20 UNDERNEATH

3.3K 90 8
                                    

Nakahiga siya sa kama ng kanyang hotel mag iisang oras na siyang nakapikit ay hindi parin siya makatulog.

Nagulat pa siya ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Sweetheart nakabalik kana ba? kamusta ang lakad nyo?sorry kung hindi ako nakarating sweety, pinatawag kasi ako ng big Boss eh."

"Ok lang po ako.Kanina lang ako nakauwi."
Sagot niya sa lalaki.

"Take a rest.Sunduin kita mamayang dinner ha!
babawi ako sayo.I love you!"

"I love you too!"
Naidlip lang siya ng sandali.Hinubad na niya ang lahat ng kanyang suot.
Tutuloy na siya ng banyo ng sa paglakad niya ay bigla siyang bumalik paatras sa salamin na nadaanan niya.Dahandahan siyang lumapit dito at nanlaki ang dalawa niyang mata ng makita  ang sariling repleksyon sa salamin.

Ano ito?!

Ang kanyang dalawang dibdib ay bahagyang namumula ang kabuuan.Sa bandang umbok nito ay mga love bites.Marami siyang nakita.May sa puson, sa leeg, sa mga hita, sa tagiliran, sa magkabilang ilalim ng hita,
sa itaas ng kanyang pang upo,tinadtad siya ng mga tsikinini sa mga parteng maseselan.
ano to????napasabunot siya sa kanyang buhok.

Anong ginawa ng lalaki sa kanya habang siya'y tulog?

Naghalungkat siya ng di oras sa kanyang mga damit.Mabibilis ang mga kilos dahil baka maya maya lang ay nariyan na ang kasintahan at aksidenteng makita siya nito sa ganitong ayos. At Hindi nga nagkabula  nang sabihin ng lalaking nasa baba na itoy, nagmadali na siyang  bumaba.
Napakunot ang binata ng makitang ang suot suot nya'y isang bestidang kulay lumot na turtle neck long sleeve na ang habay abot hanggang sakong.Binili niya pa ito sa America nung minsang may bussines trip siya,kayat sa
loob nitoy alam nyang pawis na pawis na siya.

"Sweetheart nilalamig kaba?"


Napalunok siya.

"Oo para kasi akong lalagnatin eh."

"Sige mamaya pag may nadaanan tayong bilihan ng gamot hinto muna tayo.
Mukhang nakasama sayo ang huling lakad nyo ah?"
H

inaplos nito ang kanyang buhok at mataman siyang pinagmasdan.

"Huhhh??!"
Bigla siyang namutla.

"Ang sabi ko mukha kang magkakasakit.Sweety nahamugan ka ba?"
Nag aalala ang mukhang tanong nito.

"S- Siguro nga."

Pagpasok nila sa loob ng isang japanese restaurant ay parang nailang siya sa mga taong nakatingin sa kanya dahil sa suot nya na napakainit.Lalo na ngayong summer.
Pakiramdam nya ay para syang tanga!.

Inorder nito ang mga paborito niyang japanese food.Kinitilan siya nito ng munting halik sa labi.
Nag uumpisa palang siyang kumain ng may magsalita mula sa likod nya. Nagkataong nakatalikod siya sa entrance ng restaurant.

"Nandito rin pala kayo?
napatigil siya sa tangkang pagsubo.


"Oh come and join us."
Bigla siyang natigilan sa sinabi ng kanyang nobyo.
Hindi na niya kinailangang lumingon dahil tumabi na sa kanya si Devon.Pang apatang upuan ang kanilang napili ni Leonard.
Hindi nya alam ang kanyang gagawin.May sasabihin na ba ito?ano kayang binabalak ng lalaking ito?Bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain.

"Sweetheart are you alright?
mukhang namumutla ka?Pagkatapos mong malamnan ang tiyan mo ay inumin mo na ang mga gamot na binili natin."
H

indi nalingid sa kanyang nobyo ang kanyang naging kulay.

"Something wrong miss Rallios?
sabi naman ni Devon .

"No ok lang ako!..
Biglang sambot niya sa tanong nito.

"Nalamigan yata si Miss Rallios kagabi?nakapwesto kasi kami sa deck."
Kakaba kaba siya habang nagsasalita ang lalaki.

Naramdaman nyang buhat sa ilalim ng mesa'y hinawakan nito ang kanyang hita.
Naibagsak nya sa mesa ang hawak nyang chopstick.
Dinampot nya kagad iyon
upang di siya halatang natetensyon.

Ibinaba nya ang mga kamay nito, sabay sulyap dito na nakikipagusap naman sa dalawang
lalaking walang kamalay malay.

"Ikaw Miss Rallios anong masasabi mo sa suggestion ni Mr.Molino?
Ang mga kamay nitoy ibinalik sa kanyang hita habang hinimas nito paakyat paakyat ng paakyat.

"huh???!! am..."
Lalo nitong pinalalim ang nadarama niyang kaba.Tila nagkakaisa naman ang mga ito na naghihintay  sa isasagot niya.

"I think i need to go to the comfort room.
excuse me pls!"
Iyon ang naisip niyang palusot upang mabawi ang sarili.

Tumango naman ang mga ito.

"Excuse me ".
Ang sabi nya kay Devon
dahil nasa pinaka sulok siya katabi nito.
tumayo ito upang bigyang daan siya.

Nasa harap na siya nito ng ito ay  nagsalita "I like your dress honey"
Sabay kindat sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro siyang sumulyap sa gawi nila Leonard.
Natakot siyang narinig ng mga ito ang sinabi ni Devon.Nakita naman nyang busy ito sa pakikipag usap sa katabi.
Pag dating nya ng banyo,
nakita nyang kulay suka siya sa salamin.

"Damn that man!'....

Kailan kaya siya titigilan nito?Balak pa yata nitong iblackmail siya at parang nagbabanta lagi na kaya siya nitong pasunurin sa pamamagitan ng mga pananakot nito sa kanya gaya na lang kanina.
At bakit ba siya matatakot?bigla tuloy siyang natigilan sa mismong itinanong niya sa sarili.Una ay wala naman siyang ginagawang hindi maganda.Hindi ba at ito ang dapat niyang tinatakot?Umpisa palang ay ito na ang nangungulit sa kanya.Dapat siyang kumilos habang maaga,habang hindi pa siya nito nahahawakan.Bakit may plano ba siyang magpahawak rito?At bakit siya magbababa ng depensa?nasa kanya ang lahat ng pagpapasya.

Ngunit paano?paano nga ba?Ah!ang katulad nito ay hindi pinoproblema.Hindi ba matapang siya?bakit ng dumating lang ang isang tulad nito ay nagkakaganoon siya?
Lintek kasi ang kapatid niya sa ama.Ito ang may kasalanan ng lahat.Ngayon niya nalaman ang kagagahang nagawa niya.Sino ba naman kasing ang isang katulad niyang matalino ay nakapagpasya ng isang walang kwentang proposal?Sinong maniniwala na ang isang katulad niya ay nagkamali at gumawa ng isang basurang desisyon.Baka maniwala siya sa kasabihang Ang matatalino kadalasan ay tanga.
Marami na ang nakapagpatunay niyan,at aamin ba siyang natupad sa kanya ito?

"This is bulshit."

Siya ba talaga ang may kasalanan nito?Bakit ba sa dinamidami ng mga kalalakihang mapag aalukan niya ng walang kwentang iyon ay ang isang katulad pa nitong manyak at tila may kulang na isang turnilyo sa utak.

At ano ang nais nitong palabasin ngayon?Ano kaya kung pagbigyan niya ito kahit isang beses lang ng matigil na ito?Kapag nalaman kaya nito na isa siyang walang alam at walang karanasan sa kamunduhan ay titigilan na siya nito?After all siguro naman ay sa dinami dami ng babae nito ay madidissapoint ito sa kanya?.Ang pumapadok kasi sa kanyang utak ay baka nachachalenge lang ito sa ginagawa niyang pag iwas rito.Baka bago sa pakiramdam nito ang iwasan dahil nga naman parang sampal ito sa isang tulad nito?.

"Stop it Rebeca!this is nonsense.Bakit siya patatalo?at may plano pa siyang pag bigyan ang lalaki?baliw ba siya o tanga lang?mukhang imbes  na utak ang laman ng bungo niya ay pera na?dahil wala ng kwenta ang mga ipinroproduce ng utak niya!"

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon