Bumalik bigla ang isang ordinaryong babae sa katauhan niya, bagay na naroon parin ang kanyang tapang sa pagpapalakad at pagpapalakas ng kumpanya.
Iba talaga ang may inspirasyon.
Napangiti siya.Tinawagan siya ni Leonard na susunduin daw siya nito
mamayang uwian at sabay silang magdidiner sa labas.Muntik na siyang matawa kanina ng pagpasok niya sa buong hotel ay nakitaan siya ng kanyang tauhan ng mumunting ngiti na nakasabit sa kanyang labi.Kapag pala nginitian din ang mga ito ay parang isang chain reaction na ngingitian karin nila.Masarap pala sa pakiramdam.
Nuon kasing nag umpisa siya bilang isang Lady Tough ay ganito na kasi kaagad ang kanyang panimula,matapos palang kasi siyang iwan noon ng kasintahan.Para siyang isang teenager na kinikikiliti na di mawari ng sumapit na ang oras ng itinakda niyang pag uwi.Iniwan niya sa parking lot ang kanyang kotse.Pag labas nya'y natigilan siya bigla sa lalaking nakatayo sa harap ng hotel.Nakaparada ang isang midnight black na sports car sa harapan ng buillding.
Sinisino niya ang lalaking animoy parang halimaw sa dilim.Dahil gaya nito ay naka black din ito pati ang polo sa loob ng coat ay black din.Pinagmamasdan niya itong maigi dahil kapag ganitong gabi na ay hirap na siyang makakita ng mukha lalo na sa bandang madilim.
Hindi na ito nakapaghintay sa paglapit niya.Unti unti itong lumapit sa kanya."Ikaw??
Anong ginagawa mo rito?""Sinusundo ka!"
"Ha?sorry kasi'y may hinihintay ako."
Sabay sulyap niya sa likod nito."Alin si pogi ba?"
Hindi niya ito pinansin habang tumitingin siya sa orasan na pambisig.
Muntik niya ng mabitawan ang attache case niya ng hilahin siya nito sa isa niyang braso."What do you think you are doing?"
Sabi niya rito ng may pagtataka."Hindi na siya darating at huwag mo ng hintayin."
"At paano mo namang nalaman?!"
"Because I just know!""Ano ba?hindi kaba sasagot ng maayos?nagtatanong ako ng maayos sana naman sagutin mo ng maayos.At teka muna sandali, Sino ang nagbigay sayo ng karapatang tratuhin ako ng ganito ?Baka nakakalimutan mo kung sino ako at sino ka?"
Bigla parang kumulimlim ang mukha nito.
"Dahil bigla siya pinatawag ng BIG BOSS!"Nagulat siya sa bigla sa naging sagot nito sa kanya.Bigla siyang nagtaka.
"What do you know?"
tinignan lamang siya nito ng matiim."Get in."
Walang pakielam na sagot nito.
Sa hitsura ng lalaki ay mukhang wala itong planong magpatalo kaya pinagbigyan niya ito sa gusto.
Pagpasok niya sa kotse ay nakita niyang hindi ito basta basta lang at mukha itong bagumbago at tila mamahalin din.Hindi niya napigilang magtanong
"Kanino mo hiniram to?"
Hindi muna siya sinagot nito.
Ikinabit muna nito ang kanyang seat belt na ikinailang niya dahil halos sumayad na sa mukha niya ang mukha ng lalaki.Parang napakatagal ng tatlong segundo para sa kanya.
Lalo pa't ang bango nito ay humalo sa loob ng kotse at tila bagong paligo ito base sa buhok nitong medyo basa pa.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...