"Welcome home!" Sigaw ni Mommy kaya agad kong tinakpan ang tenga ni Liana dahil sa lakas nito.
"My princess, Liana baby..." Agad na Kinuha ni Daddy sa Kamay ko si Liana at dinala sa sala.
Samantalang si Mommy naman ay inaalalayan na sa paglalakad si Alonzo at sinundan si Daddy.
Napanganga nalang ako sa kanilang ginawa.
Ako yung anak diba? Wala man lang hi, hello or kamusta ka?
Inakbayan ako ni Gale sa balikat habang nakangisi.
"Welcome back ate!" She said. "Manang paki dala nalang po yung gamit ng kambal sa kwarto nila."
"kwarto nila?" Takang tanong ko.
"Wait until you see it." She laughed.
"Talliah, kumain ka na muna pinaluto ko yung mga paborito mo." Sabi ni Mommy mula sa sala na abala sa pakikipaglaro kay Alonzo.
"Won't you give me a hug?" Pabiro kong tanong.
"Malaki ka na, Talliah Grace." Natatawang sagot ni Daddy ngunit naglakad ito papalapit sa akin.
"But you're still my number 1 princess." Sabi ni Daddy at kinurot ako sa pisngi.
"Paano ako?" Tanong ni Gale.
"Hmmm?" Pang-aasar ni Daddy.
"Dad!" Sigaw ni Gale na ikinatawa namin.
***
Kasalukuyan akong nasa kwarto ng kambal at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita.
When and how did they prepare this?
The room is divided in half well not literally but just because of the design.
Half of it is filled with pink and girly stuff for Liana more on barbies and teddy bears. While the other half is like a space and car theme for Alonzo.
Mas nagulat ako dahil ang liit pa nila ngunit may malaking teddy bear na para kay Liana at maliit na kabayong laruan para kay Alonzo.
Napatingin ako sa pinto dahil biglang pumasok si Mommy kaya napaayos ako sa upo.
"Wag ka ng tumayo, baka magising pa sila." Pabulong na sabi ni Mommy at umupo sa dulo ng kama.
"How are you?" Tanong niya habang inaayos ang kumot ng kambal.
"Okay naman, Ma." I sheepishly replied.
"Buti, bumalik ka na...kayo."
"I need to, para sa kanila." Sagot ko at inayos ang hibla ng buhok ni Liana.
"Anak..." Hinawakan ni Mommy ang isa kong kamay.
Huminga ako ng malalim at saka mas hinigpitan ang kapit kay Mommy dahil parang alam ko na ang kanyang gustong sabihin.
"I know Ma, pero not now..." Nakayuko kong sagot.
"Lumalaki yung mga bata...he's the father. They need them Tally."
"H-hindi ko alam paano ko s-sasabihin." I tried not to cry but when it comes to him, my tears automatically flows down from my eyes.
Kaagad akong niyakap ni Mommy at hinimas ang aking likod.
"Paano kung...hindi niya tanggapin yung k-kambal---"
"Don't say that."
"I don't know how to face him..."
"Do it for them..." Mommy whispered.
***
Tama si Mommy, I should do it for them.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...