Napagkasunduan nila ni Leonard na sa susunod na buwan na sila magpapakasal.
Habang nagpaplano sila'y tila wala siya sa sarili nya sa kaiisip.
Hindi nya alam kung kailanlan eeksena si Devon.Kabado
siya araw araw,noong nag uusap sila'y hindi nya alam kung saan nya kinuha ang lakas ng loob nya upang kausapin ito ng ganoon.
Kailangang magpakatatag siya,alang alang sa kasintahan.Nahihiya siya rito dahil walang kaalam alam ito sa nangyayari sa kanila ni Devon.Napakabait nito at mapagmahal.Kabaligtaran ng lalaking 'yon.Nagpatuloy ang pang araw araw na nakagawiaan na niya.Paminsan minsan ay lumalabas sila ni Leonard. Hindi narin nanggulo pa si Devon,
Palagay na sana ang kanyang kalooban ngunit ginulantang siya ng balitang ang lahat halos ng kanilang investors ay sunod sunod na nag rerequest na mag pull out ng kanilang shares.Nagtataka siya dahil parang wala itong pagkakaiba sa dating kinaharap ng opisina.Hindi maaaring ang kapatid nanaman nya ang nasa likod ng pangyayaring ito.
Kaya't nagpatawag siya ng agarang meeting.Magkakaharap sila sa long table.Kaharap niya ngayon ang ibat ibang humahawak sa departamento ng hotels at ibat ibang manufacturer ng kanilang produkto kasama narin ang buillders trade,inalam nya kung saan nanggaggaling ang problema.At isa lang ang napag alaman niya, may gumapang sa mga ito upang maglipatan sa mga kumpanyang nangangako ng higit sa mataas na pagkakakitaan,ang iba'y nagbenta ng shares nila,kung bakit ay wala siyang ediya.
Sumasakit ang ulo niya maghapon, dahil parang sa isang kisap mata ay mukang matatalo siya ng walang kalaban laban.Binilinan niya muna ang kanyang sekretarya na hindi muna siya sasagot ng tawag kahit kanino.Umuwi muna siya ng hotel in at du'oy nagpahinga at nag isip isip kung paano ang dapat gawin.Kinabukasan ay sinundo siya ni Leonard sa hotel.Awang awa sa kanya ito,hinalikhalikan nito ang kanyang noo at kamay.
''Anong plano mo ngayon?''
''Sa ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan."
''Sabihin mo lang sweetheart kung ano ang maitutulong ko.Kumuha narin ako ng mga taong magiimbistiga sa nangyayari.May kakilala ako na makakatulong satin."
Tinanguhan niya lang ito.
Ilang araw na siyang naguguluhan at nag iisip.Isa nalang ang naiisip nyang paraan Aalis muna siya at maghahagilap ng mga bagong investors. Lalapit siya sa mga kaibigan niya doon kung kinakailangan at gagamitin nya ang iba pa niyang koneksyon.Pati ang mga bangko'y kinakatok sila.Nagtatanong at humihingi ng report ukol sa nababalitaang bankruptcy.
pinatawag niya ang kanyang sekretarya.Tawagan mo lahat ng nakasulat dyan sa record book nayan.At ibook mo ako ng flight to Newyork .Kahit alam niyang malalagay sa alanganin ang kumpanya'y wala siyang pagpipilian,kaysa naman hayaan niya lang magkaganon.
Sa malao't madali ay kaylangan na niya ng resulta.Humingi muna siya ng palugit sa bangko at pinabulaanan ang mga alegasyon.Ilang araw nalang ay kasama na niyang aalis si Leonard.May nagpadala ng mensahe buhat sa kanyang email.Nakalagay dito ang lugar at oras kung saan nya kakatagpuin ang taong makatutulong sa daw sa kanya sa panahon ng krisis.Alam niyang maraming kumakalat na hoax pero kailangan niya bang maniwala sa isang sulat lang?Ano ang motibo ng nagpadala kung kilala niya ito bakit hindi nagbigay ng detalye sa pagkakakakilanlan?Ngunit sa isang desperadong katulad niya ay kakagatin niya ang mga posibleng bagay na makatutulong sa kinakaharap na problema ng kumpanya.Ibayong pag iingat nalang ang kanyang gagawin.
Papalabas siya ng lugar na'yon ng may pumaradang ford na gray sa kaniyang harapan.
''Kayo po ba si mam Rallios?tumango siya.
Bumaba ang driver nito.Lumapit at nagtanong sa kanya.''Sakay na po kayo at ihahatid ko kayo sa pupuntahan nyo.''
Kahit nagdadalawang isip na baka isa lamang itong bitag ay sumama parin siya. binaybay nila ang Edsa,at huminto sila sa isa sa mga building na nagtatayugan sa taas,Pumasok napo kayo,room 135, 14nth floor.
Umalis na ito pagkatapos nitong ibinigay sa kanya ang card.Diyatat malapit lang ito?paran ilang minuto lang silang bumyahe.Bagamat kabado ay sumakay na siya ng elevator.Nakakalula ang building na ito,lalo pa at sa pinakamataas pa yata nya katatagpuin ang taong hindi niya nakikilala.
Pagtapos nyang iswipe ang card ay bumukas ito.Madilim sa loob at napakalamig ng silid. Nangangapa siya sa dilim upang hanapin ang ilaw, ng bigla itong bumukas.
Bumaha ang liwanag sa loob ng malaking silid.Napatalon siya ng marinig ang boses na nagmumula sa dulo.Nakatayo ito patalikod.''Ikaw nanaman?''
Gulat na gulat siya ng makita ang lalaki."Ako nga!Sino pa sa akala mo?"
"Anong?,, bakit narito ka?anong ginagawa mo rito?Huwag mong sabihing ikaw ang taong tutulong sakin?"
"You said it right!"
"What?I-I dont get it!Paanong?"
"Huwag ka ng magtaka.Because you dont know me! You dont know what I am capable of doing."
"Sino ka?Ikaw ba ang nasa likod ng lahat ng ito?"
"Sino pa sa palagay mo?"
"Pero napaka imposible!Isa ka lamang,,,Isa ka lamang..."
"Ano Rebeca?bakit hindi mo ituloy?Isang ano?Isang gigolo na umasa sa mga babae?Well,dati iyon.Nung hindi pa bumabaligtad ang mundo.Ang sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong.Nasa baba ka dati,ngayon ako naman ang nasa itaas."
"I cant believe it!"
"Believe what you want to believe.I dont care."
Napahugot siya ng malalim na hininga.
"Ano ngayon ang gusto mong palabasin kung bakit mo ito ginagawa?Para ano?para madagdagan pa ang pera mo?Sabihin mo kung magkano para lang tigilan mo ako."Bigla itong lumapit sa kanya at mariin siyang hinawakan ng mariin sa mukha.
"Hanggang ngayon ay nagmamataas kaparin kahit na alam mong nasa balag ka ng alanganin.Ganyan ba talaga kayong mga babaeng mapepera?Sa sobrang taas ng lipad ay hindi alam kung kelan darating ang pagbagsak!"
"Bakit nagpapaligoy ligoy kapa?Ano ba talaga ang gusto mo?bakit mo ako ginaganito?kung pakawala ka ng iba kong mga kaaway sa negosyo ay hihigitan ko ang ibinayad nila sa iyo."
"Tsk!tsk!tsk! Rebeca Rebeca,Youre so imaginative.Wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo.Isa lang ang alam ko.Gusto mo ba talagang malaman?Ok sasabihin ko sa iyo."
Hindi siya makapagsalita dahil pisil pisil nito ang pisngi niya.Ang tanging nagagawa niya lamang ay tingnan ito at maghintay sa susunod na sasabihin.
"I, want,you! I want you to stop seeing that lousy guy! You hear me?I know, I know.. You will say that you cant!humm?
But Ill assure you na kung hindi mo gagawin,hindi lang iyan ang mangyayari sa buong empire mo!Mark my words woman!.Atsaka nito siya binitiwan.
"You can go for now.Thats my deal.All you have to do is to choose then decide."
"Do I have a choice?O kaya'y iba pa na maaari kong gawin.Huwag lang iyon pls!!!."
"So you know how to say pls?You have a choice and that is."
Nilingon siya nito pagkasabi niyon.Iminwestra nito ang pinto na nagsasabing tapos na ang kanilang pag uusap.
Paglabas na paglabas niya ng pinto ay napaupo siya at umagos ang pinipigil na luha kanina pa.Hindi niya alam na aabot sa ganito ang lahat.
Kasalanan niya ang lahat.Sa dinami rami ng mapag aalokan niya ay dito pa siya napatapat.Hindi niya alam kung kaya niyang malayo kay Leonard o mas higit pa na sabihin niya ang pinasasabi ni Devon.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
Roman d'amourShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...