8.

3.6K 100 8
                                    

Pag dating ni Rebeca sa opisina ay agad nanaman siyang sinalubong ng problema.Ilang linggo narin noong kumuha siya ng isang private investigator dahil sa kumakalat na balita.
Nagpatawag narin siya ng press conference para pabulaanan ang kumakalat na balitang nalulugi ang kumpanyang  "Tough Builders"

Kung dumating nga naman ang pagsubok ay sunod sunod,sabi nga sa kasabihan.
Nananakit ang ulo niya sa pag iisip kung paano mareresolbahan ang mga nangyayari sa ngayon.
Sa tagal ng dedikasyon niya sa trabahong ito ganito pa ang mapapala niya?Hindi parin mawala ang mga kakumpetensiya niya sa negosyo gayong lahat ay ginawa na niya.
Nakisama siyang maige sa mga ito, ni wala na siyang oras para sa kanyang sarili, kahit pa ang ruta ng pang araw araw niya ay umiikot lamang sa bahay at opisina,
opisina at bahay.Kailan ba siya huling nanood ng sine?
Bukod sa nauso na ang panunuod sa dvd at isa pa wala narin siyang oras para sa sarili.
Kailan ang huli?Elementary?! highschool? Di na niya matandaan.
Sabagay habang naririto ka sa ganitong larangan ng negosyo huwag kang pakakasiguro.Lahat ay maaari mong maging kaaway at ang iba nama'y magpapanggap na mga kaibigan.Ngunit ngayon ay sino ang maaring gumawa nito sa kanya?.
Naputol ang kanyang pag iisip ng biglang nagring ang telepono sa ibabaw ng mesa.

"Yes?"
Ang kanyang sekretarya.

"Private investigator daw po boss."


"Ah, I'm expecting him.Let him in."
Tumalima naman kaagad ang kanyang sekretarya.

"Sit down pls.
Sabi niya sa lalaking kapapapasok lang sa kanyang opisina.

"Ah mam,natuklasan ko na po kung sino ang tao sa likod nito"Agad na report nito sa kanya.


"And who's the culprit?Do I know him?"

"Si Mr.Zalazar po, Reynaldo Zalazar. "Agad na sagot nito.

"What? Hindi ko maisip kung ano ang magiging dahilan nIya?He's part of this company!"
Sa sarili niya parang sinasabi.

"Ah mam, related po siya kay cong.Villabente"

"So? What's the connection? I don't even know that person.''Takang takang sabi niya.

"Maaring kayo po ay walang koneksiyon sa kanya,pero ang kapatid nyo po na si miss Carla  ay malaki."

"What the?!Ano'ng  ibig mong sabihin?

''Yes mam. The culprit is indeed your step sister. His mistress.
Napag alaman ko rin po na ilan sa kanyang negosyo na hindi alam ng kanyang may bahay ay kapatid niyo po ang namamahala."

Tulala parin siya sa kanyang narinig.
Sa kabila ng lahat ay ito pa ang igaganti nito sa kanya?Napakawalang hiya nito.Samantalang lahat ng kagustuhan nito ay pinagbigyan niya,kasama ng mga luho ay ito pa ang isusukli sa kanya?Parang gusto nyang pumatay ng tao ng sandaling yon.Hangang ngayon ba ay hindi parin alam nito na sa kumpanyang ito nanggagaling ang buhay nya?Para itong life support na nakakabit sa kanya dahil ito ang mundo nya.Ito lang at wala ng iba.Para narin siyang pinatay nito kung babagsak ang kanyang mga negosyo.

Bitch!.
Nasabi niya habang nakatingin sa mga larawan na ibinigay ng imbestigador kanina sa kanya.


Alas sais palang ng hapon ay nagdesisyon siyang umalis ng opisina.
Gulong gulo ang isip nya.
Alam din naman nyang hindi siya makakapagtrabaho ng maayos sa kalagayan niya sa ngayon.

Nasa labas na siya ng kanyang bahay ng maisipan niyang 'wag munang umuwi dahil baka makita niya lang doon ang taong may dahilan ng mga pang yayaring iyon.
Namaybay siya sa mga Disco bar na nakapila sa Makati.Pumasok siya sa isa sa mga Bar dito.Hindi niya alam kung paano niya kinaya ang pumasok sa ganitong uri ng lugar. Gusto niyang magwala at siguro naman na ang pumunta sa ganito ay isang katuparan sa nais niyang mangyari.
Pag pasok niya palang ay dumeretcho na kagad siya sa wine bar.

"Tequila pls."

Hindi siya malakas uminom, karaniwa'y pag kinakailangan lang lalo na na sa mga private meeting.
Ngunit ngayon ay parang gusto niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak.
Nakailang shot pa lamang siya ng may nagsalita buhat sa kanyang likuran.

"Scotch on the rock ."
Pamilyar ang boses ng lalaki, subalit ng mga oras ngayon ay wala siyang nakikita dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

Kahit na naramdaman niyang malapit na malapit ito sa kanya ay hindi niya alintana dahil parang sa tainga niya ito nagsalita. Bahagya siyang kinilabutan.
Lalo pa't ang bango bango nito.Swabe sa pang amoy ang gamit nitong pabango.Dahan dahan siyang umusod para makalayo rito ng hindi nito nahahalata. Pilit niyang itinatataboy sa isip ang presensiya ng lalaking ito.Bigla niya nalang naramdaman na umupo ito sa tabi niya  na parang tila nananadya na ang mga binti nito ay  ikiniskis sa hita niya.Naka skirt lang siya kaya  nararamdaman niyang ang braso at kamay nito na nakapatong sa mga hita nito ay parang naipatong ang kalahati sa kanya.

kunyari ay hindi niya ito napansin.

Hindi kasi niya masabing inaakit siya nito kaya batid niyang hindi naman siguro ganoon ang inaakala niya.
Isa pa tila ma'y kakaibang dating ang lalaki, siguro'y dahil narin sa suot nitong maroon na polo base sa manggas na nasusulyapan niya, lalo pa't di naman siya masyadong kilala nito para pag interesan
Itinuloy niya ang pag inom.Ang lalaki naman ay nararamdaman niyang  tila nakatingin sa kanya.Hindi siya nagtangkang sulyapan ito dahil makikita niya lang naman na hindi sa kanya ito nakatingin.

Lalagukin na sana niya ang kalahati ng iniinom niya ng napapitlag siya sa palad nitong dumapo sa hita niya. Hindi pa naman siya nakastocking kaya ramdam na ramdam niya.
Sa pagkagulat  ay naibuhos niya sa kanya ang laman ng basong iniinom niya mismo. Napatingin na siya dito ng magsalita ito.

"Sorry miss hindi ko sinasadya,I thought it's my leg that I laid my hands on."

"Don't worry its ok."
Sabay isod  ng konti palayo dito.
Siya namang isod din nito papunta sa kanya.Nabigla siya ng punasan nito ng panyo ang kanyang narumihang cream colored blouse.

At sa pagpunas nito ay kasabay ang palad na parang napadiin sa dibdib niya kaya nanlaki na ang mga mata niya sa kabiglaan.Hindi niya malaman kung sa laki ng kamay nito kaya ganoon.

"No its ok I'll handle this."
Tumayo na siya papunta sa ladies room ng makaramdam siya ng pagkahilo kaya't nahirapan siyang makarating doon.

Bigla niyang naramdamang may kumapit sa kanyang baywang. Bibitaw sana siya dito subalit matatag ang pagkakapit nito sa kanya.

"I'ts ok woman  it's my fault."

Tumango lamang siya dahil hindi niya na kayang lumakad pang mag isa.Nang nakarating na sila sa pinto ipinasok siya nito doon at inilock.
Hindi na siya nagprotesta dahil nga naman naroon na ang lalaki sa loob.Akward para dito ang may pumasok na babae.

Agad agad siyang hinubaran nito ng walang sabisabi. Nabigla man ay wala siyang lakas para sumigaw,
isa pa habang nakaupo siya sa sulok nasulyapan niya sa nanliliit na niyang mga mata na parang kinukuskos nito sa labatory ang kanyang blusa at itinapat ito sa hand dryer.

Pagkatapos ay niyapos siya nito pataas at pilit na sinusuot sa kanya ang kanyang damit, habang sa pagkakayuko nito ay titig na titig sa kanyang mga mata.Sa oras na iyon ay wala na siyang makita.
Ganito pala talaga ang tama ng alak sa kanya,kaya nga ba at ayaw niyang umiinom dahil nawawala siya sa sariling katinuan.Tulad na lang ngayon.Kung nasa huwisyo siya ay hindi siya papayag ni dumapo ang mga daliri ng estranghero na ito sa kanya bagamat parang pamilyar ang mukha nito.
Sa isang tulad niya na marami ang nakakaharap,sa dami ay hindi na niya matandaan pa.Iba pa ang usapan ngayon.Ngunit nagtataka siya kung bakit hilong hilo siya sa iilang lagok lang?Siguro'y sa sunod sunod na sakit ng ulo kaya madali siyang tinamaan.

Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari dahil para siyang hinihila ng matinding antok...

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon