"Good morning!" I shouted habang papunta sa aking upuan.
"Parang masyado ka namang excited sa first day?" Sabi ni Mommy habang iniaabot sa akin ang garlic rice.
"Syempre naman Ma!" Sagot ko habang kumukuha ng egg at tocino.
Sinimulan ko na agad kumain dahil baka biglang dumating si Loize. Speaking of him, di ko pa pala nasasabi kayla Mommy.
"Dahan-dahan naman Talliah, baka mabulunan ka niyan." Sabi ni Dad habang inaabutan ako ng tubig.
"Where's Gale?"
"She left early, 7 am ang class nila."
Paano ko ba kasi sasabihin? Well kung kay Mommy, madali lang eh! Pero knowing Dad, medyo scary?
"Mommy, Daddy---"
"Talliah andito na yung boyfriend mo." Kinikilig pang sabi ni Manang habang papasok sa dinining.
"Manang!"
Timitigan ko si Manang na para bang sinasabing hindi pa nila alam look and she just mouthed me 'Ay sorry hija'.
Napayuko nalang ako at hinintay na magsalita sila Mom.
"Good morning po."
Biglang nawala ang kaba at takot sa aking dibdib at napalitan ng pagkamangha nang dumating si loize.
Ang gwapo shit! Good morning indeed.
This is the first time that I see him wearing his white uniform and he looks so neat and handsome in it!
Kung ganito ba naman yung mga nurse sa hospital, willing na akong magpa-confine.
Lumapit si Loize kay Mom and Dad para magmano. Pagkatapos nito ay tumayo siya sa aking tabi at nginitian ako.
"Good morning Loize!" Mommy greeted in glee.
"Kumain ka na ba?" Dad asked.
"Yes po. Susunduin ko lang po sana si Talliah."
I was about to stand up when he whispered something.
"Finish your food." Kaya naman umupo ulit ako.
"Mag-coffee ka muna or cereals, juice? What do you like?" I asked.
"I'm good, hintayin nalang kita."
"Umupo ka muna loize, hijo." Mom said.
And agad naman siyang sumunod.
Silence.
Sa mga ganitong pagkakataon, it would be better kung nandito si Gale!
Binilisan ko nalang kumain to escape from this situation. I cleared my throat after finishing my food.
"Ma, Dad...I just wanna say na---"
Nahinto ako sa aking sinasabi nang tumawa si Mommy. Paglingon ko naman kay Daddy ay nakangiti lang ito.
"We know anak!"
"Yes, dahil nasabi ni Manang kanina but---"
"Loize told us or should I say nagpaalam siya?" Dad said.
"What?" I looked at loize in confusion.
"Long story Tally, but before the day you went to Tagaytay, Loize informed us na sasagutin ka na raw niya!" Mom said and drink her coffee.
"At first, I was confused but I remembered na sinabi pala ng Mom mo na ikaw ang nangliligaw." Natatawang sabi ni Dad.
I don't know how to feel. I'm just grateful for having him.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...