40WEDDING ANNOUNCEMENT

3.1K 82 4
                                    

Kinaumagahan ay pinuntahan siya ni Devon  sa kanyang opisina at duoy inihayag nila ang kanilang nalalapit na kasal, kahit na nagtataka ang mga ito sa dahil  ang alam  na kasintahan niya ay si Leonard. Nagpalakpakan  naman ang kanyang mga tauhan.Kung  nalalaman lamang nito ang kanilang set up ni Devon. Sa mga mata ng iba'y pinagbuklod sila ng pagmamahalan.Naroon din ng mga oras na iyon si Leonard.Larawan ng isang talunan.Yuko ang ulo.Gusto  man niya itong tawagin ay wala na siyang magagawa.
Mukhang nangayayat ng husto ang lalaki.

Si Devon naman ay matamang nakatingin sa kanya.Maya  maya'y may tumawag dito.Nag excuse ito sa kanilang lahat at lumayo malapit sa bintana.Nakita  nyang tumalikod ito sa kanila.

Doon siya nakasilip ng pagkakataong tawagin ang papalayong si Leonard.

"Puwede ba tayong mag usap?"


Napatingin ito sa kanya. Ibinigay  nya ang lugar at oras kung kailan sila magkikita.
Nasulyapan niyang napakagat ito ng pang ibabang labi,sabay tango.


"Rebeca!"
Tawag ng pamilyar na tinig na nagpatalon  sa kanya.

Mabuti nalang at nakakalayo sa pasilyo si Leonard.Sandali  siyang  natigilan at huminga ng malalim na humarap sa lalaki.

"Wala kana bang ibang sadya rito? mag uumpisa nakong magtrabaho."
Sabi niya rito.

''Sa makalawa'y ang ating wedding announcement.
Imbitahan mo ang mga tauhan mo at ibang malapit sa'yo.Doon natin gaganapin sa bahay nila nanay at tatay..

Tumango lamang siya.Allis na siya  ng hilahin siya nito sa braso at binigyan siya ng maalab na halik.Pilit syang kumawala rito sa pag aalalang may makakita sa kanila na nagdaraan sa pasilyong iyon ng opisina.Parang  hindi naman nakaramdam ito at hinawakan pa siya  sa baywang upang hindi siya makawala.

Kinindatan siya at tumalikod na papaalis.Siya nama'y naiwan na kulay kamatis na hinog ang muka sa sobrang pagkapahiya. Lalo na ng makita niyang maraming nagdaraan na tauhan niya na nakangiti, bahagya siyang tumikhim dahilan upang yumuko ang mga ito at magalang na nagpaalam.Bakas sa mga kababaihan ang pagkaingiit sa kanya.

Tinawagan nya ng gabing yon si Leonard,sinabi nyang the day after tommorow sila mag uusap dahil may mahalaga siyang pupuntahan sa makalawa.Pumayag  naman ito. Gabi  silang magkita ng hindi nalalaman ni Devon.

..............

Kinabukasan ng alas singko, ay sinundo na siya  sa opisina ni Devon upang magpaayos. Ibinigay nito sa kanya ang kanyang isusuot.Isang kulay puti ito na plunging neckline na may black na belt hanggang tuhod papapencil cut na may lace na itim sa ibaba.May  slit din sa gilid.
Tinernuhan ng simpleng white sandal.Kung sino man ang sinasabi nitong shopper ay humahanga siya sa galing ng pagpili.


"Ako  ang pumili niyang mga iyan para sayo''.
Narinig niyang sabi ng lalaki.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.Ngunit gaya nga ng pagkakakilanlan dito ay hindi malayong alam nito lahat kung tungkol sa isang babae ang pag uusapan.Ilang beses na niyang napatunayan iyon.

Imbis na pumunta sila sa salon ay biglang may dumating na bakla sa loob ng pad nito na may assistant na bading din.Maraming dala ang mga bading na kung ano ano.
Hindi man niya aminin ay nasorpresa siya sa paglalaan ng oras ng lalaki para doon.


Bago siya ayusan ng mga ito ay minasahe muna siya sa mga binti at braso ifinacial siya at pinahiran ng mga kung ano ano ang kanyang braso at mga binti .Habang nanunuod sa di kalayuan ang lalaki.Matagal na nga pala siyang hindi nakakaranas ng ganito sa kaabalahan sa trabaho.Mahusay  talaga ang lalaki,lahat yata ng makapagpapasaya sa isang babae ay alam nito .


Kahit  na sinong babae ang nasa kalagayan niya sa mga oras na iyon ngayon ay tiyak na matutuwa sa lalaki, dahil sa mga espesyal na pag aalaga nito sa bawat babaeng nahahawakan.Siya kaya hanggang kelan hahawakan nito?.

Nakasakay sila sa kotse  ng pumunta sila sa bahay ng magulang ni Devon.
Kinakabahan siya ng  bumaba sa sasakyan habang hawak ni
Devon ang kanyang mga kamay.
Kung  hindi lamang siya naka 4 inches heels na sapatos ay aakalain magkasintahan sila dahil sa taas ng lalaki.

"Dont be nervous.By the way,You look  stunning."
Pinasadahan siya ng tingin nito.

"Sinong hindi nenerbyusin sa iyo!"

"May sinasabi ka?"

"Nothing"''...Muntik na siyang matawa sa mga pinagsasasabi niya, para siyang  komedyante mag isip.Nahahalata na niya ito sa mga nagdaaang buwan, twing kasakasama  nya ang lalaki.Parang  binabago nito unti unti ang kanyang pagkatao.O ito talaga siya ?sabi nga nila''you bring out the bessss...'' worse in me 'palagay niya.

Kagaya na lang  ng bumigay siya sa lalaki ng ganoon nalang.Nawala ang taas ng tingin nya sa sarili niya ng dahil sa kagagawan nito.

Hindi pa man sila nakakarating ay kabadong kabado na siya.Maganda ba talaga siya ngayong gabi?hindi ba't sabi nito ay hindi siya kagandahan?Sabagay mahuhusay ang mga kinuha nitong service,kung hindi ba ay mapupuri siya ngayon ng lalaki?.

Habang nakasakay sila sa sasakyan mataman niyang pinagmamasdan ito ng palihim.Hanggang ngayon ay ni sa hinagap niya ay magkakaroon siya ng isang tulad nito.Malayong malayo sa kanyang ideal man kung ang ugali at diskarte nito ang pag uusapan.Simula palang ng lahat ng mga pangyayari ay hindi naging maganda para sa kanya ang sumama rito.Ang malala pa ay ang maging asawa ng isang katulad nitong makasarili at  dominante.Ang buong akala niya ay walang makagagawa nito sa kanya.Ngunit mapilit at matigas ang ulo ng lalaki.

Ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagsasama?Magkaibang magkaiba ang kanilang ugali at paniniwala.Hindi na siya magtataka lung sa unang taon palang ng kanilang pagsasama ay puro sakit ng kalooban ang dadanasin niya.Subukan lang nitong mambabae at makikita nito ang hinahanap.Hindi siya makapapayag na tapaktapakan siya nito.Sa kanilang pagsasama ay siya ang masusunod lalo na kung ang usapan ay tungkol sa kanyang magiging kahihiyan ng dahil dito.

"Huwag kang mag alala paliligayahin kita!"


Nagulat siya sa bigla nitong paglingon sa kanya kasabay ng sinabi nito.
Nababasa ba nito ang iniisip niya ng mga oras na iyon?Ah bakit hindi e demonyo nga pala ito!.Napabuntunghininga siya.

"Stop acting like Im a big nuisance to you!"


"Were'nt you?"


"Nah,better to say that Im your'e angel because I'd always brought you in heaven!"



"Fuck you!"



"Later honey,later."



"Bastos ka talaga!"



"Tingnan mo,ako pa ngayon ang bastos?bastos nakahubad."

Sinabayan nito ng pagalog ng balikat sa katatawa.


Binato niya ito ng hawak niyang handbag sa inis niya rito.





Ito ba talaga ang tunay na siya?ng dahil sa taas ng tingin niya lang ba sa sarili niya,o ng dahil sa nature ng kanyang trabaho?ah hindi niya na alam kung ano ang totoong siya magbuhat ng nang gulo ito sa tahimik niyang buhay...

Fucking manwhore"

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon