40 SURPRISE! SURPRISE!

2.8K 80 3
                                    

Tuloy tuloy silang pumasok sa malaking bakuran nila Devon.Bukod  sa mga ibat ibang bulaklak na nagsisilbing palamuti rito, ay makikita mo rin ang malalaking puno na napapalibutan ng mga kumikislap na ilaw.Ang  unang sumalubong ay ang nanay ni Devon,hinalikan siya nito at niyakap.Maluha luha itong ngumiti sa kanya.

"Sabi ko na nga ba hindi ako nagkamali nuong una palang kitang makita alam kong ikaw ang nakatadhana sa aking unico iho, dahil noon lamang siya ng pakilala sa akin ng kanyang nobya.Nagpapasalamat ako iha, na ikaw ang babaeng nagustuhan nya dahil ung iba diyan."

"Inay namannnn... ,Baka magbago pa ang isip ni Rebeca sa sinasabi nyo."
Sabay ngiti ng alanganin.

"Hay nako, maige nga ng mag tino kana!Nangingiting sabi ng magandang Ginang.

Ngumiti lang siya.
"Nasaan po ang inyong esposo?"
Siyang tanong naman niya sa ginang.

''Abay kanina lang ay narito ah?hanapin mo nga Devon, sabihin mong narito na ang kanyang mamanugangin.
Halika na sa loob iha!"

At hinawakan siya sa braso ng Ginang at pumasok na sila.

Pagpasok niya sa malaking bulwagan ay nakita niya ang lahat ng kanyang tauhan na nagpapalakpakan sa kanyang pagdating,tinanguhan naman niya ang mga ito at sabay nginitian.
Naroon din ang kanyang step sister kasama ang kanyang madrasta.
Lumapit siya sa mga ito.


"Congratulations iha! Alam kong liligaya ka rin sa kabila ng pangit na pakikitungo namin nuon sayo.Kahit na alam kong medyo huli na para dito ay nais ko at ng kapatid mo na humingi ng patawad sa mga ginawa namin sayo! We're very sorry iha."
Hawaka nito ang kanyang mga kamay.Hindi na nito inalintana kahit katabi niya pa ang magiging biyenan.

"Dont be tita.Akala ko pa naman noon pa  tayo nagkakaintindihan?Matagal ko ng kinalimutan ang lahat ng iyon.Isa pa hindi ko naman kayo kahit kailan itinuring na iba,dahil kayo ang isa sa nagdala sakin sa tuktok.Kung hindi dahil sa inyo ay hindi magsisilbing hamon sa akin ang lahat."

Tulad nito'y napapaluha rin siya mg sandaling iyon.

"Si---sige po mom'''my...Nagyakapan silang tatlo habang naluluha sa kagalakan.

Inagaw ang moment nilang tatlo ang isang boses na nagmumula sa mike.Sa maliit na stage na sinadyang gawing napaka espesyal para sa gabing yon.
Ngunit ang mas ikinagulat nya ay ng makita niya kung sino ang nagsasalita buhat dito shock na shock sya!!

"It cant be''.....

"Nais kong hiramin ang sandaling ito upang maipahayag sa inyo ang espesyal na pagtitipong ito sa nalalapit na pakikipag isang dibdib ng aking unico iho at ang aking magigiging manugang!"

Sabay inilahad ang kamay sa dereksyon niya

''Come here iha!"

Siya naman ay parang natuklaw ng ahas sa gitna, hindi makagalaw.Naantala ang kanyang pagkagitla sa pag akay sa kanya ng Ginang.Inakay siya nito sa stage.Naroon si Devon at ang kanilang,,,,,

"BIG BOSS??"

Nang nakalapit na siya sa mga ito ay inakbayan siya ni Devon.

"Meet my FATHER Rebeca."

''Hello again iha. Pasensiya kana! Nang dahil sa kahilingan ng aking unico iho ay medyo nakielam ako ng konti.Konti lang naman!.Sabi ko nga sa kanya ay huwag ka naman masyado pahirapan,dahil baka maapektuhan ang aming magiging apo.

Alam naming naging makasarili kami iha, subalit sa tulad naming tumatanda na ay kailangan na maging sigurado sa lahat.Sana'y maunawaan mo at sana'y huwag ka namang magtanim ng galit samin."

Naramdaman naman niya ang bahagyang pagpisil sa kanya sa balikat ni Devon, bilang pagbibigay ng babala sa kanya,subalit sa nakita nyang pagsusumamo ng mga matatanda at sa ipinakita nitong kabaitan sa kaniya, gustuhin man niyang magalit sa mga ito ay wala siyang maramdaman sa dibdib nya ni kaunting galit para sa mga ito.Pagkatapos noon ay nginitian niya ang mag asawa.

"Ok lang po iyon.Naiintindihan ko po kayo huwag kayong mag alala!"



Saka lamang ang mga ito nakahinga ng marinig nila ang kanyang sinabi.

Pagkatapos ay niyakap siya ng mga ito.Naramdaman nya sa kanyang kalooban na parang ngayon lang nakumpleto ang kahungkagan niya sa kanyang pagkatao.
"Ito pala ang magpupuno sa kanya.Isang matatawag na PAMILYA''na nuon pa'y wala na siya.

Kung hindi lang sana siya nangangapa sa kung ano ba talaga siya kay Devon.
Kung ano ang pakay ng lalaki sa kanya, kung bakit pinipilit nitong magpakasal siya  dito.Dahil ba sa bata sa kanyang sinapupunan?at susunod na magiging tagapagmana?subalit alam niyang maraming babae na pupwedeng pumalit sa kalalagayan nya.Bakit siya pa ang naisip nito?.

May pagtingin ba sa kanya ang lalaki?

Ngunit hindi nito inamin iyon a kanya.O baka naman kumukuha lamang ito ng tamang pagkakataon.Lagi na lang bang siyang magtatanong sa sarili?bakit hindi kaya ito ang tanungin niya ng deretsahan.
Wala naman sigurong lalaki ang mamimilit na humantong sa ganitong sitwasyon kung wala itong pagmamahal sa kanya.

.............

"Hindi ba't bagay na bagay sila sa isat isa tay?"

"Sumasang ayon ako sa sinasabi mo nanay."


"Sana'y maging maligaya sila sa kanilang pagsasama.Nakikinikinita ko 'tay na siya na ang katapat ng ating unico iho."



"Sana nga."



"Tay,sino ba mayroon noon sa pamilya niyo na babaero?hindi ko kasi alam kung saan nagmana iyang anak natin."



"O bakit nakatingin ka sa akin?Alam mong hindi sa akin.Dahil mula noon hanggang ngayon ay tanging ikaw lang."



"Dapat lang!"
Nakaingos ang ginang.


"Hinde,siguro'y dala lang iyan ng kapaligiran at ng mga pangyayari noon sa inyong mag ina noong nawawala pa ako."


"Marahil nga."



"I know, because when I look at Devon looking like that when she's around,I knew that it was love!weather  he admits it or not."


Nagkangitian silang mag asawa.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon