Pakiramdam nya ngayon ay ang ganda ganda nya sa kanyang trahe de boda habang nakatayo sa dulo ng pintuan.Nakalatag ang carpet na pula sa aile.Ang buong simbahan ay napapalibutan ng ibat ibang kulay ng bulaklak.Ang pinaka nasa gitna ng pumpon ay ang old rose, gayon din ang motiff.Parang ang tibok lamang ng kanyang puso ang kanyang naririnig,''bog,bog''bog''...
Ito na,wala na talagang atrasan ito.Nakita nyang naghihintay sa dulo ng altar ang lalaking gwapong gwapo sa amerikanang gray.Ang mga tao'y parang nagkakaisang napatingin at napangiti sa kanyang pagdating.
Maraming tumatakbo sa kanyang isip.Kung gagawin niya ito ay habang buhay na siyang makukulong sa piling ng lalaking taksil.
Hindi nya alam kung aatras ba siya o tutuloy'aatras?tutuloy?aatras tutuloy?''...bog;''bog''bog''....
Dinig na dinig niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso.Nang palapit na siya ay kusang umatras ang kanyang mga paa.Nakita nyang kumunot ang noo ng lalaki.Nawala rin ang pagsilay ng mga ngiti ng mga taong naroroon at nasalitan ng pagtataka.
Nagdesisyon na siya.
Pumihit siya bigla papunta sa malaking pintong pinasukan niya kanina.Hawak ng mahigpit ang kanyang gown pataas upang kaagad siyang makakilos.Tumakbo siya ng tumakbo,walang lingon likod.Tuloy tuloy siya.
Lakad takbo ang kanyang ginawa papunta sa sasakyang kanina pa naghihintay sa kanya sakaling mag bago ang kanyang pasya.Mabilis na mabilis.Hindi paaabot kanino man, lalong lalo na sa lalaking humahabol sa kanya na may galit ang mga mata.
Nakalapit ito ng sya'y nasa loob na ng sasakyan.Narinig nya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan, ngunit isinara nya ng kanyang tainga at mata upang hindi na ito mabago ang kanyang pasya.
Anong pumasok sa isip ng babaeng iyon at iniwan siya ng ganoon ganoon nalang?
Habang papalayo ang sasakyan ay nagmamadali siyang sumakay sa kabilang sasakyan niya.Medyo natagalan dahil sa kabila pa ito nakaparada.
May pagmamadali ang kanyang kilos.Hindi siya makapapayag na iwan siya nito.Kung kailan maayos na ang lahatbay saka pa ito gagawa ng ganoon?at sa kanya pa?Nakailang liko na siya ngunit wala siyang nakitang sasakyan na katulad ng sinakyan ng babae.Saan kaya ito lumiko?hindi pa naman niya kabisado lahat ng daraanan dito.
Ilang oras na ng sumuko narin siya.Bigla niyang hinampas ang manibela at napayuko."A-Anong nangyari anak?nasaan na si Rebeca?"
Ang nag aalalang tinig ng ina ng makitang hindi niya kasama ang babae."Wala na siya Nay Tay.Pakisabi na lang sa mga bisita na hindi na matutuloy ang kasal."
Biglang napahagulgol ang kanyang ina at kaagad naman itong dinaluhan ng kanyang ama.
Unti unti ng nag uwian ang lahat ng mga tao. Sila na lang ng pamilya ang natira at sa babae.
"I-Im sorry Devon.."
Ang malungkot na tinig ni Carla at ng mga naroon.
Hindi siya nagsalita.Isinusumpa niya ang araw na ito.Naikuyom niya ang kamao...
......................
Nakatanaw siya sa labas ng bintana ng eroplano kinalululanan niya.Mabuti nalang at nakasakay siya na walang naging problema.katatawag tawag niya lang kanina kay Carla.Alalang alala ang babae sa ginawa niya.Wala sa hinagap nito na itutuloy niya ang binabalak kaya gulat na gulat ito.Pero alam na nito ang plano niya.Galit na galit at pahiyang pahiya raw si Devon ng umalis siya.Halos magwala raw ito sa simbahan.
Dapat lang iyon sa lalaki.Kulang panga iyon sa mga ginawa nito sa kanya.
Hindi siya kayang lokohin ng kahit na sino.Hindi siya kayang pasunurin ng kahit na sino.Dahil siya.Si LADY TOUGH.TO BE CONTINUE....
..........................................WAG PONG BIBITIW SA ISTORYA,SUNDAN PO ANG KASAYSAYAN NI DEVON AT NI REBECA SA SUSUNOD NA LIBRO(BOOK 2)MAS PINAKA NAKAKAKILIG,AT KAABANG ABANG NA KWENTO,MULI SAMAHAN NYO PO ULIT AKO SA MGA SUSUNOD NA KABANATA SA BUHAY NILA DEVON AT REBECA :)"Comments is higly recommended and appreciated para malaman ko rin po ang mga mali,o puna sa istorya."God bless!!!
Follow me in wattpad for more stories.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomantizmShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...