37THINKING...

2.8K 71 3
                                    

Pag uwi niya galing opisina ay naratnan niyang nag uusap ang kanyang kapatid at dating kasintahan.Ilang linggo rin nya itong hindi nakita.Dahil bihira ng pumapasyal ang team ng binata sa kanilang site.Naiiintindihan naman niya ang lalaki kung hindi man lang siya kinokontak nito.
Magkatabi ang dalawa na wari'y may pinag uusapan.Tumayo ang lalaki ng makita siya.

Unang kita niya palang sa dating kasintahan ay sumikdo na ang kanyang dibdib.Kahit malayo ay alam niyang nakita na nito ang pagdating niya.Nagtama ang kanilang paningin.Kalungkutan at pagkabigo ang nabakas niya sa mga mata nito.Nangayayat ng husto ang lalaki.Hindi niya alam kung paano niya muling haharapin ito dahil sa kahihiyang ginawa nila ni Devon dito.

Para namang nakahalata ang kanyang kapatid kaya nauna na itong nagsalita paglapit niya.

''Nariyan kana pala sis,kanikanina lang dumating si Leonard, maiwan ko muna kayo.''

''Kamusta kana Beca?
malungkot nitong tanong sa kanya.

Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito.Alam niyang positibo o negatibo man ang kanyang sagot ay alam niyang hindi magiging maganda ang dating nito sa lalaki.Ang ginawa niya'y malungkot siyang napatingin rito.

"Umupo ka muna."
Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

Ilang beses niya munang masuyong tiningnan ito sa mga mata.

''I-I am very sorry and ashamed.Humihingi ako ng paumanhin kung kay Devon mo pa nalaman.Matagal ko ng gustong ipagtapat yon sa iyo ngunit wala akong lakas ng loob.Hindi ko sinasadya ang mga nangyari.Ayoko rin namang lokohin ka.''

Hindi muna ito umimik ng ilang sandali.Parang nag iipon pa ng lakas.

"Kasalanan ko rin naman.Masyado akong nalibang sa trabaho.Nawalan ako ng time para satin para sa iyo."

''No leonard! Its not your fault.Alam kong ang lahat ng ito'y ako ang may kasalanan.Huwag mong dagdagan ang kahihiyan ko sa iyo.Ako man ay hiyang hiya sa sarili ko.Hindi sa iyo nanggaling ang problema."

''Pero handa parin kitang pakasalan Beca!Kalimutan natin ang lahat ng nangyari. Mamahalin ko ang ating magiging anak.Mahal na mahal kita! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanya .Siya naman ngayon ang hindi kaagad nakapagsalita.

''Hayaan mong pag isipan ko Leonard. alam kong magiging unfair ito para sayo.Mag isip kang mabuti at huwag kang magpadalos dalos sa iyong mga desisyon."

''Bago pa ako pumunta dito'y nakapagdesisyon na ako'.Ganoon kita kamahal.Ayokong sayangin ang mga panahon na matagal na tayong nagkalayo at malaki ang aking pinagsisihan sa mga panahong yon.Ayaw ko ng magkahiwalay pa tayo."

''Alam kong kahiya hiya ako kung ako pa ang makikiusap sa iyo,ngunit kung maaari sana ay bigyan mo pa ako ng sapat na panahon upang makapag isip."

Nagsusumamo siya upang maintindihan siya nito.Marami kasing isasaalang alang kung magdedesisyon siyang sumama rito.
Hinawakan siya nito sa kanyang mga kamay at dinala sa mga labi.Nagliwanag ang kanyang mga mata ng tumago ito.

"Maraming maraming salamat.Sadyang napakalaki ng iyong pang unawa at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil doon."

Hindi na niya napigil ang sarili at napayakap siya rito.
Maya maya lang ay nagpaalam na ito.
Inihatid niya ito ng tanaw hanggang sa maka alis ang sinasakyan nito.

"Umalis na pala siya ate."

Nagulat siya sa boses ng kanyang kapatid na nasa likuran lang pala niya pagpihit niya.
Tinanguhan niya ito bilang pag tugon.

"Ano raw ang desisyon niya?"

"Tatanggapin niya parin ako sa kabila ng lahat.Ako at ng aking magiging anak."

"Napakaswerte mo ate sa kanya.Hangad ko ang kaligayahan niyo.Sana ay matapos ng lahat ito."

"Tama ka.Wala na akong makikitang katulad niya."


"Marahil kayo talaga ang itinadhana para sa isat isa."

Nakita niyang nakangiti ito sa kanya at tila may namumuong luha sa mga gilid ng mata.Alam niyang masaya ang kanyang kapatid para sa kanya.
Nagyakap sila.

"Sa palagay mo ate papayag kaya si Devon sa magiging desisyon mo?"

"Bakit hindi?ano naman ang mapapala niya rito kung sakali?payag naman akong magkaroon siya ng karapatan sa kanyang
anak."

Hindi niya alam kung nakumbinsi niya ang sarili sa mga sinabi sa kapatid,tungkol kay Devon at sa kanyang magiging pasya.

Katatapos nya lang uminom ng gatas.Nag iisip siya habang nakahiga.

Ano ang kanyang gagawin?alam niyang mahal niya si Leonard at dito siya liligaya.Kay devon?? pag ito ang nakasama niya ay siguradong pagsisisihan niya ang mga araw na lilipas kasama ito.Sa dami palang ng babaeng nahuhumaling dito ,ay para na siyang naghanap ng batong ipupukpok nya sa kanyang ulo.Ngunit paano naman kung tanggihan niya ang lalaki?Alam niya namang ego lang nito ang humahadlang sa lalaki.Alam niyang ayaw lang nitong malamangan.Pero kung ang salita nito ang pagbabatayan niya,gaya ng sinabi nito na hindi nito kayang makipagrelasyon sa kanya kundi para lang sa bata.Malaki ang pag asa niyang mapasang ayon niya ang lalaki.

''Ah, kailangan nya munang makusap ang lalaki. Gagamitin niya ang kanyang convincing power, para mapapayag  niya ang lalaki sa gusto niyang mangyari.








MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon