Chapter 16

2.3K 55 0
                                    

"Ginoo..." Sabi ko at kumuha ng chips.

"What are you up to?" Sagot niya habang ang mata ay nasa libro.

Masyado naman tong serious!

"Alam mo ba kung pano nahulog sayo?"

He looked at me with confused eyes. Maybe because of the way I speak?

"No, di mo naman sinabi." He replied.

"Naramdaman lang bigla ng puso." Kinuha ko ang kamay nya na may hawak na ballpen. "Aking sinta, ikaw lang ang nagparamdam nito." Nakangiti kong sagot.

He didn't say anything and he just stared at me intently.

"Kaya sabihin mo sakin..."

"Tell you what?"

"Ang tumatakbo sa isip mo."

"Right now? I am studying the human brain and may hindi talaga ako maintindihan." Seryoso niyang sagot.

Di ko alam kung matatawa ako kasi di niya pa rin alam na lyrics prank to or maawa ako kasi kanina pa talaga siya nag-aaral tapos nanggugulo pa ako.

I didn't mind what he said and proceeded. "Kung mahal mo na rin ba ako..." Sabi ko at nagpanggap na naluluha.

"Love, of course I do!" He said and held both of my hands.

I can't hold my laughter anymore.

Tumayo ako at kinalas ang pagkakahawak ng kamay niya para kunin ang throw pillow sa couch.

"Love..."

"Isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko~" Pakanta kong sabi habang tumatawa at umiikot.

4 na oras na akong nandito sa bahay nila loize. I was accompanying him while he is studying.

Siya naman yung nag-aaral pero ako yung napapagod sa ginagawa niya.

Don't get me wrong, marami rin kaming ginagawa but his workload seems to double mine.

"Seriously Talliah?" Natatawa niyang sabi.

"Seriously loize, di mo alam yung kanta?" I imitated his voice.

"Dapat ba alam ko?" He said while going back to his seat.

"Yes! Puro ka aral. Pag-aralan mo yung kanta and sing it for me!" I said.

"Oo nga naman anak!" Sabi ng boses sa likod ko.

"Good evening po Tita!" I said and hugged her.

"What are you doing here?" She asked while clinging into my arms.

Di ko alam kung ako lang ang nakakapansin. But ever since loize told them that we're together, parang mas naging clingy si Tita.

I'm not complaining though, much better naman kung makasusundo ko na yung mother-in-law ko.

"Just hanging out Tita." I said.

Normal na siguro samin ni loize na gawing 'date' yung pag-aaral ng magkasama.

"Kala ko ba wala kayong pasok dalawa? You should be dating outside!" Tita added.

"Busy po si loize, okay lang naman po!" I smiled widely.

"Are you bored?" She whispered.

Honestly...

"Slight po..." I whispered back.

Hindi ako bored makasama si loize. I'm just bored with the idea of studying. But, like I said, it's okay for me.

Tumango-tango si Tita kumunot ang noo nang tumingin sa akin.

Back In His Arms Where stories live. Discover now