Chapter 44

3.2K 57 0
                                    

"Sigurado ka ba rito?" Nagaalinlangang tanong ko habang tinatanggal ang aking seatbelt.

"I told you, Papa and I are already okay. Well, hindi na tulad ng dati but we're trying our best. Gusto niya raw makita yung kambal." Sagot niya at saka bumaba sa sasakyan para kunin sila Liana at Alonzo sa likod.

Madami ngang nagbago simula noong umalis ako, I never thought that Tito and him will be okay.

Bumaba na rin ako sa sasakyan at para tulungan si Loize.

"Come here, Liana." Akmang kukuhanin ko na ito ngunit nilingon niya si Loize na karga-karga na si Alonzo.

"Ohhh, you want Dada now?" May ngiti sa labing sagot ko.

"Really, Princess?" Sabat ni Loize at lumapit sa amin

Iniabot sa akin ni Loize si Alonzo at masiglang kinuha si Liana sa car seat.

"Bakit ang saya-saya ko?" Sabi niya habang bahagya pang isinasayaw si Liana.

"Let's go, hinihintay na tayo ni Lolo." Sabi ko at nagsimulang maglakad papuntang gate.

How I missed this house. It holds a lot of memories.

"Yan na ba sila loize?" Manghang sabi ni Tito habang nakatingin sa kambal.

"Hello po Tito." Sabi ko at nagmano sa kanya.

"Talliah, I'm so proud of you anak."

"Bless, kay lolo." Sabi ko Kay Alonzo at inabot naman ni Zo ang kamay ni Tito at ganun din ang ginawa ni Liana.

"Smart kids! Manang-mana---"

"Sa akin, Pa." Proud na sabi ni Loize na ikinatawa ni Tito.

Tinapik ni Tito ang balikat ni Loize habang tumatango at hinila ito papuntang hapag-kainan.

"Nako, ito lang yung ipinahanda ko. I don't know what food you like, hija." Sabi ni Tito habang umuupo.

"Nako Tito, I can eat everything po." Sabi ko habang umuupo.

"Ester, Patrice! Pakibantayan muna yung kamabal." Tawag ni Tito sa kasambahay at agad naman itong lumabas mula sa kusina para kunin si Alonzo at Liana.

Nag-aalangan pa akong iabot si Alonzo kay Ester noong una ngunit hinawakan ni Loize ang aking kamay at saka ako tinanguan.

"I'll eat fast, para puntahan sila agad." He said assuring me.

Ewan ko ba, pagdating talaga sa kambal ay hindi ako mapalagay ng may ibang magbabantay sa kanila.

It took me how many months bago hayaang bantayan nina Manang at Lily ang kambal ng sila lang.

Agad nilang dinala ang kambal sa garden na makikita lamang dito sa dining.

"Let's eat?" Sabi ni Tito at nagsimulang kumuha ng pagkain.

Naialis ko ang aking paningin sa kambal nang lagyan ni loize ng pagkain ang aking plato.

"A-ako na." He just smiled and gave me the serving spoon.

"So when's the wedding?" Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain at gulat na tinignan si Tito.

"Pa!" Saway ni Loize.

"W-what? Doon din naman tayo pupunta diba?"

"Ahhhh, Tito ang s-sarap po ng luto niyo."

Pag-iiba ko sa usapan na ikinatawa nang malakas ni Tito.

"Alam mo namang hindi ako nagluluto Talliah." Umiiling na sagot niya.

Back In His Arms Where stories live. Discover now