na ang magluluto!.."
Naiilang na sabi niya sa ina nito.

"Oh? you know how to cook pala iha? Im surprised!
Devon iho narinig mo!?marunong palang magluto itong si Rebeca.
napakaswerte mo pala kung gayon!"

tumango lamang ito.

Pagkatapos nilang magpahinga ng ilang minuto ay dumeretso na sila ng ginang sa malaking kitchen.American style ang tema ng kusina.
Sa gitna ay may malaking granite tiles table para sa gayatan ng gulay, nakasabit lahat  ang ibang stainless caserolle at mga basong pang iinuman.

Puro  mga drop light ang nasa gitna.lahat ay yari sa natural granite.Ang  buong kabahayan ay napapalibutan ng mga glass wall kitang kita ang kabuuan sa labas.Hindi  maitatangging marangya ito sa labas at loob.Nag uumpisa na siyang magtaka.
Bago pa pumunta kung saan ang kanyang isip ay nagpasya na siyang magluto.

"Nasaan po pala ang ama ni Devon?"
Na itanong  nya.

"Ah may inasikaso iha!Sayang nga, hindi pa kayo nagkita.Tiyak matutuwa 'yon pag nakita ka."

"Ah, sayang naman po."


Nakadulog na sila sa hapag ng iserve na lahat ng niluto nya.Buttered shrimp,sweet and sour lobster na hinaluan nya ng brocolli,at ang kanyang special chopsuey,since hindi daw ito masyado sa meat.
Naobserbahan naman nyang maraming nakain ang lalake.


"O mukhang naparami ng kain ang unico iho ko."
sabi ng ginang.

"Kaya nga nagustuhan ko yan nay eh" sabay sulyap sa kanya.


Nagulat naman siya sa sinabi nito.Isa pa sa ipinagtataka niya ay kung bakit siya isinama nito rito?Malinaw pa sa sikat ng araw na ngayon lang daw nagsama ng babae ito rito.

Mabilis lumipas ang maghapon...

"Oh iha, anytime na gusto mong pumunta rito ay welcome ka,baka  naman mahiya ka?"

"Ok po tita! ipagluluto ko po uli kayo kung gusto nyo."

"Anytime iha,anytime."


"Aalis napo kami nay"
humalik ito sa ina,ganoon din siya.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay hinalikan siya
nito sa noo.

"para san yan!?"
Nagtatakang tanong niya.

"Para sa masarap na pagkain."

Hinatid  siya nito sa bahay nya.
Nakita nya rito ang kanyang step sister.

"So the new flavor of the month!"

Sinulyapan nya ito ng matalim.
"Huwag  mo kong umpisahan Carla ha!"
Hinalikan lang siya sa labi saglit ni Devon at hinatak nito ang babae papalayo na galit na galit.

Nasa itaas na siya at nakapaligo na ay tumatakbo parin sa isip nya kung bakit dinala pa siya nito sa kanyang ina.
Lalo tuloy siyang nakonsensya

Parang duda tuloy siya sa lalaking yon!anong klase ng lalake ito na pumapatol pa kung kanikanino e mukha namang may sinabi ang pamilya?Sayang at hindi pa sila nagkita ng ama nito.
Sandali nyang naisip na bakit kailangan nya pa itong makita, e ilang linggo nalang at darating na si Leonard.

Bigla tuloy siyang napaisip.
Sana lang ay maging ok ang lahat.
Kahit  anung gawin nyang pag iwas ay alam niyang hindi siya mananalo kay Devon,dahil minsan na nyang napatunayan yon.
Ito lang ang pinaka huling naiisip nyang paraan upang tumigil ito.
Ang  pansamantalang pagbigyan ito sa gusto.
Alam nyang magsasawa rin ang lalaki.

Kahit pa sa mata ng kung sino ay pangit ang ginagawa nya, ngunit wala siyang pagpipilian.

Kailangan nyang makakawala rito, dahil alam nyang walang kahihinatnan ang lahat ng ito.Alam naman nyang ang tulad nito ay hindi naniniwala sa salitang kasal at pagmamahal.
Ang lahat ng ito ay pawang kalokohan lamang.Hindi niya alam kung bakit at kung
paano siya nasuong sa ganitong pangyayari at kung kailan nagsimula ang lahat.

...............................

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at dinala niya ang babae at ipinakilala pa sa kanyang ina.Minsa'y naguguluhan din siya sa lahat ng nangyayari.

Marahil ay para ito sa kanyang ina. Kung sa ibang babae kasi'y baka masilo siya nito.Ngunit kung ang katulad ni Rebeca ay malayo sa karakter nito.Wag nga lang na tangkain nitong siluin din siya! Kahit hindi niya sinasabi ritong hindi siya naniniwala sa kasal ay alam niyang matalino ito.Tulad ng lagi niyang nasa isip.Isa lang ito sa kanyang mga laro.Laro na sa ngayon ay hindi pa niya alam kung kailan niya tatapusin.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon