Ilang araw bago ang kasal napansin niya na laging wala sa eksena si Devon.Pati ang pakikipag usap nila ng kanyang biyenang babae sa wedding coordinator ay hindi ito nagpakita.Ang kanyang bibiyening lalake kahit papaano ay humingi sa kanya ng paumanhin dahil inasikaso muna nito ang mga naiwang negosyo sa ibang bansa upang maka attend lamang sa kanilang kasal.
Samantalang ang kanyang mapapangasawa ay hindi man lamang nagpaparamdam, ni hindi nagpapakita nitong mga huling araw.Napabuntung hininga siya.Tatlong araw nalang ay iiwan na niya ang kanyang pagkadalaga.Hindi niya alam kung ano ang mga pagbabagong kakaharapin niya.Hindi muna siya pumasok ngayon dahil dinaanan niya ang mga kaibigan bago man lang sunod sunod na bumalik sa ibang bansa.
Ang ilan ay balak na ring mag migrate.Isa pa,wala ng kapruble prublema sa kumpanya.Ipinaubaya niya muna ito sa kanyang kanang kamay.Kailangan narin niya kahit papano ng pahinga.Ngayon palakad na sa dalawang buwan ang kanyang tiyan.
Ito raw kasi ang pinakadelikadong buwan ng pagbubuntis.Kailangan niya munang irelax ang kanyang sarili, namasyal masyal muna sya at nagshopping sa Shangrila.Kumain sa mga restobar at nag fruit with mocha fondue.One of her favorite,no to coffee muna,
baka kasi makasama sa baby, since medyo maaga pa naman para mag diet.Lahat yata ng pagkain na makita niya at lahat ng dessert ay takam na takam nyang kinain.Habang naglalakad siya sa mall papunta sa mga spa na naririto, ay nakasalubong niya ang isa sa mga namamahala sa packaging department kasabay ang asawa nitong malaki narin ang tiyan.
Nagulat pa ito ng makasalubong siya,parang di makapaniwalang naliligaw din pala siya sa ganitong klase ng lugar."Umm".,, b"oss!Kakamot kamot ang ulo nitong bati sa kanya.Ang may bahay nito ay ngumiti at tumango sa kanya.
"Its alright,wala naman tayo sa opisina.Kamusta Misis?
Tanong nya sa may bahay nito na kahit kagampan ay mababakas ang aliwalas ng muka at ganda."Ok lang po mam!ito po,malapit na naming ipanganak ang aming panganay."
"Ganon ba?O Rey, abisuhan mo ako ng maaga para diyan ha!"
Ngumiti siya."A opo boss!!bago ko nga pala po makalimutan,sana po ay nagustuhan nyo ang disenyo ng kapatid ko sa kwintas na ipina sadya sa kanya ni sir Devon.Hindi nyo po kasi naitatanong ang kuya ko po kasi ay kilalang jewelry designer sa London. "
Nagulat man ay hindi nagpahalata.Nginitian nya ang mga ito at nagpaalam ng aalis.
Ano kaya ang sinasabing alahas ng lalaki? ni ang anino ni Devon ay hindi niya nakikita.Marahil sa kasal nito ibibigay yon sa kanya.Nakaramdam siya bigla ng pananabik.
Alas sais pasado na ng may marinig siyang nagtatawan sa mansyon habang papasok siya sa bahay.
Nakita nyang naglalaro ng chess ang kapatid at si Leonard,napansin ng mga ito ang kanyang pagdating at tumayo ang dalawa sa kinauupuan."Ikaw pala sis!kanina kapa hinihintay ni Leonard, aakyat na muna ko sa itaas."
Ngumiti ito ng alanganin.
Tumango lamang siya.
tinawag niya muna ang katulong upang kuhanin sa kotse ang kanyang pinamili.Maupo ka! You want anything???..coffee?juice?."
"No thank you!Kanina pa ng narito si Carla."
Magkasalikop ang mga kamay nitong umupo sa tapat niya.
Nang hindi ito kumikibo ay siya ang unang nagsalita.Pasensiya kana noong nakaraan.Alam mo Leonard, alam kong mabuti kang tao, ngunit ayoko namang paasahin ka.
I dont deserve you, because your'e a good man,you deserve someone bett--""Its ok".
Putol nito sa kanyang susunod na sasabihin."I undrestand."
Ngumiti ito ng mapait sa kanya.Bilang pakiki simpatya niya rito, bago ito umalis ay niyakap nya ito ng mahigpit.Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang lalaking laman ng kanyang isip na nakahalukipkip sa may pintuan habang nakasandal.Bigla siyang kumalas kay Leonard ng mahimasmasan.Nangamba siyang magkaroon na naman ng alitan sa dalawang nagsusukatan ng tingin.Kayat akay akay nya ang lalaki hanggang sa makalabas ito ay maayos silang nagpaalaman.
Pagbalik niya ay wala na sa pinto ang lalaki.Nagtataka man ay nagkibit balikat na lang siyang umakyat sa kanyang silid habang daladala ang isang basong gatas.Pag bukas nya ng ilaw ng silid ay muntik ng lumigwak ang dala nyang baso dahil sa gulat.Ang lalaki sa ibaba ay naroon sa dulo ng kanyang queen size bed na higaan.Naka hubad baro ito at naka boxer short na lamang.
Hindi nya malaman ang kanyang gagawin, kayat minabuti nyang magshower muna bago matulog.Nanlalagkit narin ang kanyang pakiramdam dahil sa init.Inilock niya ang pinto sa takot na baka pasukin siya nito habang naliligo.Pagkatapos nya'y dahan dahan siyang lumabas ng banyo.Nakita nya itong nahihimbing na nakakunot ang noo.
Pinagmasdan nya ito habang natutulog.Hindi niya napigilang tignan ang kabuuan nito hanggang sa ibaba.
Nanlaki ang kanyang mata ng makita nya ang kayamanan nito na bakat na bakat sa suot na boxer short.Nanuyo ang kanyang lalamunan bigla.His an animal.
"AN ANIMAL IN BED."
Napalunok na lamang siya.Saan kanlungan na naman kaya nanggaling ang magaling na lalaki?Kung makakasal sila at pawang ganito lang ang mangyayari,ano ang magiging kinabukasan ng kanyang anak?Kung ang kakalakihang pamilya ay hindi nagmamahalan?Kakayanin niya kaya ang araw araw na laging ganito?kung kailan nito gustong pumunta sa iba ay narito siyang naghihintay sa oras at araw na maisipan nito kung kailan ito babalik?
Lumaki siya sa tahanang nagmamahalan at nag uunawaan.Kaya niya ba na maging ganito katanga sa piling ng lalaking ito?Kung gusto niya ng masayang pamilya ay siguradong hindi niya makakamit sa piling ng lalaki.Hindi niya kayang marungisan ang kanyang pangalang matagal ng iniingatan.
Kaya niya bang magsakripisyo ng lahat alang alang sa kanyang magiging anak?Kung makikisama siya rito ay hindi siya matatahimik.Kung lalayo siya ay isa lang ang maliwanag.Ang lumaking walang ama ang kanyang magiging anak.Alin sa dalawa?
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomantikShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...