43THE WEDDING GOWN

2.8K 75 3
                                    

"You cant leave me Rebeca!''do you hear
me??.The hell you cant!"

Hinawakan siya sa baba at pilit siyang pinatingin sa mata nito.Ngayon niya lamang nakitang ganito kabalasik ang mga mata ng lalaki sa galit..nakakatakot!...ito lamang ang lalaking kinatakutan niya sa buong buhay nya.

"Answer me dammit!! Answer me!!!!

"Ye---yes ...Devon.yes."
Para matapos nalang.

Saka lamang siya binitiwan .Hanggang sa pag uwi nila sa pad nito ay wala na siyang narinig pang salita buhat dito.Galit na galit ito sa isang pangyayaring wala namang basehan.Kung hindi lang siya galit dito ay baka naaliw na siya.Kung ito ang gumagawa ng ganoon ay ayos lang?Kapag sa kanya hindi pwede?Mga lalaki nga naman.
Pag gising nya kinaumagahan ay wala na ito sa kanyang tabi, hindi na niya namalayan ang pagtabi nito sa kanya, dahil nakatulog na siya sa pag hihintay dito at dahil narin sa nakita niya itong lumabas pa kagabi.

Nalulungkot siyang isiping galit ito sa kanya ,subalit ayaw niyang masaktan at takot siyang umasa.Kailangan niyang mag pakatatag hanggang sa makapagpasya ito kung kailan siya iiwan at hindi rin siya papayag na ilayo nito sa kanya ang kanyang anak.

Naisip niyang mag iwan muna ng note at inilagay niya sa side table.Gusto muna niyang makapag isip isip, ilang araw na kasi siyang dinadala rito ng lalaki.Pangit mang tignan para sa iba alam niyang maling mali.pakiramdam nya'y hawak siya nito sa leeg at hindi siya makahinga.

Umuwi na muna siya, naligo at nag asikaso sa pagpasok sa opisina.
Pag pasok niya palang sa opisina ay sinalubong na siya ng kanyang sekretarya.


"Ah boss sabi nga pala ng mommy nyo mamaya napo ang punta nyo sa ''couturier'' para sa wedding gown."
Nakangiti ito.

"Ah salamat besy''
muntik nya na nga palang makalimutan na ngayon ang pamimili ng kanyang wedding gown.

Pag dating niya roon gamit ang kanyang kotse ay naratnan nya roon ang kanyang mommy at ang kanyang biyenang babae na matiyagang naghihintay.Nagulat pa siya ng biglang may humalik sa kanyang pisngi.

"Ang tagal mo naman sis!kaninang kanina ka pa namin hinihintay. ''
S

i Carla na halatang halatang maligaya pa yata sa kanya ng sandaling iyon.

Nakangiti ito sa kanya.
nakipagbeso beso siya sa ina ni Devon na kanina pa siya sinasalubong ng ngiti.

"Nasaan na si Devon?hindi mo ba siya kasama?
tanong parin nito.


"Oo nga iha! ba dapat kasama siya rito?"
Ang ina naman ni Devon ang nagtanong.

"Siguro po'y maraming inaasikaso sa bago nyang proyekto."

"hummmn,,, kahit na. Pwede namang ipagpaliban muna yon dahil mahalagang kasama nya ang kanyang magiging asawa.
By the way,halika na iha at mamili ka na ng desenyong magugustuhan mo."

Ang napili niya'y isang long gown na kulay puti na nabuburdahan ng mga swarovski stones sa bandang itaas at sa laylayan mula sa gitna hanggang pababa,sweet heart off shoulder design,makikinang ang mga bato nito.Dapat matuwa siya dahil ito ang pinaka mahalagang araw para sa isang babae.Ngunit may nakakapa siyang kalungkutan na nagmumula sa kanyang dibdib.
Pinilit nyang ngumiti ng nakita nyang nasisiyahan ang mga tao sa paligid nya maliban sa kanya.Nakapili na rin siya ng sapatos na katulad ng gown nya ay may mga swarovski ring nakatanim paikot sa opening ng sapatos hanggang pababa sa takong.Napakaganda ng kanyang damit pangkasal.Subalit lumipas na ang oras nila roon ay walang nagpakitang Devon.

Lalong nadagdagan ang sakit na nadarama niya.Sabagay kasalanan naman niya ang lahat.Siya ang umasa.Alam naman niya kung ano ang kahihinatnan ng lahat sa oras na magsawa na ito sa kanya.Ang kaibahan niya lang sa lahat ay may anak siya rito kaya siguro hinahabol siya.Napasakit para sa kanya na siya lang ang nagmamahal.
Ngayon ay para siyang isang robot na walang pakiramdam.Suot suot ang kanyang damit pangkasal ngunit wala roon ang dahilan ng pag susuot niya ng napakagandang damit na iyon.Para siyang isang prinsesang haharap sa dambana na walang prinsipe.

Mukhang nakahalata ang kanyang mga kasama ng hindi siya nagkikibo.Nagsimula naring mag simangutan ang mga ito at magtinginan.
Nasaan kaya ang lalaki ngayon?Malamang ay kapiling nito ang babaeng kausap kanina at pinagtatawanan siya ng mga ito habang nilalasap ang mga sandaling magkasama ang dalawa.Nagdilim ang kanyang mukha,isipin palang na nasa ibang kanlungan ito samantalang siya ay mukhang tangang kanina pa sukat ng sukat ng mga kung ano ano.
Naramdaman naman niyang parang tila  ba nakikiisa sa kanya ang kanyang anak dahil bigla itong sumipa ng malakas.Napahawak siya sa kanyang sinapupunan.

"Bakit iha masama ba ang pakiramdam mo?"
Nag aalala ang biyenan niyang nakatingin narin sa kanyang tiyan na hawak parin niya.


"E kasi naman iyang si Devon eh,"
Nabiglang sabat ni Carla sabay tuptop ng bibig.


"Naku talagang lalaki iyan,saan nanaman kaya nagpupunta?Mabuti nalang at wala ang tatay,kung hindi'y baka nasermunan nanaman ang lalaking iyon."
Sinegundahan naman iyong muli ng kanyang biyenan.



Kung nalalalaman lamang ng mga ito ang nangyari sa pagitan nila ay hindi nito masasabi ang mga iyon.


Parang iisang tao silang sabay sabay nawalan ng gana,buhat sa excitement kanina lang.

Pilit naman siyang ngumiti upang basagin ang hindi magandang ambiance na nagsisimula sa sandaling iyon upang pigilan ang mga ito na ipagpaliban ang pagpapatahi ng mga damit para rito.Sayang naman ang kanilang ipinunta kung walang mangyayari.


MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon