Nandito ako ngayon sa school namin to enroll. My course is Bachelor of Arts in Communications. I want to be a reporter someday or basta anything na related sa media kahit on or off cam pa yan.
It's totally a new environment for me. Dagdag mo pa na wala akong kakilala dito. It's okay though, new things, new people and new me!
Mas malaki ito sa school nila Katherine ang pinagkaiba lang ay mas maraming buildings kesa sa mga greeneries. It would be better sana if maraming mga puno and plants para relaxing.
"Sorry!" I said dahil may nakabungo akong lalaki.
Ano ba yan, enrollment palang may kahihiyan na kong ginawa.
"Okay lang!" Magka-vibes pa ata kami ni Kuya.
I just smiled to him in return. Paalis na dapat ako ng magsalita siya.
"Anong course mo?"
"Comms." tipid kong sagot. Baka kasi sabihin feeling close ako.
Madaldal akong tao, pero depende talaga sa kasama ko.
"1st year?"
"Yes po."
"Anong po? Same year lang tayo."
"Ay weh?" Ewan ko pero biglang gumaan yung pakiramdam ko sa kanya. Maybe because we're the same age.
"Yes! Tapos ka ng mag-enroll?"
"Not yet. Ang laki kasi ng school, di ko makita yung Humanities building."
"Sabay na tayo, okay lang?"
"Tara!"
"James nga pala." Sabi niya at inilhad ang kamay niya.
"Talliah Grace." Sagot ko habang nakikipag-shake hands sa kanya.
***
"Grabe, may pasok tayo ng Saturday and Sunday!"We are now here sa coffee shop sa mall. I decided to be friends with james. Mukha naman siyang mabait and mapagkakatiwalan.
You won't survive in college without friends.
"Hanggang 7pm tayo tuwing Monday and Friday. Tapos isa lang yung free day natin..."
"Ito na ba yung college life? Kala ko pwede na ko magwalwal." Natatawang sabi ko.
"Luh walwal talaga?" Sabi niya habang kumakain ng strawberry cake.
"I was too studious kasi noong High School days ko. I want to chill and rock" Natatawang sagot ko.
"Baliktad, dapat noong High School ka nagwalwal ganun."
"Di joke lang, I'll do my best!"
"Naks, palaban si blockmate."
Naputol yung usapan namin nang may tumawag sa kanya.
"Sagutin ko lang." He said and went out the coffee shop.
I glanced at my watch and 4pm na pala. Naka-uwi na kaya yun? Bakit ba kasi ayaw niyang ibigay yung sched niya di ko naman siya pupuntahan dun araw-araw.
Baka thrice a week lang.
Biglang umilaw yung phone ko because of a notification.
loize_rmz replied to your story
Miss naman agad ako nito. Kala mo ba ikaw lang yung busy?
loize_rmz: Nasan ka?
Yung story na nireplyan niya ay yung selfie namin kanina ni James na may nakalagay na 'blockmate'.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...