"Kain muna tayo?" Tanong ni James habang naglalakad kami sa loob ng mall para maghanap ng regalo kay loize.
"Wag na, bilisan nalang natin maghanap." Sagot ko at inilibot ang mata sa mga shop.
I felt bad after lying to loize though what I am doing is also for him.
Tumawag siya kanina para tanungin kung magpapasundo ako pero sabi ko ay kasama ko sila Katherine.
"Ano bang gusto ni Kuya?"
Napahinto ako sa paglalakad at nakapamewang na tumingin sa kanya.
"Di ko rin sure eh."
"Huh?" Kunot-noong tanong niya.
"We were apart for too long, malay natin diba...baka nagbago na yung mga gusto niya."
"Di yan." May kumpiyansang sabi niya.
"What makes you so sure?"
"Tignan mo, gusto ka pa rin niya."
Pinalo ko siya sa braso habang pinipigilan ang ngiti sa aking labi.
"Ano ba!"
"Kilig ka naman!"
"Masama?"
Iniiwas niya ang tingin at bumuntong-hininga.
"Tara na nga!" Hinila ko siya sa isang shop ng mens wear.
"Good evening ma'am." Nginitian ko lang si ate at saka dumiretso sa mga long sleeves na damit.
"Ano pong size? New arrival lang po iyan lahat." Masiglang sabi ni ate at naiilang naman akong tumango.
Hindi naman sa nagsusungit ako pero napre-pressure kasi akong maghanap ng damit kapag may mga saleslady na nakasunod sa akin.
"Damit? Madami na niyan si Kuya." Bulong ni James.
Bahagya pa akong napalayo sa kanya nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg.
"But, he often use this for work. Saka lagi nalang white, black, blue yung mga long sleeves niya, so boring... Let's buy different colors." Sabi ko habang sinisipat ang pastel colors na long sleeves.
"Nako, ma'am! Bagay na bagay po yan kay Sir!" Sabi ni ate habang tinitignan ko ang navy blue na long sleeves.
"No it's not for---"
"Ito naman si ma'am nahiya pa! Marami po kaming customer na bumibili para sa boyfriend nila."
I was taken a back with what ate said. Ibabalik ko na dapat ang hawak ko ng kunin ito ni James mula sa aking kamay.
"Talaga ate?" Masayang sabi niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit kinindatan niya lang ako.
'what are you doing?' I mouthed but he just shook his head and went to the counter.
"We'll buy this and ito po, saka yung katabi nung pink." Turo niya sa mga damit habang naglalabas ng card.
"Why didn't you say na we're not together?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Tumikhim siya at bahagyang natawa.
"Kaya ka ba tahimik dahil doon?"
"I'm serious."
"Grace, it's nothing. Kailangan ba natin i-correct yung mga ganung assumptions?"
"Yes, because it can cause misunderstandings."
"Okay, sorry. Next time, pag kasama kita magsusuot akong damit na nakalagay 'magkaibigan lang po kami.'" Natatawa niyang sagot kaya tinignan ko siya ng masama.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...