"After nito uuwi na ko---Hmmm, yes love. Bye!" Binaba ko ang linya at saka sinipa ang paa ni Rap sa ilalim ng lamesa.
"Aray!" Maarteng sabi niya. "Yes love...love, love puro nalang love!" Nang-aasar na sabi niya habang ginagaya ang boses ko.
"Inggit ka lang." Sabat ni Katherine at inirapan si Rap.
Akmang hahampasin ni Rap si Katherine nang agad niya itong sinangga.
"Kalalaking tao, pumapatol sa babae!" Natatawang sabi ni Katherine.
"Hoy Katherina, anong sabi mo?!" Nandudurong sagot niya.
Habang nagsasagutan sila ay biglang tumunog ang aking phone kaya naman tinignan ko ito.
From: James Read
Pwede mo kong samahan bumili ng gift kay Kuya?
Makita ko palang yung pangalan niya sa phone ko natatawa na agad ako.
"Hala, bakit may pagngiti nanaman?" Tanong ni Katherine.
"Katatapos lang ng call tapos text naman. OA na te!" Dagdag pa ni Rap.
"Si James to!"
"What?!"
"Bakit?!"
To: James Read
Okay, just text me when.
Nag-reply lang ako kay James at saka tinago ang aking phone.
Di ko pa pala nasasabi sa kanila kaya ganyan ang reaksyon nila.
"Hoy, Talliah Grace Cruz!" Nagbabantang sabi ni Rap kaya naman itinaas ko ang aking dalawang kamay habang natatawa.
"Ito na, magkwekwento na." At sinimulan ko ng sabihin ang naging usapan namin ni James sa restaurant.
"Di alam ni loize?" Nakapangalumbabang sabi ni Rap.
Mahina naman siyang siniko ni Katherine.
"Surprise nga diba?"
Napakamot sa ulo si Rap. "Ay, oo nga. Sorry naman!"
"Pero Talliah, mag-iingat ka ah." Sinserong sabi ni Katherine na may pag-aalala sa mata.
Isinubo ko muna ang natitirang cake sa aking harapan at saka mahinang tumawa para mabawasan ang tension.
"Grabe naman kayo sa mag-ingat!"
"He already did it ones, who knows diba?" Seryosong sagot ni Katherine habang inaabutan ako ng tissue.
"Yes, I will po!"
"So about sa party ni loize---"
Pilit na isinubo ni Katherine ang isang kutsara ng ice cream kay Rap kaya napatigil ito sa pagsasalita.
"Sa kadaldalan mo, malalaman pa yan ni loize." Pabulong ba sigaw nito.
***
"Dark chocolate, milk chocolate or white chocolate?" Tanong ko kay loize habang hawak-hawak ang iba't ibang klase ng tsokolate.
Nandito kami ngayon sa grocery dahil sa tuwing pupunta nalang ako sa unit niya ay wala kaming makain na snacks at maluto na pagkain.
Ang katuwiran niya, hindi naman daw siya madalas kumain sa bahay dahil halos kalahati ng araw ay nasa opisina siya.
"Buy all of them if you want." He said while leaning on the push cart.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang aking pagngiti.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...