Ilang linggo narin noong nakipagsara siya ng deal kay Devon.Iniisip niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na balita dito.Hindi biro biro ang ipinahiram niyang halaga dito.Kahit pa sabihing napakahirap ng gusto nyang mangyari."a deal is a deal."
Tinawagan na niya ang lahat ng contacs niya upang tulungang maipakilala ang nagsisimula palang na kumpanya.
Malaki na ang nalulugi sa kanya araw araw dahil sa hindi mabilang na pagkalat ng tsismis mula sa ibat ibang kumpanya.
Marami naring hinarang sa custom na mga produktong galing sa kanila dahil sa balitang may mga kontrabando raw ito na naipuslit galing china.
kailangang kumilos na si Devon.Mamaya nga'y tatawagan niya ito.Nag uumpisa na siyang mainis.Nasaan na ba ito at kung ano ano yata ang inaatupag.
Nang may biglang kumatok sa pinto."Come in"
Ang kanyang sekretarya."Boss nandito po si mam Carla sa labas, papasukin ko po ba?
Tumango siya.
Good morning mahal kong kapatid!"
"Bakit naisipan mo yata akong dalawin ngayon?nakapagtataka naman para sa isang katulad mo? "
Hindi nya napigilang sabihin.
"Well, I heard na nalulugi raw ang iba mo pang kumpanya?""At ano naman sayo kung ganun nga?
Huwag mong sabihin na all of a sudden ay ngayon kalang tinubuan ng awa sakin?""Ewan! Im here to tell u na, if ever na malugi kana ng tuluyan ay maisip mong makipag merge sa kumpanya ko.Well siguro naman nababalitaan mong hawak ko ang ilan sa mga kumpanyang namamayagpag sa ngayon?"
"Well, I appreciate your proposal but sabi mo nga ilan lang ang nalulugi.Alam mo namang nakakalat ang aking mga negosyo at ang pinakaayaw ko ay yung magkaroon ako ng isang negosyong hindi galing sa sarili kong pawis.""Ano ang ibig mong sabihin?
Anitong nanlilisik ang mata."Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko ano ba sa palagay mo ang sinabi kong hindi mo nagustuhan.?"
"Bahala ka! ikaw na nga itong inaalok ikaw pang mayabang!sige magmayabang ka!tingan ko kung san ka pupulutin."
Sabay alis ng walang lingon likod.Alam niya na nasaling niya ang ego nito.Ano kayang masasabi ng tunay na asawa ni congresman kapag nalaman nito na ang ibang kumpanya ng asawa nito ay hawak ng kerida niyang kapatid?.
"Boss dumating naraw po ang ilan sa mga investors galing Canada. they are expecting you at the Manila hotel 3 in the afternoon."
Pagkasabiy nagpaaalam na ang kanyang sekretarya at lumabas.Sakay ng kanyang puting chevrolet cuzze ss, ay bumaba siya ng sasakyan suot ang kanyang side slitted dress na above the knee at tinernuhan nya ng 3heel black sandal na may mga rinestone sa gilid ng oppening nito.
Malayo palang ay nakita niyang nakaupo ang kanyang mga ka deal.Isang may edad na lalake at isang canadian na nasa katanghalian narin ang edad."Hello gentleman.Welcome in the philippines.
Tumugon naman ang mga ito, sabay ngiti.Naihanda na ang table at nagsimula na sana sila ng magsalita ang isa sa mga ito.
"Excuse us Miss Tough but we have another one with us.And he's in the john.""Ohhh Im very sorry,It slid in my mind that im expecting 3gentlemen."
habang nagsisimula silang nag uusap ay biglang may nagsalita buhat sa kanyang likuran.
"Hello Beca."Namutla siya sa kanyang narinig.
Kahit sampung taon na ang nagdaan ay hindi niya makakalimutan ang tinig nayon.
Habang nag uusap sila ay manaka naka siyang sinusulyapan ni Leonard
kaya halos hindi dumulas ang kanyang kinakain sa kanyang lalamunan.Natapos na ang isang mahabang gabi subalit hindi siya patulugin ng kaalamang nagbalik mula sa isang kahapon ang lalaking una't huli niyang minahal.
May asawa na kaya siya ngayon?Ilan naba ang kanyang anak, saan ito nakatira?dahil ang huli niyang balita rito ay kasabay na umalis ito kanyang mga magulang, papuntang America.Napakagwapo parin nito.Ah,bakit nagkita pa silang muli!?
Imbis na unti unti nya na itong nakalimutan.Hindi nya maiiwasang makita ito sa mga susunod na araw dahil isa na itong kaparte ng TOUGH BUILDERS"s
Sana"y hindi na sila nagkita pa.Kinabukasan pagpasok palang niya ng opisina ay pinagtitinginan na siya ng mga tauhan nya.Nang tinitigan niya ang mga ito ay sabay sabay nagsipagbaba ng tingin.
Pagpasok niya sa loob ng kanyang office ay humalimuyak na ang nagbabanguhang bulaklak na nakalapag sa kanyang office table .Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil alam na alam nya kung kanino galing ito.
White roses.Nagbalik sa alaala niya ang kahapon...
24 anyos siya ng makilala niya si Leonard, noon.Nag aaral siya sa culinary school. Nakita niyang kasama ito ng kanyang mama na may ari ng pinapasukan niya. Gwapo ito sa suot na black jeans and white fitted shirt ng nakikipag usap ito sa phone kasabay ang ina nito na napadaan sa pasilyo.Mula nuoy nagkakausap na sila,dahil ang mga kabarkada niyang lalake ay kaibigan pala nito,matagal lamang itong napatira sa ibang bansa.
At nang nakilala siya ng husto nito ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pag iibigan, na hindi nagustuhan ng ina ng lalaki.Ipinagpatuloy nila ang kanilang relasyon kahit maraming nagsasabing hindi sila bagay lalong lalo na ang mga babaeng naiinggit sa kanya.Nang malaman ito ng magulang ng lalaki,ay sukat pinilit silang papaghiwalayin at isinama ito pabalik uli sa ibang bansa.
Magmula noon magpahanggang ngayon ay wala na siyang balita pa dito.
Bakit ngayon ay bigla itong gagawa ng ganon?sino sa palagay nito ang pangalawang hudas na ito?.Subalit tama ba na hangang ngayon ay mag pa apekto pa siya rito.Hindi ba matagal na niya itong nakalimutan?ano ang ipinagkakaganoon niya?dahil ba sa kabang nararamdaman niya sa kanyang dibdib noong muli silang nagkaharap.Bakit pa niya muling paguguluhin ang buhay niya.Hindi porke bumalik ito at nagplanong suyuin siyang muli ay para siyang isang teen ager na muling kikiligin at magpapatianod sa gusto nitong mangyari.
Kung talagang mahal siya nito bakit siya tinalikuran at iniwan upang sundin ang mga magulang ng lalaki.Bakit hindi siya ipinaglaban nito noon kung talagang mahal siya nito?maraming bakit ang sabay sabay na nagsalimbayan sa isip niya...Kahit ano pa ang gawin nito ay hindi siya ganoon kadaling muling magpapabola rito.Baka nga may asawa at anak na ang lalaki,at bakit ba siya apektado?hindi malabo magkatotoo ang kanyang hinala rito.Sa estado nito ngayon ay hindi katakataka.
Muli siyang napasulyap sa mga rosas na galing rito.Ngunit ano ang kahulugan ng mga bulaklak?bakit ito mag aaksaya ng panahong bigyan siya ng ganito lalo pa at ang rosas na puti ang paborito niyang bulaklak na laging ibinibigay sa kanya ng lalaki noon.
Hindi siya aasa.Baka mayroon lamang itong nais sa kanya na magiging pakinabang nito.Ngunit kung mayroon man.Ano kaya yon?.Sumabay pa ito sa problema niya.Marami na siyang iniisip sa ngayon.Pati ba naman ito ay hahayaan niyang makagulo sa kanyang isipan?.
Binasa niya ang bagong kararating lang na mensahe buhat sa hindi kilalang numero.Did you get the flowers? Can you forgive me?Lets talk.Pls!"
Kahit na hindi niya alam kung kanino at saan galing iyon,ay tiyak niyang kay Leonard iyon.Napaupo siya at natigilan bigla.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...