Hinihingal akong tumigil sa harap ng kwarto ni Tita at inayos muna ang aking sarili.
Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko na walang tao dito. Kaya naman tumakbo ako papunta ng nurse station.
"Excuse me, nasaan na po si Ms. Ramirez?"
"Kadadala lang po sa O.R."
"Thank you." Sagot ko at pumunta ng elevator.
"Sandali lang po!" Sigaw ko habang unti-unting sumasara ang elevator.
"Talliah?"
"Katherine! Anong ginagawa mo dito?"
"Sayo ko dapat yan itanong Tally. May class ka diba?" Sabi niya habang tinitignan ang kanyang orasan.
Binalewala ko lang ang kanyang tanong at pumasok sa loob ng elevator.
"Talliah Grace? Don't tell me..."
"I did not. Tinapos ko yung reporting ko. It's just that..."
"Ano?"
"My prof was asking something, pero umalis na ako." Kagat-labi kong sagot.
"What?" Di makapaniwala niyang tanong. "You walked out on your prof?"
"I didn't mean to okay? I just have to be here."
"Pero Talliah---"
Di ko na pinatapos si Katherine sa pagsasalita at agad na lumabas sa elevator pagkabukas nito.
She's going to say the same thing with Rap for sure.
Pagkalabas ko ng elevator ay sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan.
The hallway seems unusual.
Nakakatakot. Nakakakaba.
"Ayun si loize." Bulong ni Katherine habang itinuturo si loize na nakaupo sa isang mahabang upuan.
I made the right decision to go here.
How can he manage all of this?
"loize." I reached for his hand and he accepted it without looking.
"How was your reporting?" Sabi niya habang tinitingala ako.
"That's not important." Umiiling kong sagot.
"Kapapasok lang ni Tita?" Tanong ni Katherine.
"Yes, 30 minutes ago."
"Pupunta si Daddy mamaya to check on Tita."
Loize just nodded in response.
"I'll just buy us something to eat." Bulong sa akin ni Katherine at naglakad palayo.
Umupo ako sa tabi ni loize at sumandal sa upuan.
"Talliah, thank you."
"Thank you for?"
"Everything."
Nang magsalubong ang aming mga mata ay malungkot siyang ngumiti sa akin.
"Think positive nga! Tita will be just alright. I can feel it!" Masigla kong sabi at niyakap siya nang mahigpit.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya nang tumunog ang aking phone.
From: James
Nag-quiz kami kanina tungkol sa report niyo. Sabi ni Ma'am, if you can't give her a valid reason kung bakit ka umalis, 0 daw ang makukuha mo.
Nasaan ka ba?
I'll deal with it tomorrow.
Speaking of James...
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...