Pag gising nya kinaumagahan, Habang nagkakape ay naisip nyang magbukas ng tv.
Nakita nyang nasa puno ng mga balita ang congressman sa kasong graft and corruption,sa katabing letrato ay ang kanyang kapatid na kinasuhan din .
Kasabay ng paghahain ng demanda laban sa kanila ng asawa nito,napangiti naman siya,heto pala ang sinasabi ng lalaking yon.Mukhang consistent naman pala ang lalaki pagdating sa kanilang usapan.Ngunit sa kabila ng nangyayari sa ngayon ay nahaharap siya sa isang malaking prublema.
Ito lang yata ang prublemang hindi nya pa nahahanapan ng solusyon.
kailangan makausap niya ang lalaki sa pagpapadala nito ng mga bulaklak araw araw,mabuti at hindi nagagawi dito ang kanyang katipan at tanging siya lamang ang nakakaalam kung sino ang totoong nagpapadala ng mga iyon.
Naghanda na siya sa pagpunta pabalik sa opisina niya.
Pagdating nya'y binati siya ng mga tauhan nya."Boss sabi nga pala ni sir nyo ay tawagan nyo raw po siya pagdating nyo."
"Thank you Besy"
Kaagad niyang dinial ang number nito."Hello sweetheart,pinatatawag mo raw ako?"
"Sweety mayroon kaming biglaang out of the country bukas, siguro'y mga two to three months kami doon dahil may aasikasuhin daw kami with the big boss. Sinabi ko lang sayo ng mas maaga para di kana mabigla, isasama kita mamaya sa place ko.""Bakit mukhang biglaan naman yan?!
wala nabang ibang representative na hahalili sayo?
bakit kailangang ikaw pa?"
Namroblema siya lalo."Sweety try to understand'.
Tatlong buwan lang naman iyon.Kung kumpara sa mga taong nagdaan na malayo tayo sa isat isa.
"Yun nga eh,matagal na ang panahong nasayang tapos aalis kapa?
"Hmmmm..akala mo naman ang mahal ko,kung ikaw nga na hindi maiwanan ang mga tao
mo.
Hayaan mo sweetie, pag uwi ko galing New york ay may sorpresa ako sayo.
Huwag ka ng malungkot".
"Sige ,mamaya hihintayin kita."
Napabuntunghininga siya.Kung kailan kailangan nya ito ay saka naman ito aalis.Mabilis lumipas ang oras, hindi nya napansing kanina pa pala ang uwian.Bakit kaya di pa siya tinatawagan ng kasintahan?
mabuti pa'y bumaba na siya.Nang tumayo siya'y naramdaman nya ang pamimitig ng kanyang mga hita,masakit narin ang likod niya,nasa pinakababa na siya ng masalubong niya si mang Dodong sa ibaba."Pauwi na kayo mam?"
"Oho".
At napasulyap siya sa labas.Nakita nya ang pamilyar na bulto ng lalaki na
nakatayo at matiyagang naghihintay.
"A mam, inggga...t!
ma"""m.. mam??!!!
(napakamot sa ulo si mang Dodong,)Nakita niya kasing nananakbo ang babae papunta sa pinasulok ng buillding sa bandang sarado ang ilaw.
Pawis na pawis siya sa kaba ng makarating sa bandang madilim sa dulo.
bakit wala pa kasi ang lalaking 'yon?
san ba nagpupunta ito?
gusto na nyang mainis.
Nakita nyang tumingin sa oras ang lalake sa labas at ng makitang naka patay na ang ibang ilaw ay humarurot ito ng takbo paalis.Lumabas na siya sa pinagtataguan niya ng mga ilang minuto na itong nakakaalis.
Ngayon nya lang napunang mabilis ang pintig ng kanyang puso.
Tila nakipag marathon sa sampung kabayo.
Dinial nya ang numero ni Leonard,sa pang apat na ring ay sumagot ito.Pasensiya naraw siya dahil naiipit ito sa traffic.Pag dating nito ay hinalikan siya sa labi.
"Miss me sweetheart?"
Tumango lamang siya.Habang sakay siya ng kotse nito ay nag iisip isip siya.
"Mukhanng malalim yata ang iniisip ng mahal ko?
Bakit mamimiss mo ba kagad ako?"Napangiti siya."Bakit naman kasi napakatagal mong mawawala?."
Ngumiti naman ito sa kanya,
kasabay ng paghalik nito sa kanyang noo.
Ito ang isa sa mga katangiang nagustuhan nya rito.
Pag dating sa place na sinasabi nito sa City garden kung saan ito nakatira, ay nakita nyang maganda ang lugar. Malaki at magaganda ang mga kasangkapan na mga panlalaki ang kulay.Sa pinakataas ang nagsisilbing kwarto.
Sa sentro nito ang malaking sofa,na ang ginamit na carpet ay osong nakadapa na puting puti ang kulay.Naupo sila at inabutan siya nito ng wine.Nakita niyang nakaayos na ang mga damit nito sa ibabaw ng center table at ang maletang gagamitin nito.Binuksan nito ang malaking flat screen tv na nasa wall.
Ekasaktong ang balita ay sa congressman at sa kanyang kapatid."Mabuti naman at nakasuhan na sila, hindi biro ang ginawa nila sayo.mukhang hindi ka na nila hinintay, may nauna ng iba para kasuhan sila
Ikaw anong plano mo sweetheart? "Bahala na sila,hayaan mo nalang tutal naman ay hindi na siya iba sakin, hindi naman ako masyadong naapektuhan.
Lumapit sa kanya ito ibinaba ang kopita sa table, inumpisahan syang halikan nito sa labi, sa leeg,tumagal ito doon.Hanggang sa naramdaman nya ang mga kamay nitong humahaplos sa kanyang likuran pababa. Dahan dahan siyang inihiga nito sa mahabang sofa.Nag uumpisa na itong hubarin ang suot na polo long sleve.Hinubad narin nito ang black pants nito. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Nasa mga mata nito ang pagnanasa.
Napalunok siya.Bigla namang nag ring ang telepono nito.
Symenyas sa kanya ito, at bahagyang lumayo sa kanya.Pagbalik nito'y nagkukumahog ito sa pagdampot ng pinaghubaran.
"Bakit?"
Nagtatakang tanong nya dito.
Hinaplos sya nito sa mukha."Im very sorry sweetie,kata
tawag lang sakin ng Big boss. Na rebook daw ang flight,instead na bukas ay tatlong oras mula ngayon.
I will make it up to you pag balik ko." hinalikan siya nito sa labi at sa dalawa nyang kamay at alanganing napangiti.
"Pag balik ko,ay pakakasal na tayo sweetheart."
Seryoso ang mga matang sabi nito sa kanya.
Tuwang tuwa nyang niyakap ito.Lubos siyang naligayahan sa sinabi nito at hindi niya niya napigilang mapayakap sa lalaki.
"Ill wait for your return."
At siya na ang naunang humalik rito.
Hindi niya alam kung bakit may halong kaba ang napipintong pag alis.........................................
Ang mga susunod na eksena ay rated 40..... maaring ito ay may maseselang eksena ,gaya ng.....SEX kinakailangan ng patnubay ng magulang,lolo at lola,kamag anak,kapit bahay,tsismosa't tsismoso..at lahat ng tambay sa kanto.Ang may edad na 18 pababa ay mangyaring lagpasan po ang pahinang susunod.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...