32 REVELATION

3.1K 85 7
                                    

Hindi siya mapakali habang nakaupo sa upuan nya.Malaking desisyon ang kakaharapin nya sa ngayon.Nakasalalay dito ang kanyang magiging buhay sa piling ng lalaking matagal niyang iningatan sa kanyang puso.Ang kumpanyang pinaghirapan niya ng kanyang pawis at dugo.Wala siyang pagpipilian kung sakaling ang piliin niya ay si Leonard. Humanda siya sa pagbagsak ng kanyang mundo.
Yun ay kung patawarin siya nito.

Sa tanang buhay nya'y ngayon lang siya tinakasan ng kumpiyansa sa sarili.Ngayon lang......

Kung si Devon ang kanyang pipiliin ay hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito.Alam nyang mapapariwara siya dito, sapagkat kilala ito bilang isang gigolo.Ano nalang ang sasabihin ng kanyang mga business partner kapag nalamang nakipagrelasyon siya sa isang katulad lang nito.

Nakakilala ba ito ng isang mayamang makapangyarihan?At bakit ito naghahabol sa kanya?Samantalang gaya nga ng sabi nito ay walang makatatanggi babae sa isang katulad nito?.
Sumasakit na ang ulo nya sa kaiisip subalit wala man lang siyang makuha ni kapirasong sagot sa mga tanong nya.

Ano ba ang gusto nito sa kanya na wala sa iba?
Hahayaan ba niyang patuloy na pababain nito ang kanyang moral?Ito ba ang magbabagsak sa kanya?
Hindi matapos tapos ang tanong niya sa sarili.

Pakiramdam nya'y tumanda siya ng sampung taon sa kaiisip.
Ano ba ang dapat nyang gawin upang layuan siya nito?
Sino ang taong nasa likod nito?

Ilang minuto na siyang nakatingin lang sa kanyang cellphone.Kanina pa niya balak tawagan ang kasintahan ngunit tila may pabigat na malaking bato ang kamay niya.Sanay mapatawad siya nito.Ngunit paano niya sisimulan?paano niya sasabihin dito ang pagtataksil na ginawa niya habang wala ito?.
Bahala na.Manapa'y ihanda na niya ang kanyang sarili sa gagawin nyang pagtatapat.
Lalong nadagdagan ang sama ng pakiramdam niya.
Inidinial na niya ang numero nito dahil baka mapigilan pa siya ng sarili mismo niya kung hindi niya ito gagawin.

"Yes sweetheart?"

Sinabi niya rito ang pakay.

...

Kaninang nasa sasakyan palang sila ay patuloy parin siyang nag iisip.Hirap na hirap ang kanyang kalooban sa gagawin niya.Papasok palamang sila sa paborito nilang kinakainan ng may makasabay sila sa pagpasok sa glass door

Nanlamig ang mga palad niya ng magtama ang kanilang paningin.Nagbabanta ang mga mata nito kahit may mga kasama itong tatlong lalaki.Isa'y mukhang hapon at isa naman ay amerikano.

Nang uupo na sila sa kanilang ipinareserve na na mesa ay siya naman ding upo ng mga ito sa gawing kanan na animoy nananadya dahil malapit ito sa kanila.

Kumaway naman si Leonard sa lalaki bago pa niya ito mapigil.
"So sweetheart ano ba ang mahalaga mong sasabihin sakin? "
sabay ngiti nito sa kanya.

"Kumain muna tayo"
Sabi nya.

"Narito rin pala sila!"

Hindi niya na nabigyan pansin ang tinutukoy nito.

"Kamusta sweetheart ang negosyo?
Si papa,matutulungan niya tayo.
I'm sure matutuwa yon,dahil nuon ko pa nasabi ang pagpaplano natin tungkol sa kasal."

Ngumiti siya.
"So ano ba nga yung sasabihin mo sweetheart?Huwag mong sabihing you're having a cold feet?"
ngumiti ito
'Wag naman sana.Sabay bawi nito.Nang hindi siya sumagot agad ay muling nagsalita.
"Anyway that's normal sweety,sabi nga ng ibang kaibigan ko e, natural lang yan at isa yan sa mga nararanasan ng mga ikakasal."
Hinimas siya nito sa mukha.

Ginigitilan na siya ng pawis sa noo ng hindi parin siya nagsasalita.
Nang ibubuka na niyang pilit ang kanyang bibig ay biglang may tumabi sa kanya.Napabaling  siya kaagad sa taong tumabi sa kanya at hindi nga siya nagkamali.

"Gusto mo bang tulungan kita sa pagsasabi Rebeca?"
Sabay akbay nito sa kanya.
Namutla siya at nahintakutan rito.Pinisil niya ang braso nito at nakikiusap ang mga matang tinignan niya ito.

Nagpa lipat lipat ang tingin sa kanila ni Leonard na tila takang taka sa nangyayari subalit nagsisimula ng maging alanganin ang ngiti.


"Bakit sweetheart ano ang hindi mo masabi?"
Ang kanyang kasintahan na ngayon ay nakatingin na sa mga braso ni Devon na nakaakbay parin sa kanya.

"H-Hindi ba't may mga kasama ka?"
Sabi niya at lumingon pa sa kabilang table,na ngayon ay bakante na.Mukhang hindi talaga umaayon sa kanya ang mga pangyayari.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya Rebeca?"

"Ano ang dapat kong malaman sweety?"
Madilim na ang mukha nito kay Devon.

Napalunok siya at parang may bikig ang kanyang lalamunan.

Kaagad siyang tumayo  nagmamadali at walang sabi sabing hinatak ang braso ng kasintahan.

"I'm sorry I think we have to go."Habang hawak niya ang kasintahan ay nagsalita siya ng hindi tumitingin kay Devon.Nagtataka namang sumunod sa kanya ang kasintahan.

Kumakabog ang kanyang dibdib habang akay niya ito sa paglalakad.Madaling madali ang kanyang hakbang ng biglang tumigil ang lalaki.

"Tell me what's going on pls."Natigilan siya sa paghawak rito gayon din sa paglakad.

"It's nothing.Huwag mo siyang intindihin."At dahan dahan niya itong hinarap.

"Liar!bakit hindi mo sabihin sa kanya ang buong katotohanan Rebeca!"
Si Devon na nasa gilid lang pala nila.Kaya siguro huminto ang kanyang kasintahan.


"A-anong katotohanan?"Naguguluhang tanong muli ng kasintahan.

"Huwag mo siyang pakikinggan.Sinunghaling siya!"
Natataranta niyang sagot dito.

"Bakit hindi mo sabihing ayaw mo ng-"

Hindi niya na narinig ang kasunod na sasabihin ng lalaki.


MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon