42 OH OWWW!!!...

2.9K 69 4
                                    

Pagkatapos ng gabing 'yon ay isang bagay ang natiyak nya sa kanyang sarili.Gusto niya ang pamilya ni Devon.At higit sa lahat ay gusto niya rin ito. Hindi pala,mahal nya na ang lalaki.Nuong una ay ayaw pang tanggapin ng kanyang sistema ang lahat,ngunit ngayon ay ayaw ng magpapigil ng kanyang makulit na puso.

Una niyang naramdaman na mahal na niya ang lalaki, nung sila'y magkasamang nanuod ng sine.Nung nakita niya ng kakaibang dating nito sa kanya.Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito.Ang maging espesyal sa lahat ng bagay.Ang  maramdaman mong maganda karin pala ''kahit papano''...(napangiti Siya)

Ngayon nga pala ang usapan nila ni Leonard na magkikita.Sasabihin niya na rito ang tunay nyang nadarama.Hihingi rin siya ng tawad  sa mga nangyari.Hindi nya kagustuhan ang mga sinapit nito sa agarang  pagpapalit ng nadarama ng kanyang puso sa kung sino ang mahal niya ngayon.Nais niya lang makausap ang lalaki.Gusto niyang sa paghihiwalay nila ay maging maayos sila sa isat isa.
Dapat na ba niyang sabihin sa lalaki ang nadarama?Tama ba na sa kanya unang manggaling ang pagtatapat?Hindi nga ba kahit hindi pa nito sinasabi sa kanya iyon ay nararamdaman niya?Sabi nga action speak louder than words.
Bahala na...



Pasilip silip siya kay Devon na may kausap sa telepono ng marinig nyang sinabi nito.

"Ok ok  naghihintay lamang ako ng tamang panahon para masabi sa kanya. Gaya noong unang plano ay hindi na rin ako makapaghintay.Sa susunod na linggo pagkatapos ng problema ko rito ay pupuntahan kita diyan kagaad honey.Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.Ayaw ko naring patagalin pa ito."

Hindi nya namalayan ang luhang sunod sunod na pumatak sa kanyang pisngi.Sino ang kausap ng lalaki?Sinasabi na nga ba niya.Ang laki niyang tanga!Siguro'y balak lamang nitong kunin ang kanyang anak sa kanya,at pagtapos ay magsasama sila ng kung sino man 'yong kausap niya sa telepono.Siya  itong may kasalanan kung bakit umasa asa siya na matututunan din siyang mahalin nito talaga nito.Noong una'y may dahilan pa kung bakit siya hinahabol nito, "ng dahil sa pera''..

Ngunit sa katulad nitong mas mayaman pa sa kanya.Ay wala na siyang pinghahawakang iba pang dahilan.

Dali dali siyang nagpunas ng kanyang mukha ng maramdaman niyang may pumatak na tubig sa kanyang labi.At marunong narin siyang umiyak ngayon!
Kailan ba siya huling umiyak noon? Ah" libing pa ng kanyang ama.Sa paglipas ng maraming panahon ay hindi nya pinahintulutang may tumulong butil ng luha sa kanyang mga mata.Pinilit niyang magpakatatag dahil sa takot na lokohin siya ng mga lalaking ang magiging habol lang sa kanya ay ang kanyang salapi.Bigong bigo siya sa pag asang mamahalin siya nito.
Lumabas siya ng kwarto na parang walang nangyari.
Nakita nyang ibinulsa kaagad nito sa pantalon ang gamit na cellphone.

''O honey are you ok?kakain ba tayo sa labas o mag oorder na lang muna ko sa ibaba?ayoko kasing  napapagod ka baka mangayayat si baby!"
Sabay haplos nito sa kanyang tiyan na maliit pa.

"Magpapaalam sana ko sayo kasi'y meron akong kaibigan na mag papa baby shower ngayong gabi, pupunta sana ako."

Tumango lamang ito."Get dress and Ill drive you you there."

"No"!Nabigla niyang sabi.Napakunot ito.

"Umm...shower party 'yon Devon.Nakakahiya naman kung malalaman nilang nagpasama pa ako sayo."
Isa pa, may dadaanan pa kami nila Kate."

Bago siya umalis ay inihatid siya nito sa parking lot at kinitlan siya ng halik sa noo at sa labi.''Huwag kang iinom ha?!!! si baby baka malasing!..
Nakangiti nitong sabi.

Iyon lamang at umalis na siya .Napakasarap isipin na mabuti itong ama sa kanilang magiging anak,ngunit sa kanya ay hindi nya alam.
Nakakahiyang isipin na ang isang matalinong katulad niya ay nabola lamang ng isang katulad nito.Napasakay siya sa mga pakitang gilas ng lalaki.

Nang dumating siya sa usapan nila ni Leonard ay medyo nahuli siya ng kaunti dahil dumaan muna sya kina Kate at napagdesisyunang mauna siya sa condo ng kaibigan nila at dahil may dadaanan pa ang mga ito.Nakita nyang sinalubong siya ni Leonard mula sa loob ng gusali.

Parang inaasahan na nito ang sasabihin niya.Malungkot itong napangiti.Lubos daw nitong pinagsisisihan ang mga panahong iniwan siya nito at kung ano man daw ang kahihinatnan niya kay Devon ay mananatili itong naghihintay para sa kanya.

Para namang kinurot ang kanyang puso sa narinig.Kung maibabalik lamang sana niya ang lahat ng mga pangyayari ng gabing 'yon ay ginawa na niya,Sa awa nya rito'y bigla siyang tumayo at niyakap ito.

"What  a dramatic sight!My fiance and her lover!"

Namutla  siya at sabay napalingon sa likuran niya sa pagkagulat dito.Diyata't sinundan siya nito?

Anong ginagawa mo rito Devon?
May kaunting  kaba siyang naramdaman, lalo na ng makita nya ang mga mata nitong abuhin na nagbabaga sa galit,.

"Its not what you think pare!"
Nakataas ang dalawang kamay ni leonard habang nagsasalita..

Sa pagkagulat nya'y inundayan ito ng suntok ni Devon sa mukha na nagpatumba dito.

"STOPPPP ITTTTT!!!

Nahintakutan nyang sigaw.
Nagsimula ng magkagulo sa restaurant.

Nakatawag  na sila ng pansin sa mga kumakain.Nakita nyang sapo ni Leonard ang mukha nitong nasaktan.Nakita niya rin ang mantsa ng dugo nito sa bibig.Lalapitan niya sana ito ng hilahin sya ni Devon sa braso.

"Come on!! woman!kung ayaw mong magwala ako rito ng tuluyan!"

Hiniklas nya muna sa braso nya ang kamay nito at pilit inabot ang bag na dala dala niya na puro gamit pang bata na ireregalo nila sa kaibigan niya.

Pagdampot niya ay bigla nito 'yong hinagis pa itsa,wala itong pakiaalam sa ibang nakakakita sa kanila.

"Ay ano ba yan!!!(Sabi ng natamaan babaeng mataba na nanaitsahan sa muka ng bag)

"At may dala dala kapang mga damit?mukhang may balak pa kayong lumayo at lokohin ako?
Bakit Rebeca tatakasan mo ako???
Nawala bigla ang mga reservations nito sa katawan kahit maraming nakakarinig ay tila wala na itong pakielam.Hiyang hiya siya sa lahat ng taong naroroon.Lumalabas pa na masama siyang babae.

Hindi nya alam kung matatakot ba siya  dahil galit na galit ito at pulang pula ang mukha sa inis sa kanya, o matatawa  sa inaakala nito?.
Nilingon nya si Leonard na may paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata.Ngumiti  lamang ito ng bahagya sa kanya,at sumenyas ng ok lamang ito.

Nagmamadali si Devon sa pagsakay sa kanya sa sasakyan.Nagdadaldal ito habang nasa manibela.

Kesyo sinungaling daw siya, kesyo niloko nya pa raw ito dahil sabi nya na may baby shower paraw siyang sinasabi,kesyo nung una palang ay naghinala na ito sa mga kinikilos nya,hindi naraw siya nahiya sa mga pinag gagawa niya at balak niya pa raw makipagtanan..

Kung susulyapan lamang nito sana uli ang laman ng bag na nagkalat sa lapag.Ito pa ang may ganang magalit?Hindi ba ito ang manloloko?Gusto niya lahat ipamukha rito iyon ngunit pagod na siya.

Kung sinulyapan lamang nito kanina ang mga nagbagsakang mga gamit ay makikita nitong puro damit yon ng bata na hindi pa naibabalot.
Habang nagdadadaldal ito ay iniisip niya na lagot sya sa mga kaibigan niya dahil sa tagal na hindi sila nagkita minsan lamang siya maimbita.Kasama pang naiwala niya ang mga regalo nito ay hindi pa siya pumunta.
Teka tatawagan niya nga pala sina Kate at paaalam niya ritong naiwan niya ang bag sa restaurant.

Pagkuha nya'y hinablot iyon ng lalaki at ibinato sa likuran ng kotse, na nagpapitlag sa kanyang kinauupuan.Nagulat na naman siya.
Bigla ang pag hinto ng sasakyan.

"Dont push me to the limit!
Sigaw nito sa kanya.

Kaya bigla nalang siyang pumirmi sa isang tabi.Mahirap salubungin ang galit nito.Nagsawalang kibo nalang siya.Ayaw nIyang magpaliwanag sa lalaki dahil galit siya,hahayaan niya kung ano ang iniisip nito.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon