Parang gumuho yung mundo ko sa nakita ko. He never smiled at me that way.
Pero bakit ako malulungkot? Yan na yun? Di ako masasaktan sa ganyan lang. Isang taon ko ata pinaghandaan ang araw na to, the day when I will officially court him. Well, hindi ko naman talaga balak sabihin to ngayon but I need to speed up my plan dahil magkaiba na pala kami ng school at baka mas maraming umaligid sa kanya.
Sino ba naman kasi yung hindi magkakagusto kay Loize? He got it all, gwapo, matangkad, matalino, mabait etc. Kahit sinusungitan ako nyan I know na mabait talaga siya, proven and tested!
I composed myself and walked towards them. Nasa ilalim sila ng puno at mukhang may tinatanong lang yung babae.
In fairness, maganda siya, pero pag magtatanong ganyan dapat kalapit? Kailangan may tawa sabay hampas sa braso?
"Hi." Bulong ko kay Loize at parang nagulat pa siya nang makita ako sa campus nila. He just eyed me na parang bang sinasabing Wait, I'm talking to someone. Kaya naman tumango lang ako at nginitian siya.
Napadako naman ang tingin ko dun sa babae at laking gulat ko nung inirapan niya ko! Kaya naman tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Attitude to, wala naman akong ginagawa!
"When are they going to give our schedule?" Maarteng tanong ni girl habang iniipit pa yung buhok niya sa likod ng tenga niya.
Sa payat niyang yan pag tinulak ko to mao-ospital agad to.
"They're going to email it nalang daw."
"Block 1?" She asked.
"Yes."
"Nice, we're blockmates!"
Patanong-tanong pa to ng block, batuhin ko kaya siya ng monoblock!
Tagal naman makipag-usap nito ni Loize, nagiging makasalanan ako. Sorry po Lord, mabait talaga ako promise.
"Do you wanna have lunch?"
Agad tumaas ang kilay ko at bumaling ng tingin kay Loize.
"Ehem." I fake a cough and glance at my watch.
"No, thanks." He replied.
"Okay, see you nalang sa first day!" She said and walk to the gate.
Tinitigan ko ang likod niya habang naglalakad palabas ng gate at lumingon pa nga at kumaway. Isang lingon mo pa, sa ospital talaga magiging destination mo girl.
"What are you doing here?" He asked in a monotone voice.
Bakit ang sungit? Pagkatapos ng chat na yun!
"Good morning din!"
"Tsk." Baka nga tama si Rap, lasing lang siya nung gabing yun.
"Pano mo nalaman? Yes, di pa ako nagbre-breakfast. 11am na, do you wanna have brunch with me?"
"I need to go to the mall to buy stuff."
"Diba bumili ka na ng books last week?" He gave me a how did you know look and I just smiled at him.
"Kain muna tayo, then samahan kita bumili!" Sabi ko at nagsimula ng maglakad.
"Fine." Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama.
"What?"
"Ikaw, ang unfair mo! Kanina dun sa babae may pangiti-ngiti ka pa tapos ang friendly pa ng boses mo tapos ngayong ako yung kausap mo hindi na?"
"I don't want to be rude."
"Ah so sakin, okay lang na maging rude ka?"
"Am I rude to you?" He asked.
"Oo!"
"I am not. Di lahat ng taong hindi kasing bubbly at outgoing katulad mo ay rude na agad. I just talked to her that way so she will not misinterpret me for being snob baka sumbong pa ko nun sa Dad niya who is are incoming prof."
I was just staring at him the whole time he was explaining. Anong nangyayari sa kanya? He never talked that long to me before except if magpapatulong ako sa stats and gen math.
"One more thing, ayaw mo ba yun, you're one of the people whom I can comfortably show who I really am."
Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang ngiting unti-unting gumuguhit dito at mabilis akong tumalikod para hindi niya makita ang mapula kong mga pisngi.
"G-gutom na a-ko, tara na!" Sagot ko at mabilis na naglakad. When I can feel his presence behind me ay binagalan ko ang aking paghakbang upang magkasabay kami.
Di na ata to one-sided love, level up na ata ako!
What if nagbunga yung 1 year kong pagdaan-daan sa classroom nila, pagsabay sa kanila tuwing uwian kahit 1 hour ahead yung dissmisal ko, pagpapatulong ko sa stats and gen math kahit alam ko naman at lahat ng pangungulit ko?
What if....the feeling is mutual na?!
***
I've been craving for pizza talaga since last night or should I say 'always' because it's my fave. Eh hindi ko naman masabi sa kanya na sa pizza place kami kumain because he is doing something na mukhang important sa phone niya kanina.
Nagtaka ako dahil pagpasok namin sa mall ay dumiretso kami sa Shakey's. I silently shout in glee kahit nagtataka ako why he went here, eh he's not a fan of pasta and pizza naman.
"Table for 2."
"This way Sir." Kuya replied and lead us to our table.
"What's your order po?"
I looked at Loize and I was taken a back when he is already looking at me.
"What do you want?"
Tinignan ko yung menu at tumingin sa kanya. Anong kakainin niya? Di naman niya trip yung mga ganitong food.
"Just order for the two of us."
Girlfriend duties na ba to? Napangiti ako sa aking iniisip and I cleared my throat.
"1 Ceasar Salad, 1 Seafood marinara, 1 Basket of Chicken N' Mojos, 1 Regular thin crust of Manager's choice, 1 rice and 2 iced tea please."
"We'll serve it in 10 minutes."
"Thank you." I smiled
"Mauubos mo yun?"
Nawala ang ngiti sa aking mga labi at tumingin sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo ba sa chubby? Don't worry, I know my limit!"
Sobrang lakas ko talaga kumain lalo na kapag favorite ko yung pagkain pero I see to it naman na I eat moderately.
"No, I'm just asking." Natatawang sabi niya.
"Saka sayo kaya yung rice, bakit ka ba kasi dito pumunta eh di ka naman mahilig sa ganitong food."
The waiter went to us and placed the starters on the table.
My mood shifted noong nakita ko yung ceasar salad. I was about to get some for myself when he said something that made my heart stopped.
"Gusto mo kasi."
Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking pisngi ngunit imbis na iwasan ko ang ang kanyang tingin ay umayos ako ng upo at kinalma ang aking sarili.
This is it.
"Ramirez." Seryosong tawag ko sa kanya.
"What?" Sagot niya habang kumakain ng salad.
"Liligawan kita."
Nabitawan niya ang tinidor at tinapik-tapik ang kaniyang dibdib.
Nabulunan pa nga.
"What?"
"I'll court you!" Mas malakas na sabi ko.
"Are you seriou---"
I cut him off by giving him a drink.
"I'm not asking for your permission, I'm just informing you."
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...