27 MARRIAGE PROPOSAL

3.1K 88 4
                                    

Mabilis na  lumipas ang tatlong buwan. Pauwi na si Leonard.Ilang  araw ding hindi nagpapakita si Devon.Mainam narin yon ng mapalagay naman ang isip nya.Isa pa ay tapos na ang napagkasunduan nila.Subalit bakit parang hungkag ang kanyang pakiramdam?.Ah,siguro'y nasanay lang siyang laging nasa tabi niya ang lalaki.

Sa NAIA...

Malayo palang ay kumakaway na sa kanya ang kasintahan.Nakasuot  ito ng polong kulay puti at slacks na khaki.Gumwapo  lalo ito sa paningin nya at ng ibang kababaihang naroon.Lumapit ito at hinalikan siya sa labi.

"Kamusta na ang sweetheart ko?
o mukang nagkalaman ka ah?" nasisiyahang sabi nito sa kanya.
"

Alam  mo bang maraming nangyari sa pagpunta ko don sweetheart! marami akong natutunan."

(marami ring nangyari sakin dito!)......

"Ha!may sinasabi ka sweety?"

Tanong nito.

"Huh! no-nothing."
Ang naisagot niya.
"Halika na at baka pagod at gutom ka sa byahe.
May pinareserve na akong  restaurant kanina."

Kumapit siya sa braso nito.

"Are you alright sweetheart?napansin kong mukhang pagod ka yata?sa trabaho ba?"
Napuna kasi  nitong hindi siya nagkikikibo.

"No sweetheart,siguro'y pagod lang ako talaga."

"Hayaan mo't pag nagpakasal na tayo ay pwede mo ng ipamahala sa iba ang negosyo, ng makapagpahinga hinga ka naman."
bigla ang pagsulyap niya sa nasabi nito.

"Dont get me wrong sweety.Ang ibig kong sabihin ay kumuha ka ng makakahalili mo sa trabaho.
Para naman maharap mo ang mga anak natin."
sabay ngiti nitong matamis.

Ngumiti lamang siya.

Sa pagtanaw sa labas ng restaurant ay may nakita siyang pamilyar na bulto ng lalaki at babae na magkaakbay sa bandang kaliwa ng kalsada.Papasok sa kotseng sinasakyan ng mga nito.Hindi  siya maaring magkamali.Si Devon ang lalaking yon.Palibhasa'y ang lugar na yon ay malinaw ang salamin kayat tanaw ang mga nasa labas.Nakita  niya ang kasama nitong babae, na kahit na sa malayo ay hindi mo maipagkakailang maganda at sexy mahaba rin ang buhok at mestisahin.

Kaya  pala hindi na nagparamdam ang lalaki ay dahil may bago na itong kinalolokohan.Tiyak  niya na ang babae'y may sinabi rin dahil nakita na nya ito sa cover ng sikat na magazine.Kung  hindi siya nagkakamali'y isa itong modelo.tama ang sinabi sa kanya ng kanyang kapatid.

Tama  rin ang kanyang palagay,na siya  ay pinaglaruan lamang nito.Siguro'y nagsilbing  hamon lang talaga siya para rito.Wala siya sa kalingkingan ng mga babaeng nauugnay dito kung panlabas na katangian lang ang pagbabasihan.
At hindi siya nagkamali ng taong minahal.Si Leonard.

Narito lahat ang mga katangiang hinahanap ng isang babae.Dapat na niya talagang kalimutan si Devon.Ang sa kanila'y isa lamang lumipas na paglalaro.
Nahinto ang kanyang pagiisip ng halikan siya sa kamay ni Leonard.


"I would like to spend the rest of my life with my only love by my side."
titig na titig ang maiitim na mga mata nito sa kanya habang
"If you'll have me"

"Rebeca"WILL YOU MARY ME?"Sabay labas ng singsing na may bato sa ibabaw.Hindi maipagkakailang diamond.

Sandali siyang natigilan,...
at pagtapos nuoy.

YES".....Leonard yes!!!

Walang paglagayan ang katuwaang mababakas sa mukha ng lalaki.Niyakap siya nito sa katuwaan at biglang kung saan ay nagpalakpakan ang lahat ng mga kumakain at biglang nagtayuan,sabay ang saliw ng violin.Itinayo siya bigla nito at isinayaw siya ni Leonard sa gitna ng karamihan. Ang bawat kumakain ay may mga tig iisang white roses.
Masyado siyang nasorpresa sa inihanda ng lalaki para sa kanya.
At pagkatapos ay ibinigay ng bawat isa sa kanya ang puting puting bulaklak.

Hindi man nya lubusang maintindihan ang kanyang nadarama, subalit alam niyang sa kabila non ay masaya narin siya.
Sa mga oras nayon pakiramdam niya ay dapat na siyang makontento sa biyayang dumating sa kanya.

Nasisiyahan siya na sa tagal ng panahong paghihintay ay darating din pala ang sandaling ito.
At ito ang nararapat nyang pagtuunan ng pansin, higit sa ano at sino pa man.Nagyakap sila ng  mahigpit.

Hindi na niya nakita ang lalaking nakamasid sa nangyayari sa loob.Biglang dumilim ang mukha nito na tila hindi sang ayon sa nangyayari.Sinadya niyang sundan ang dalawa kanina.Hindi siya nagpakita sa mga ito.
Kaninang kanina pa siya kinakausap ng kasama niyang kanina pa niya pinagmumukhang tanga,ngunit deretso parin ang kanyang tingin sa salamin ng kanyang kotse.
Nakaramdam siya ng paghihimagsik ng kalooban at hindi niya maintindihan kung bakit niya iyon nararamdaman.

Tapos na ang laro,ibinato na niya ang pamato at wala ng intensiyon pang pulutin.Napatunayan na niya ang sarili.Ano pa at nananatili ang tingin niya sa dalawang ngayon ay kapwa nakangiti at tila lalo siyang iniinis.
Napapalo siya sa manibela kaya bahagyang napasigaw ang kanyang katabi.

"What the ...! Kanina pa ako nagsasalita rito pero kanina mo pako binabastos!"

Napasulyap siya sa katabi na kanina niya pa nakalimutan.

Pinaharurot niya ang kotse na halos magpasubsob rito.Alam niyang napalingon ang mga taong nasa restaurant na iyon dahil sa lakas at bilis ng kanyang arangkada.Wala siyang pakieelam.Basta ang nararamdaman niya ngayon ay grabeng pagkainis.

Mabilis ang kanilang takbo at mas lalong mabilis ang bunganga ng katabi niya katatalak.Nakilala niya ito sa isang kaibigan at hindi na siya nilayuan magbuhat noon.Lagi na itong nakabuntot sa kanya at laging tila hinahamon ang pagkalalaki niya.
Dumaraan ngayon sila sa isang liblib na lugar kung saan siya dinala ng kanyang sasakayan at inihinto niya sa isang lugar na walang dumaraan.
Bigla siyang nagpreno.

Magdadadaldal sana ang katabi niya ng bigla niya itong sinibasib ng halik.Hiniklas niya ang blusang suot nito at sabay hinatak ang panloob sa ilalim ng palda.Ngunit imbes na matakot sa kanya ay napangiti ito sa ginawa niya.
Hinatak niya ito sa ibabaw niya.
Doon mismo sa loob ng kotse ay ginawa nila iyon.Maingay ang babae at halos magwala ito sa tindi ng ligayang ipinalasap niya.

"That was awesome!"
Pagkatapos nila ay sinabi nito.

Napangisi lang siya at pinaharurot muli ang sasakyan.

"What's happening to him?"

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon