"Napano yan?" Tanong ni Rap habang papalapit sakin.
"Kaya nga I called you kuya! Sabi mo titigil na sya sa panliligaw. She's supposed to be sad pero look at her." Gale said.
"Baka defense mechanism lang ng brain niya to avoid saddness." Sabi naman ni Katherine habang umuupo sa tabi ko.
"Hoy Talliah!" Rap shouted while waving his hand in front of me.
Para naman akong bumalik sa katotohanan at tumingin sa kanya ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking mga labi.
"You guys are here pala!"
"Pwede bang bawasan mo yung ngiti dyan sa labi mo? Ang scary!" Sabi niya habang pinipisil yung pisngi ko.
"Ate, if you need someone to talk to nandito lang kami. You don't need to hide your pain."
"Iiyak mo lang yan te!" Sabi ni Rap habang inaabutan ako ng tissue.
"Bakit ako iiyak?" Natatawa kong sabi.
"Ano ulit number ni Doktora Sanchez?" Natatarantang sabi ni Katherine.
"Ang OA niyo!"
"Tignan mo naman kasi yang ginagawa mo Ate!" Sabi ni Gale.
"I'm just preparing the ingredients for the tinola!"
"Tinola? Ang alam ko, ang kailangan sa malunggay ay yung mga dahon tapos ang itatapon ay yung tangkay." Sabi ni Katherine.
"Oo nga!" I said.
Hinampas ako ni Rap sa braso kaya tinignan ko siya ng masama.
"Aray!"
"Te, yung tinatapon mo ay yung mga dahon!"
Agad akong napatingin sa plastic sa tabi ng bowl at natawa nalang ako bigla.
I feel so lost and happy at the same time. Ganito ba talaga yung feeling ng may 'boyfriend'? Just the thought of it makes me smile.
"In denial pa siya. Intindihin nalang natin." Sabi ni Gale habang niyayakap ako. "Okay lang yan Ate! Marami pang iba."
"Guys." I whispered.
I know why they're acting this way. Di ko pa pala kasi nasasabi na Loize and I are already together. Pagkadating ko kasi sa bahay ay nakatulog na agad ako dahil sa pagod at...saya and late na rin akong nagising. So I decided to help nalang in cooking lunch because I'm in such a good mood.
So all this time... they're thinking na I'm sad and in pain because of last night?
"Makikinig kami..." Gale said while tightening her hug on me.
"I'm here, always." Katherine said while holding my hands.
"Manang? Manang!" Sigaw ni Rap.
"Ano yun Hijo?" Sabi ni Manang habang papasok ng kusina dala ang mga maduming damit.
"Ay si Manang, maka-hijo naman po kayo! Hija nalang po!" Sabi niya sabay pabirong pinalo si Manang sa braso.
"Ano ba yun Hija?" Natatawang sabi ni Manang.
"Kailangan po namin ng 2 bottles ng wine, 10 soju saka---"
"Rap!" Awat ko sa kanya.
"Te, we're all in this together! Hahayaan ka naming uminom as much as you want! Kahit umiya---"
Nahinto siya sa pagsasalita nung tumayo ako at pinalo ang lamesa.
"Kami na ni Loize!" Sigaw ko at inalog-alog si Gale na hawak pa rin ang braso ko.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...