Pagkatapos ng gabing hinding hindi malilimutanni Rebeca lalot higit ang anyo ng lalaking palayong umalis sa pusikit na kadiliman.
Sino ang lalaking yon?
Ah,ang mahalaga'y walang nangyaring masama sa kanya,bakit niya iisipin pa?Mainam na hindi sila nagkakilala o nagkita dahil kung sakali man ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Devon ang narinig nyang pagtawag ng babae sa dilim.
Iyon nga kaya ang pangalan ng lalaki?Tantiya niya ay nasa taas ito ng sobra sa anim na pulgada dahil halos takpan siya ng buong katawan nito.Alam nya ring matangos ang ilong nito at maskulado ang katawan.
Bakit parang sa sandaling pangyayaring 'yon ay natandaan niya pa ang ganoong mga bagay?
Kinikilabutan tuloy siya na hindi niya mawari.Kailangan mabura yon ng tuluyan sa kanyang isipan.Wala itong mabuting maitutulong sa kanyang mga isipin sa ngayon.Marami siyang dapat ayusin.
Tumayo na siya sa kanyang kamang animoy pang reyna sa laki at sa adornong bumabalot dito.Habang naglalakad siya sa malambot na alpombrang yari sa kulay puting balahibo ng hayop na nagsisilbing sahig ng buo niyang mala palasyong kwarto ay nakita niyang nasa ibaba mula rito na sa hapag ang kanyang tita Melva at ang suwail niyang kapatid na si Carla.
"O kumain kana iha!"
Sabi ng kanyang madrasta habang nagbabasa ng peryodiko ng maka dulog na siya sa hapag kainan.Umismid naman sa kanya si Carla na may kasabay na matatalim na tingin."Siya nga pala mahal kong kapatid,ipapadala ko nalang ang resignation letter ko bukas sa opisina mo."
Sabi ng kanyang magaling na step sister."O bakit anak?Hindi kana ba magtatrabaho sa ate Beca mo?At ano naman ang naisipan mo at bakit ganyan naman ang desisyon mo?"
Kasunod ang nagtatalang boses ng ina nito."Mommy ano naman ang palagay mo sa unica iha mo?Ang katulad ng ganito-ng ganda ay sinasamba lang at hindi na kinakailangang magtrabaho dahil nandiyan naman ang ate kong wala ng iniisip kundi magbilang ng kanyang mga pera.Sabagay iyan lang naman ang maipagmama-laki niya.Diba dear sister?"
"Ang bunganga mo Carla ha!. Pasensiya kana anak sa kapatid mo ha, masyadong sutil kasi yan eh".Hinging paumanhin ng kanyang madrasta sa inasal ng anak
"Ok lang po tita"
Sagot naman niya at hindi niya pinansin ang mga patutsada sa kanya ni Carla."Siya nga pala anak,mamaya ay may pupuntahan kami ng mga amiga ko.Baka pwede mong dagdagan ang pera ko sa bangko?
Alam mo naman, balak kasi naming mag out of the country sa susunod na araw sa Hongkong. E iniisip ko kung sila lang ang magpapabongga ay magmumuka namang kawawa ang tita mo, ha iha!"Opo tita,bukas ko nalang ihuhulog sa account nyo''
"Ay salamat naman anak. "
Sambit ng kanyang madrasta, na nagniningning ang mga mata sa katuwaan.Pagkatapos niyang maligo ay handa na siya sa kanyang pagpasok sa opisina at nag spray ng paborito nyang pabango. Napili nyang isuot mula sa kanyang walk in closet ang black 3piece suit niya,na tinernuhan niya ng gold 3 inches shoes at ang kanyang hangang bewang na buhok ay hinigit nya pataaas ng pa bun at isinuot ang salamin sa mata.
Sa paglabas ng kotse ay nasulyapan niyang papasok ang lalaking nakita niya ilang gabi na ang nakakaraan.
Papasok na sana siya ng kanyang sasakyan ng tanungin siya nito ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
Roman d'amourShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...