"Bakit hindi ka umaalis?"
Natigil ang pagpupunas niya ng luha at biglang napatayo sa kinauupuang carpet sa pasilyo.
"Kapag nakipag matigasan ka ay higit pa diyan ang mararanasan mo,huwag mong sabihing hindi ko sinabi?"
Nakahalukipkip habang nakasandal ito sa pintong kanyang nilabasan.Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang lalabas kaagad ito at makikita pa siya sa ganoong ayos.
"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo!"
Nagtatapangtapangan niyang bulyaw rito."Well sorry to tell you but I do.Hindi ko naman sinabing hindi ka pwedeng lumaban.Sige lumaban ka!"
"Ang sabi mo ay ako lang ang mataas ang pagtingin sa sarili,tingnan moang sarili mo Devon."
"Bakit hindi ba totoo?!
Dont tell you dont like my kisses? ""Idont!"
"LIAR!!!"
"Hindi ko itinatangging naakit ako sayo, tulad ng sinabi mo.You're an expert when it comes to women.
I dont want you!.And i hate you!!!"Natigilan ito.Wari'y nag iisip.
"I'll give you two weeks to decide.Nasa iyo ang pagpapasya kung gusto mong magpatuloy ang ganito."
"Ganyan ka ba talaga,?ang mamilit sa isang bagay na hindi isinasaalang alang ang damdamin ng iba?
"You sure?so your'e trying to say that you love him but you desire me?"
"Dahil,,,, Dahil pinipilit mo ako! tinatakot!"pinagbabantaan!..."
"Try to convince yourself first Rebeca!" Nang iinsultong sabi nito sa mukha nya.Pagkatapos ng salita nito'y lalo niyang naramdaman ang panghihina,sa pagkaubos ng sasabihin.
"Kahit ano pa ang idahilan ko sayo ay walang mangyayari.Ikaw narin ang may sabing hindi ka tumatanggap ng pagkatalo."
"Hindi ba't sinabi ko sayong gawin mo kung ano gusto mong gawin at maghihintay ako!"
Hamon niya rin dito."Kung talagang mahal ako ni Leonard ay tatanggapin nya ko kahit ano pa ang gawin mong paghadlang sa aming dalawa."
napangisi ito.
"Sigurado ka?"
Kapag sinabi ko ba sa kanya na kung paano kita napapaligaya sa kama ay matutuwa siya?kung ilang beses tayong nagtatalik sa buong isang araw ay matatanggap nya?
gumising ka Rebeca.Hindi mo ba alam na ang pinakamasakit na pangyayari sa lalaki ay ang "MAPENDEHO?."Hindi na siya nakakibo at hindi na niya na ulit napigilan ang luhang namalisbis sa kanyang mga mata.
Sinulyapan naman siya nito at bigla ring tumalikod pagtapos.
"Dalawang linggo Rebeca.Dalawang linggo....."Pagtalikod nito ay lumakad narin siyang palayo.
Ano ba ang gagawin nya?!ipagtapat niya na kaya kay Leonard ang buong pangyayari at bahala na ito sa kung ano magiging desisyon ay siya niyang tatanggapin.
Kaysa nabubuhay sa kasinungalingan dito.Ahhh bahala na...
Ang mahalagay masabi nya rito ang totoo kaysa sa maunahan siya ng lalaking yon'.Ngayon siya nagsisisi kung bakit nya hinayaang makapasok si Devon sa tahimik nyang buhay.Kung maibabalik niya lamang ang lahat.
Ngunit may taglay itong katangian na hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makatanggi sa mga bagay na gusto nito.Parang alak na nakalalasing sa buo niyang pagkatao.
"Thats why those women cant resist him.
Kabilang naba siya sa mga iyon?.Nagbanta ang lalaki na hindi ito ang katapusan ng lahat.Magagawa nga ba nito ang sinabi?Gaano ba talaga ito kaimpluwensiya?May kakayahan nga ba itong gawin ang mga sinasabi?Hindi kaya bina bluff lang siya nito para mapasunod siya?Ngunit iba ang pakiramdam niya.Sino ang nasa likod nito at ng mga pangyayari sa kanya ngayon.Talaga nga kayang siya lang ang habol nito at wala ng iba?Napakahirap paniwalaan.
Hindi nga ba't noong una palang ay maliwanag na pera lang ang habol nito sa kanya?bakit may pinalalabas ito na parang hindi na ito after sa pera.Saan naman ngayon?sa pagiging popular niya?Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kanya kung ano ang tunay na motibo nito sa kanya.
Mahirap para sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi nito dahil noong una palang ay pinapaikot na siya ng lalaki..................
Aaminin niya na naawa siya kanina sa babae ngunit ang insultuhin siya nito at iparamdam na isa siyang mababang uri ay hinding hindi niya makakalimutan,iyon ang ayaw na ayaw niya dati pa.Tama lamang na matuto ito ng leksiyon upang bumaba ito sa kinalalagyang pedestal.
Hindi siya makapapayag na siya ang pasunurin nito.Kahit kailan ay hindi mangyayari iyon.Pinaplano niya pa kung ano ang isusunod niyang hakbang pagkatapos nito.Hindi maitatangging matapang rin ang babae.Sukdulan man na gipitin ito ay hindi basta basta ito nasuko.
Tingnan niya kung hanggang saan ang tapang ng babaeng tigre.Siya ang magpapa amo rito at titiyakin niyang may matututunan ito sa kanya.Papanoorin niya kung ano ang gagawin nito ngayon.Ngayon nito gamitin ang talino hanggat gusto nito.Tingnan niya kung sino ang mananalo sa labang ito.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomantizmShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...