7

3.8K 102 4
                                    

Kanina pa  nauubusan ng pasensiy si Devon sa sa paghihintay sa babaeng dalawang oras na yatang nag aayos ng kanyang sarili sa itaas ng mala palasyong bahay na ito.
Kahit saan idako ang kanyang paningin ay masasabing larawan ng karangyaan.
Hindi na siya nakapaghintay at umalis na siya  sa lugar na 'yon. Wala  sa bokabolaryo ng isang Devon ang maghintay para lamang sa isang babae.

Nang  maalala niya ang kaninang babae ay parang pamilyar sa kanya ito.Hindi niya lang matukoy kung saan at kailan?.
Sa ngayon ay naisipan niya na umuwi na muna sa kanyang ina dahil medyo matagal tagal na silang hindi nagkikita nito at pihadong matutuwa ito pag nakita siya.

Tama ang kanyang hinala ng nakauwi na siya sa wakas sa kanila.

"O anak iho!Salamat sa Diyos at naisipan mong umuwi?Saan kaba  nagpupunta nitong mga nakakaraan,?Kamusta naman ang trabaho?Busy ba palagi ang gwapo kong unico iho at hindi na nabibisita ang kanyang ina?"
May pagdaramdam na wika nito sa kanya.

Nangiti siya bigla.
"Kaya mahal na mahal ko kayo 'nay eh"
sabay yakap dito.

"E ikaw naman kasing  bata ka bakit bahhh,di ka pa kasi  mag asawa?
Aba'y nasa edad kana ah?Para naman may naiiwan at nakakausap ako dito sa bahay kahit wala ka.
Ako lang mag isa lagi dito sa malaking bahay na ito anak.Wala man lamang nagtatakbuhang mga maiingay dito,kailan  ba darating yon iho!?"

"Ang inay,alam n'yo namang nagpapayaman pa ang anak niyong pogi."

"Aba'y dali dalian mo't hindi kana bumabata.Kailan mo pa ako bibigyan ng apo?Kapag nakahiga nako sa malalim na lupa?"

"Ang inay'wag nga kayong magsalita ng ganyan, mahabang mahaba papo ang pagsasamahan natin.At darating din ako sa ganyan.Hindi pa nga lang sa ngayon."

"Siya  nga pala 'nay marami po akong pasalubong sa inyo.Kayo napo ang bahalang magdischarge niyang mga nasa bag."

"O siya sige  anak magpahinga ka na muna.Mukhang malayo pa ang pinanggalingan  mo."

Nagsoshower  siya ng pumasok sa kanyang isip ang mga nakaraang gabing nagdaan na laging umuukilkil sa isip niya.Noong gabing iyon kung saan ang napagkamalan niyang isa sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya ang babaeng iyon.
Na mayroong pinakamalambot na labing natikman niya.Ang amoy nitong parang kakaiba.Ahhhh shea butter.
Her own scent.

Kakaiba ang dating sa kanya ng babaeng yon.Naramdama niyang nag iinit siya at kaagad napadako ang tingin niya sa alaga niyang galit kahit nabubuhusan na ng tubig na pumapatak mula sa dutsa.
Shit!Ayaw bumaba.
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.
Isip palang ay tinatablan na siya.
Sayang,ni hindi  man lang niya natikman.Kung baga sa pagkain pinadilaan lang sa kanya.
Nakahiga  na siya  ng maisip niya ang plano  kay Carla.
Masyadong maarte ang babae sapalagay niya.Ang  tanong sa isip  ay kung" Sino ang babaeng nakasakay sa kotseng itim nung umagang 'yon?Ngayon niya lang nakita ang laman ng kotseng itim.Ito rin ba ang araw araw dumadaan?Na minsa'y sakay rin ng kotseng puti?.

Dahil  sa tuwing pupunta siya doon ay lagi nalang paalis ito.
Hindi kaya?Bigla siyang napabangon at napangisi.
si "Lady  Tough!"
Bakit di nga ba niya iyon natuklasan kaagad? Para siyang tangang hintay ng hintay sa butong lagi lang palang pakalat kalat sa tabi niya nuon pa!.
Napangisi sya sa natuklasan
"found the JACKPOT"
Hindi muna siya pupunta roon kailangan niyang pag isipan muna ng mabuti ang mga gagawing hakbang Kung paano  ito kakagat sa pain niya.Kailangan niyang Mag-ingat sa mga kilos  sapagkat ngayon lang niya napagtagni tagni ang mga pangyayari na ang babae ring 'yon ang nakakita sa kanya noong kasama niya ang isa sa mga parokyano niya.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon pag nakalaan para sa iyo ang isang bagay ay hindi mo na kailangang hanapin pa! Para itong isang tupang kumagat sa pain niya ng walang kahirap hirap."

Kailangan niya munang mag lie low nito ng wala sa oras
Magiging akin karin pasasaan ba?
kailangan ng isang maganda gandang tiyempo.Mukhang mapapasubo siya sa paghinto muna panandalian sa pambababae niya.Maraming naglalaro sa kanyang isipan ng sandaling iyon.Sisiguraduhin niyang mahuhulog sa kanya ang dalaga at gagawin niya ang lahat upang mapasakanya ito.Pagkatapos ay ito mismo ang magbibigay sa kanya ng malaking pera .Paiikutin niya ito sa kanyang mga palad at pagsasawaan ang babae. Ipatitikim niya rito ang isang kakaibang karinyo.Ang karinyo brutal.
Para siyang nasisiraan ng bait na tumawa ng walang tunog habang umaalog alog ang mga balikat.

Pagkatapos ay binuksan ang laptop at sinimulang tumipa tipa,Na ang layon ay malaman lahat ng tungkol kay LT kung saan ito madalas at kung ano ano ang mga pinagkakaabalahan ng dalaga.Kakaiba ang pagkakataon ngayon.Ngayon lang siya parang nasabik sa proyekto niya dahil ito narin ang huli.Masuwerte ang dalaga dahil ito ang pinaka espesyal sa lahat ng naging trabaho niya.Pagkatapos niyang ubusin ang kayamanan nito ay lilipad sila ng kanya ina papunta sa ibat ibang bansa at duon na niya paplanuhing magbagong buhay.

Napalingon ang kanyang ina ng ilang oras lang ay lumabas na siya mula sa kwarto.

"O anak bakit tumayo kana?Tapos kana bang magpahinga?
Saglit itong napatingin sa ayos niya.
"Saan ka nanaman pupunta?"
May pagdaramdam na maririnig mula sa tinig nito.

Hinalikan niya kaagad ito sa noo.
"Dont worry ma!Babalik kaagad ako.May aasikasuhin lang ako."

Hindi na muna niya ginamit ang motor dahil may plano siyang bilhin.Bibili siya ng kotse at mga bagong damit.Bumili rin siya ng mga bagong sapatos at mga pabango.Nagpagupit din siya at pang executive cut ang pinagupit niya.Nanghihinayang man sa hanggang balikat niyang nakapusod na buhok ay hinayaan na rin niya,para ito sa nalalapit niyang mga plano.
Inabot na siya halos ng gabi ng matapos siya.Lahat ng mga babaeng nadadaanan niya ay hindi napigilang tingnan at lingunin siya.Bakit hindi lalo na ngayon na higit siyang makaagaw pansin dahil sa ayos niya ay mukha na siyang business man.Sinong makapagsasabing isa siyang gigolo sa ayos niyang iyon ngayon?.                                                          

...

Ilang araw ng  balisa si Rebeca.Hindi niya naman alam kung para saan iyon.Para bang  may mangyayaring hindi niya inaasahan.Hanggang ngayon ay iniisip niya parin ang tungkol sa mga panaginip.Panaginip na nasundan pa ng isa pa at isa pa.Halos paulit ulit iba lang ang lokasyon ngunit pareparehas ng tinutumbok.

Kung ano man iyon ay kailangan niyang maghanda.Ano man ang mangyari'y kailangan niyang maging matatag.Maraming tao ang umaasa sa kanya at wala siyang planong biguin ang mga ito.Hindi ba't ilang institusyon at foundation narin ang kanyang naipatayo?.
Kung sa ganang kanya naman ay kayang kaya niya kung tungkol sa trabaho ang pag uusapan.Ngunit ano itong kanyang nararamdaman?Kakaiba ito sa lahat at hindi niya matiyak kung ano iyon.

Kailangan niya pa kayang umupa ng manghuhula?Ngunit isa lang ang tiyak niya.Hindi siya naniniwala sa hula.Gusto niyang matawa sa sarili.Bakit ba isip  pa siya ng isip?kung sa palagay niya ay kaya nga niya iyon kahit hindi pa dumarating ay ano ang ipag aalala niya?.

"Tama na nga.Para siyang baliw na kinakausap ang sarili at nag aalala sa isang bagay na wala naman."

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon