"Stop it." Sabi ko habang patuloy na nakatingin sa aking laptop.
Nandito kami ngayon sa unit ni loize watching a movie because it is my day off.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa aking kandungan at padabog na umupo at tumingin sa akin.
"I took a day off because you said that it's your off today." He said while pouting.
"Love." He called in a low tone when I didn't respond.
Pinagpatuloy ko lang ang pagta-type sa aking laptop.
last sentence...and done!
Mabilis kong sinara ang laptop at nilapag sa lamesa sa aming harapan. Ginulo ko ang buhok niya at saka siya kinurot sa pisngi.
"Ito naman, may kailangan lang tapusin eh!"
"Baby---"
Binato ko siya ng unan at tinitigan ng masama.
"Sinong baby?!"
"Ikaw." He chuckled.
"Don't call me that! Ewww." Nandidiri kong sabi habang niyayakap ang aking sarili.
Ewan ko ba but I don't like the call sign 'baby' parang ang daming gumagamit nun and most of the people that I know who have that endearment already broke up.
"Fine..fine." Sabi niya at hinila ako paupo sa kanyang hita.
He burried his face on my neck and sniff it.
"Let's go on a vacation." Sabi niya habang mas hinihigpitan ang yakap sakin.
Lumayo ako mula sa kanyang pagkakayakap at inayos ang upo paharap sa kanya. I placed my hands on his neck and he enveloped his arms on my waist to support my back.
"Di ka ba busy?"
"Why?"
"Di ka nga ba busy?" Seryosong tanong ko.
"I am...why?" Natatawa niyang sagot.
"Eh bakit ka nandito ngayon? Bakit ka nag-aaya magbakasyon?"
Inayos niya ang aking buhok at nilagay ang ilang hibla nito sa likod ng aking tenga.
His stares are melting me.
"Of course I am busy...so busy. Ang dami ko ngang gagawin ngayon, bukas, sa isang araw o kahit sa susunod na linggo pa. I even cancelled 3 of my meetings today just to be with you."
"Eh bakit---"
Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi upang patigilin ako sa pagsasalita.
"That's how much I love you." Sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
Hindi ako nakasagot sa kanyang mga sinabi at naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking pisngi.
Kaya naman tinanggal ko ang aking kamay mula sa kanyang leeg at itinakip ito sa aking mukha.
"Tsk, kinilig ka na dun?" Pilit niyang tinatanggal ang aking kamay sa mukha ko habang napapailing na tumatawa.
"Oo, bakit? Masama ba!" Sigaw ko.
"Di naman, sakin ka lang dapat kikiligin." He winked.
Tinatamad kong inabot ang aking cellphone sa lamesa nang marinig ko itong tumunog.
Napangiti ako nang naramdaman ko ang pag-alalay ni loize sa akin.
"Be careful." I just smiled at him.
From: James Read
Can we talk...About last time and about my...brother.
I haven't seen his name for a while kaya naman di ko alam kung matatawa ako sa pangalan niyang naka-save sa akin.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...