People may not understand why I think of it as such a big deal. But time isn't proportional to love.
Back then, those 4 months to me was enough to change my life.
It made me experience different things and a part of it is a reason for who I am today.
After that conversation with loize, I've been stucked in my room for days.
Hindi dahil gusto ko magmukmok o umiyak magdamag...But instead, I want to take this time to think and reflect.
Kala ko sa oras na marinig ko ang kasagutan sa mga tanong ko ay magiging okay na...pero parang mas gumulo yung isip ko.
Maybe, I am still dwelling on the past.
Seeing how those words affected me simply shows that I am physically here but my mind is clouded with pain and questions of that Talliah 5 years ago.
But I should break up with that Talliah for me to move forward as Grace.
Napabalikwas ako sa malakas na busina ng sasakyan sa aking likod. Masyado atang napalalim ang aking iniisip.
Sinimulan ko na magmaneho habang kino-connect ang aking cellphone sa sasakyan.
Calling Teresa...
"Ms. Cruz!"
"Ilang araw lang ako nawala yan na ulit yung tawag ni sakin?"
"Kasi naman Grace! Bakit di ka ba pumapasok?"
"Sabi mo fired na ko?" Maang-maangang sagot ko.
"P-pero diba...hindi ka man lang nagreklamo!"
"Nandyan ba si Monde?"
"Nandun sa office, nagsusungit nanaman."
"Great, I'll be there in 5 minutes." Binaba ko ang tawag at saka inihinto ang sasakyan sa harap ng building.
"Good morning ma'am!"
Nginitian ko lang si Kuya at saka inabot ang aking susi.
I'm gonna go back to my path and I'll start by getting my job back.
Pagkabukas ng elevator ay agad kong nakita si Teresa na nagmamartsa sa harap nito habang kinakagat ang kanyang daliri.
"Teresa!" Sigaw ko at saka siya niyakap.
"Bad mood si Sir, walang mahanap na kapalit mo...bukas mo nalang kaya kausapin?"
"Edi perfect timing pala ako!" Sabi ko at saka naglakad papunta sa office ni Sir.
Inayos ko muna ang aking damit at saka kumatok bago pumasok.
"Anong ginagawa mo rito?" Taas-kilay na sagot niya.
"First of all Sir, hindi po tama ang ginawa niyong pagsisesanti sakin dahil lang sa interview na yun. I've done so much for this broadcasting station and I already proved myself with that." Lumapit ako sa table. "Kahit ano po gagawin ko, ibalik niyo lang po ako."
"Kahit ano?"
"Yes Sir!"
"Nakikita mo yan?" Sabi niya habang itinuturo ang kalangitan na puno ng maiitim na ulap.
Napalunok ako dahil parang alam ko na ang kanyang tinutukoy.
"Lalanding yang bagyo bukas o mamayang gabi, at ikaw ang ipadadala ko sa Lemery, Batangas. Maghanda ka na, papaalis na yung van."
"Ngayon na po?"
"Ay gusto mo ba hintayin ka ng bagyo bago siya mag-landfall?" Sarkastikong sabi niya.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...