36 FINALLY

3K 75 3
                                    

Kinabukasan gaya ng nangyari nung una ay nagkakagulo nanaman sa kanyang opisina,kanina lang ay nagmensahe ang lahat ng kumpanyang pinamamahalan nya, dahil ang ibang tauhan nya ay nag fifile ng resignation letter nila.Ang iba'y nagrarally sa labas dahil sa sunod sunod na delay ng kanilang pasahod. Hindi nya alam kung anong nagyayari ngayon,the whole company is in chaos.
Sa nakaraang issue,ang big boss ay pinatatawag na siya.Of all people ay ito mismo ang haharapin nya?Ito ang pinakamaraming share sa kumpanya.Subalit low profile ito.Kahit ito ang may pinakamalaking share ay hindi nagkainteres itong maging presidente.Hinayaan siya nitong mamuno ng hindi nya nakikita ni ang anino nito.Kahit worried ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakita dito ng personal.

Ipinapasundo siya nito sa isang tauhan.
Pumarada ang isang bmw na gray sa kanyang harapan na parang pamilyar sa kanya.Parang nakita na nya ito.Hindi lang niya alam kung saan. At kilala nya rin ang driver na umalalay sa kanya.

Ang biyahe nila'y umabot lamang sa 20 minuto.Bumaba sila sa isa sa mga hotel nila.
Diyatat naroon pala ito ngayon!Umakyat siya sa pinakahuling palapag gaya ng ibinigay na impormasyon ng kanyang sekretarya.

Kumatok muna siya at sabay pihit ng kulay gintong seradura ng pinto.Nakita nyang nakatayo roon ang big boss, malaking lalaki ito siguro'y nasa lampas 60 na.Kahit ganoon ay mababakas mo parin ang gandang lalaki nito nung kabataan pa.Mestiso ito at kulay abuhin ang mga mata,hindi maipagkakamaling may dugong banyaga.
pamilyar sa kanya ang feature ng muka nito ngunit hindi nya matuko'y kung saan nya ito huling nakita.

"Hello miss TOUGH"
nakangiti ito sa kanya naipinagtaka nya.''

''Maupo ka muna!''

Sabay lahad ng palad nito sa upuan sa unahan.Tumalima naman kagad siya, kahit may kaunti siyang kabang nararamdaman.

''Nanghihinayang ako na sa ganitong paraan pa tayo nagkaharap.Matagal na kitang kilala at sinubaybayan ang iyong pagpupursige ng mahabang panahon.Natutuwa akong makita ka ng personal kahit sa ganitong pagkakataon.''

"Pasensya napo kayo Bi..g ahhh..Boss.???
Hindi niya tuloy alam kung ano ang itatawag niya rito.

''Its alright iha!''
ngumiti ito.

''Asahan nyo po sir na maayos ko po ang gulong ito. Gaya po ng sinabi nyo'y matagal kong pinaghirapan ang estadong kinalalagyan ko ngayon at hindi ko po hahayaang ang lahat ng pinagpaguran ko'y mapunta lamang sa wala.Bigyan nyo po ako ng isang pagkakataon,'wag nyo po sanang gawin sakin ito.''

''Kumain kanaba iha?lets forget the problem just for a while....'' Sa mababang tinig.

Nagulat siya sa sinabi nito.Bigla tuloy siyang nahiya.
''Ok lang po sir, tapos napo kanina pa.''

"Oh wag mo na muna kong tanggihan sa ngayon.kumain muna tayo.Masarap ang pagkaing ipinahanda ko buhat sa aking mahal na asawa.Huwag mong tatanggihan iha,at ang tumatanggi sa grasya ay lumalabo raw ang mata.Isa pa, kapag nakarating ito sa aking maybahay ay hindi nya magugustuhan kung may taong tatanggi sa kanyang masasarap na luto.
hindi mo naitatanong iha, katulad mo, mahilig ding magluto ang aking asawa."nakangiti ito.

Kayat wala siyang nagawa kundi kumain kasama ang may edad na lalaki.
Masarap itong kakwentuhan, kung saan saan napunta ang kanilang usapan, na wala namang kuneksiyon sa kinakaharap ng kumpanya sa ngayon, na labis nyang ipinagtataka.
hanggang sa nagpaaalam na ito.

Totoong masarap ang mga ipinahanda nito.Bigla niya tuloy naaalala ang ina ni Devon.Kamusta na kaya ito?sayang naman at hindi na uli sila nagkita.Ngayon ay nakasalalay sa kanyang mga kamay ang kinabukasan ng lahat nyang empleyado,aminin niya ma't sa hindi ay importante ang mga ito sa kanya.Hindi niya lamang ipinakikita, upang maging seryoso ito sa mga trabaho at
para narin sa mga ito.

Bakit ba nagkaganito ang kanyang buhay?ginugulo ni Devon ang kanyang tahimik na buhay.Bakit nga ba kasi nakapuntapunta pa sya sa party ng gabing yon?Kamusta na kaya si Leonard? .

Hagang ngayon ay nalulungkot parin siya para sa lalaki.Binigyan nga sila ng pagkakataong muling dugtungan ang kanilang napigil na pagmamahalan dati ngunit ganito naman ang nangyari.Sana pala noong umpisa palang noon si Devon ay nagmadali na siyang magpakasal sa kasintahan.
Nang sa gayon ay hindi na umabot sa ganito ang lahat.

Isa pa ang nangyari sa ngayon.Walang naging malinaw na naging usapan sa pagitan nila ng big boss kanina.Basta't ang sinabi lang nito ay huwag siyang mag alala.Kung hindi lang siya nahihiya rito ay sinaklawan na niya ang mga sinasabi nito na pulos malalabo pa sa hindi tinining na tubig.Paanong huwag siyang mag alala sa ganoong sitwasyon?Ito naraw ang bahala sa lahat.
Saka nalang daw sila mag usap sa susunod dahil nagmamadali raw ito.Hindi naman niya ito mapilit.

Pag uwi niya ng bahay ay nakita niyang naroon narin ang kapatid.Nakita niyang nag iinom ito sa sala.

"Naku iha mabuti't narito kana.Ikaw nga ang kumausap diyan sa kapatid mo at baka sa iyo'y makinig."

"Bakit po ma?ano po ang problema?"


"Naku ilang araw ng ganyan iyan.Tinatanong ko nga pero ayaw naman magtapat.Ewan ko ba diyan sa kapatid mong iyan,masyadong malihim."

Tumango siya sa itinuring na niyang ina at lumapit sa kapatid.

"Ate ikaw pala.Tara inom tayo!pampawala lang ng stress.''


"Sigurado kang sa stress lang iyan?"

Bigla itong natahimik.

"Akala ko ba magkapatid tayo?bakit ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo?"


"Alam ko kasi na mas marami kang hinaharap na problema ngayon kumpara sa akin.Baka makadagdag pa ako."

Tumabi siya ng upo rito.

"Ano kaba?ok lang iyon.Basta para sa iyo ay handa akong makinig."

Napailing ito.


"Ate naranasan mo naba ang magmahal ng taong ni katiting ay walang pagmamahal sa iyo?May mahal siyang iba at iyon ang masakit.Ngayon lang ako nagmahal ng ganito ate."

Hindi  na nito napigilan ang hagulgol.Hinawakan niya ito sa ulo at nagsimula siyang maawa rito.

Mukhang dumating na ang sinabi niya rito.Kaso mukhang kabaligtaran naman.Tila hindi ito mahal ng taong minamahal.Napakasakit nga kung iisipin.Nangyari narin sa kanya ito minsan,ngunit sa ibang konsepto.Masyado siyang nasaktan noon ng iwan siya ni Leonard pero pagkatapos ay nagbalik ito pagkaraan ng ilang taon.Ngunit ang mas masakit ay ang iwan siya ulit nito sa pangalawang pagkakataon.Nakakahiya dahil kung noon na nagawa nito iyon sa kanya dahil hindi nito kasalanan.Pero ang pangyayari ngayon,malinaw na nagkasala siya.

Kaya kung hindi na ito magpapakitang muli sa kanya ay maiintindihan niya at pipilitin niyang tanggapin.
Ang iwan ng taong minamahal ay masakit.Ngunit ang lokohin ng taong minamahal ay terible ang sakit na mararamdaman.At iyon ay ng dahil sa kanya.Nang dahil sa karupukan niya.

Hinayaan niya na muna ang kapatid.Kapag ready na ito ay kusa naman itong sasabihin iyon sa kanya.Niyakap niya ito upang kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman nitong kalungkutan.

Umiyak ito ng umiyak sa bisig niya habang naaawang napaluha narin siya para rito.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon