16 AGAIN

3K 77 6
                                    

Sa paglipas ng mga araw ay walang patid siyang pinadadalhan ni Leonard ng mga bulaklak.Tinatangkang tawagan.Ngunit gaya ng sabi niya rito ay hindi niya pa kayang harapin ito.

Biglang nagring ang kanyang cellphone.

"Hello Rebeca!
Boses ni Devon.

"O napatawag ka?Anong balita sa magaling kong kapatid?"

"So far so good,wala ka bang tiwala sakin?Siya nga pala matutuloy na yung hinihintay nating transaksyon sa mga investors natin galing U.S.
mamaya ay magkikita kita kami".

"GOOD!"
Sabi niyang nasisiyahan.

Ang kapatid niyang walang utang na loob ay patuloy parin sa pagsabotahe ng kanyang negosyo.
Sa oras na itoy sisiguraduhin niyang hindi na siya malulusutan nitong muli.

...

Pagkatapos niyang bolabolahin si Carla ay nagmamakaawa na huwag muna siyang umalis.

"Babe kailangan,dahil may aasikasuhin ako sa opisina."

"Pagkatapos ng work mo, promise ha! "
Anang babae.

Ngumiti lamang siya.Alam nya na matagal na silang tinitiktikan ng congressman alam niya ring alam na nito na may kalaguyo ang babae at inihanda  na niya ang kanyang alas.
Ang asawa nito.

Dahil sa bawat paglabas nila Carla at ng lalaking kongresista ay siya namang pagpapadala niya ng mga litrato nila kay Mrs Villavente.

Pagkatapos niyang maibulgar ang lahat ng mga baho ng dalawa kasunod nito ang pagpapahalungkat niya sa mga kasong pandarambong ng kongresista, katulong ang maimpluwensiya niyang ama ay ang plano naman niya ang isusunod niya.Dito'y napangisi siya sa kanyang binabalak.

Noong araw ding 'yon ay dumeretso si Rebeca sa isa sa kanyang mga hotel at duon siya tumuloy muna, aayusin niya ang iba pang kailangang asikasuhin.Bukod sa paglalagay ng mga bagong recreation dahil kailangan nilang makipagkumpetensya sa ibang hotel.

At dito'y kailangan niya munang makapag isip isip.
Alam niyang buhay pa ang nararamdaman niya para kay Leonard.Bibigyan niya pa ba ito muli ng isa pang pagkakataon?
Biglang tumunog ang kanyang intercom.

"Boss may naghahanap daw po sa inyo sa ibaba.Paakyatin ko po ba?Mr.Leonardo Agustin daw po.

Hindi na siya nagdalawang isip na paakyatin ito.
Kakaba kaba siya habang hinihintay ang lalaki at may halong pananabik.

Inihanda niya ang sarili at humugot ng malalim na hininga.
Sinuring muli ang maayos na at walang lukot na blusang puti at slacks na kulay lumot.Inayos ang ilang hibla na kumawala buhat sa pagkakapusod ng buhok.

Maya maya ay may kumatok at nagmamadali siyang umupo sa swivel chair niya.Pumasok ang lalaking Naka asul na polo at may dalang isang boquet ng bulaklak bukod pa sa nakapalibot sa opisina niya.Nakatingin ito ng may pagsusumamo. Ang mukhang payat na payat at nanlalalim ang mga mata.
Natahimik ito saglit at kagyat na nagsalita.

"Pls Beca,I never stop loving you.
Pls be my woman once again?"

Nagulat siya sa ginawang pagluhod nito sa kanyang paanan.

"Yes!"
She replied.Nagulat din siya sa mabilis niyang tugon.Siguro'y nanghihinayang siya sa mga panahong nasayang nila.Isa pa wala naman itong kasalanan.Napag isip isip niya na bakit pa niya sisikilin ang nadarama.Kailangan naman niyang pagbigyan ang sarili upang lumigaya.Tama na ang mga panahong pinalampas nila.Hindi niya na napigilan ang pamamalisbis ng kanyang mga luha.Para siyang nakakawala sa hawlang kinakukulungan niya sa mahabang panahon.

Gulat din ito sa biglang pagsagot niya.Siguro'y hindi nito iyon inaasahan.Bigla niyang hinatak ito papatayo at nagyakap sila.

"Thank you Beca! thank you!Hinding hindi ka magsisisi.Pupunuan ko ang mga panahong nagdaang wala ako sa piling mo."

"Sayang nakamatayan na ni Papa.Alam kong bukod saki'y siya ang unang taong matutuwang makikita ng maligaya ang kaisa isa niyang anak."
Bigla niyang naalala ang kanyang ama.

"Sa ngayon ay alam niya na masaya kana.At sigurado akong matutuwa 'yon kung saan man siya naroroon ngayon."
Sabi ni Leonard habang yakap siya.


At kapwa sila may mga luha sa mata.Paulit ulit siyang inikot nito habang karga siya.Mahihigpit ang mga yakap nitong tila wala ng balak pang pakawalan siya.

"May ipapaki usap sana ako sa iyo."
Pagkaraa'y sabi niya rito.

"What is it love?"
Nakakunot na tanong nito sa kanya.

"Pwede mo naman ako bigyan ng ganyan."(Inginuso niya ang isang boquet ng bulaklak sa ibabaw ng table niya.)
Siguro kahit hindi na yung ganito karami,kasi nahihirapan kaming buhatin lahat at iuwi sa bahay araw araw.Sa dami niyan ay pwede na yata akong magtayo ng flower shop ano sa palagay mo?"

Sabay silang nagkatawanan.Pagkatapos ay siniil siya nito ng nagbabagang halik at gumanti naman siya.

...

"Mukhang bihira ka ng naliligaw ngayon dito ah?Mukhang nakabingwit ka ng malaking isda?Sabit mo naman kami diyan tol."

Tinawanan lang niya ang mga ito.Nagpainom kasi siya bilang selebrasyon sa sunod sunod na swerteng dumapo sa kanya.
Hindi nga lang niya maintindihan na sa kabila noon ay nagpapatuloy parin siya sa paglalaro.Mukha kasing kakaiba ang isang ito.Mas masarap paglaruan mas masarap tikman.Mukhang  ngayon lang siya nagkaganito.Araw araw ay panibagong chalenge.Isa pa,hindi pa naman niya alam kung ano ang una niyang gagawin.Hindi naman din nagtatanong ang kanyang ama kung ano ang plano niya ngayon.

Marami siyang iniisip na gawin.Mas masarap siguro kung gagamitin niya ang talino at husay ng babaeng iyon.Tama ng magkaroon naman ito ng pakinabang sa kanya.

Ito narin ang huling punta niya sa ganitong klaseng lugar.Hindi na siya nababagay rito.Pinabaha niya ng alak sa lamesa At tuwang tuwa ang mga kasama niya.Hindi alam
ng mga ito na ito na ang huli.

Kanina pa ring ng ring ang kanyang cellphone at ng tingnan niya ay ang mga kliyente niya.Sunod sunod ng tawag pati ang messages. Puro booking ang habol nito sa kanya.Sa inis niya ay hinugot niya ang sim card at niyapakan upang masira.Hindi na siya ngayon isang mababang uri.

Mapapasakanya na ang bawat niyang naisin.
Siya ang bagong Devon.Makapangyarihan,mayaman at Demonyo.

Tinawagan niya si Rebeca gamit ang bago niyang cellphone.Ilang dial na ang ginawa niya ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.Napipikon na siya sa pagpapakipot ng babae.Masyado ng matagal para sa kanya ang paghihintay kung kailan niya ito maikakama.Nagsawa siya sa katatawag ngunit wala paring sumasagot.
Para siyang napahiya sa sarili sa ginagawa.Humanda ito sa kanya,sa oras na makahanap siya ng pagkakataon ay hindi niya na ito palalampasin.Bad trip na badtrip siya kaya idinaan niya nalang sa inom.

...

Ilang beses na niyang iniignora ang tawag sa kanyang cellphone at ilang beses narin siyang tinanong ni  Leonard kung baka importante ang tawag at ayaw niyang sagutin.
Ayaw niyang masira ang gabing iyon ng dahil lamang kay Devon.Alam niyang kukulitin lang siya nito.

Narito sila sa isa sa pinakamamahaling restaurant at masayang binabalikan ang magagandang alaala noon.Marami na itong naikwento sa kanya ngunit kahit anong pilit nitong magkwento rin siya ay panay ang tanggi niya.Wala naman kasi siyang magandang sasabihin rito.Mistula kasi siyang robot ng iwan siya nito.

Pilit niya naring binubura sa isipan ang hindi magagandang nangyari sa kanya,dahil alam niyang iyon ang nagbibigay sa kanya ng kahinaan.Bubuo ulit sila ng magandang kwento at iyon ang pinananabikan niyang mangyari sa ngayon.

Panandalian niya munang isasantabi ang mga problema sa opisina.Hahayaan niya munang lasapin kung paano muling lumigaya sa piling nito. Ang kanyang pinakamamahal noon at ngayon walang nabago tiyak niya iyon.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon