Chapter 39

2.4K 46 1
                                    

"Ma, handa na ba lahat?" Tanong ko kay Mommy habang inililibot ko ang aking mata sa garden.

There are already chairs and tables, the buffet area is all set at nandoon na rin ang mic at mini platform na may katabing screen.

It's just a simple celebration with family and close friends but I feel so anxious for unknown reasons.

Parang may kulang, parang may mali na hindi ko malaman.

"Okay na lahat Talliah..." She stopped and scanned me from my head to toe. "Ikaw nalang yung hindi."

I just made a face at her and looked at the venue for one last time.

"Yung cake---"

"Hi everyone!" Rap shouted from afar while holding a box of cake.

Agad namang inalalayan ni Katherine si Rap ng akmang tatakbo ito.

"Mahulog yung cake!" Singhal niya.

"Oo na te!" Rap shouted back.

Nang makalapit na siya sa aking pwesto ay tinignan niya rin ako kung paano ako tinignan ni Mommy kanina.

"Anong itsura yan? Di kami inform na pajama party pala to?" He teased.

"Girlfriend of the year ang peg?" Dagdag pa ni Katherine.

"Maaga pa naman!" Sagot ko.

"Anong maaga? 5:30 na, 7 yung party diba?"

"Pakilagay nalang yan sa table dun sa harap, tapos pasabi na buksan na yung lights---"

"Oo na, mag-ayos ka na!" Sabi ni Katherine habang tinutulak ako papasok ng bahay.

"Last na! Kapag dumating si James, be kind okay?" Bumuntong-hininga sila at saka tinatamad silang tumango.

It took me an hour to fix myself. I just wore a simple flowy dress and light make up.

Saktong palabas na ako ng kwarto ay nakita kong papalapit si Manang sa akin.

"Ang ganda mo hija!" Masiglang sabi niya.

"Thanks Manang."

"Parang iba yung ganda mo ngayon..."

I linked my arms at her and started to go down the stairs.

"Bolera ka talaga manang!"

Natawa ako ng bahagya niya akong kinurot sa tagiliran.

"Nandyan na pala si James."

Nanlaki ang mata ko sa tuwa at tila naghalo ang kaba at pananabik sa aking dibdib.

Finally, this is the day!

"Mauna na po ako Manang ah?"

Nang tumango siya ay patakbo akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa garden.

Pagpunta ko rito ay agad akong nagulat dahil marami na ang mga tao at buhay na buhay na ang lugar dahil sa tugtog at mga ilaw sa paligid.

Habang hinahanap si James ay tinatanguan ko lang ang mga kakilala at kaibigan ni loize.

I'm so glad that they came even if we gave them a short notice.

Pupunta kaya si Tito?

Nakita ko sila Katherine sa tabi ng buffet area na kumukuha ng drinks kaya agad ko silang kinawayan.

'Ganda mo te' Rap mouthed.

"Hi!" Bulong ng tao sa aking likuran

"James!" Unti-unting nawala ang aking ngiti nang mapansin ang kanyang suot.

Back In His Arms Where stories live. Discover now