Chapter 17

2K 50 0
                                    

I've never seen his face that worried. Sumunod kaya ako? Saan bang hospital yun?

"Ate?" Tawag sa akin ni Gale habang umuupo sa tabi ko.

I didn't answer and I just looked at her.

"Tinawag ako ni Manang, kanina ka pa raw dito sa sala."

I glanced at the clock and it's already 10 pm. Isang oras na akong nakaupo dito simula nang ihatid ako ni loize.

I can't help but to be worried. Parang kanina lang ay kausap ko si Tita tapos biglang nasa hospital na siya.

"Anong nangyari ate?" Gale asked.

"Yung Mama ni Loize...nasa hospital." I said in a low tone na tila ba sinasabi ko ito sa aking sarili dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Kitang-kita kong binalot ang mga mata ni Gale ng pag-aalala at gulat.

"Puntahan ko kaya? Pero saan?" Kinuha ko ang phone at hinanap ang number ni loize. "Should I call him? Si Katherine nalang kaya---"

"Ate, calm down." Sabi ni Gale at kinuha ang phone sa kamay ko.

"Pano? How can I calm down?"

"Baka naman minor injury lang or something? Don't exaggerate, hintayin nalang natin yung tawag ni Kuya."

"I wanna go. Baka kailangan niya ako." I said with convincing eyes.

"Ate, it's a family matter, bukas nalang." Bumuntong-hininga ako at kinuha ang aking phone sa kamay ni Gale.

"I'll just text him." She nodded.

To: Love,

Kamusta si tita? Are you okay? Text me back or call me when you see this. love youuu!

"Tara na?" Gale offered her hand, asking me to stand up.

"Thanks Gale." I said and clung to her arms.

"Magiging okay din bukas! Gusto mo lang ako makatabi matulog eh!" Nanunuksong sabi niya habang papanik kami ng hagdan.

"Bakit, ayaw mo? May boyfriend ka na no!"

"Asa!"

"Siguraduhin mo lang Gale..." Natatawang sabi ko.

***

Maaga akong gumising dahil hindi naman ako makatulog. Yung pakiramdam na natutulog ka pero gising yung diwa mo.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking phone sa ilalim ng unan ni Gale dahil tinago niya to kagabi para raw makatulog ako ng maayos.

Pero sa huli, hindi rin naman ako nakatulog dahil hinihintay ko yung reply ni Loize.

I went outside my room while holding my phone at dumiretso sa terrace.

Calling Katherine....

"Talliah?" Matamlay na sagot niya.

"Okay ka lang?"

"Pauwi palang ako sa bahay. May class ako ng 8am"

Ngayon lang siya uuwi from hospital?

"K-kamusta si Tita?" Kinakabahang tanong ko.

Imbis na sumagot ay nakarinig lang ako ng buntong-hininga at nasundan ng paghikbi.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglang pagkirot nito.

"Katherine..." I called.

"Kailangan ng operahan si Tita. Di na kinaya ng gamot---"

"Huh? O-operhan? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

Back In His Arms Where stories live. Discover now