My heart feels heavy while I am standing in front of Katherine's condo unit.
I badly need them right now...
Kakatok pa lang sana ako nang bumukas ito.
"Bisita ako tapos ako magtatapon ng basura!" Sigaw ni Rap kay Katherine na ikinangiti ko.
I missed both of them.
"Rap..." Sabi ko na tila ba nagsusumbong.
"Grace!" Nabitawan niya ang basura at lumapit sa akin. "Te, sorry na kasi..."
"Hoy Grace Cruz!" Tumatakbong sabi ni Katherine habang hawak ang highlighter sa kamay. "Sorry na..."
Imbis na sumagot ay hinila ko sila upang yakapin.
Naramdaman ko ang paghagod ni Rap sa aking buhok at ang pagpisil ni Katherine sa aking braso na naging dahilan ng aking pagluha.
It's just too much for me...
"I still l-love him..." I whispered.
Tumigil ang paghagod ni Rap sa aking buhok at lumayo sa akin.
"Te?!" Di makapaniwala niyang sagot. "Ngayon mo lang napagtanto?"
Umiiling-iling si Katherine at hinila ako papasok.
"Sabi niya...he still loves me."
"Yun naman pala eh!"
"He loves me so much...that he's willing to let me go."
"What?"
"Anong what?" Binato ni Rap si Katherine ng unan. "Itanong mo dyan sa pinsan mo!"
"Kung mahal niya ko bakit niya ako iiwan?" I slump in a couch in disbelief. "He didn't even bother to let me speak!"
"Baka naman may dahilan."
"Alam niyo ba?" Bumaling ako kay Katherine. "Alam mo ba...na kapatid niya si James?"
"He already told you?!"
"S-sino? Bakit di ko alam!" Napatayo pa si Rap sa pagkakaupo niya. "Kaya pala ganun mo siya tignan Katherine!"
Katherine smiled and nodded.
"But why? Di naman siya masama---" Napatigil ako ng pumasok sa isip ko yung sinabi ni loize. "Dahil ba sa nangyari kay Tita?"
"He wants revenge at hindi namin alam kung bakit...Kasalanan ba nila loize o ni Tita kung tinago ni Tito na may anak siya sa labas?"
"Weird..." Rap answered with furrowed eyebrows. "Galit ba siya dahil hindi niya nakuha yung privilege ng isang Ramirez, kinahiya siya ni Tito or what? Pero ang OA niya sa revenge ah!"
"We don't know kung bakit siya galit na galit. Sinustentuhan siya ni Tito all throughout tapos biglang gusto niya raw mag-aral sa Manila and it happened. Then, months after that..." Hindi niya na tinuloy ang kanyang sasabihin.
Tita died...
"Maybe, he just want a Father...a family." Sagot ko.
"Loize is willing to accept him, that night on your birthday...I knew what happened. Hindi naman nagalit si loize dahil may kapatid siya sa labas...He was more angry because Tito hid it from them for 19 years."
"P-pero paano if...he's just using you to bring pain to loize?"
"He doesn't treat you as a friend. He's just using you to revenge against me."
Doon ko na ikwinento yung ginawa na pag-amin ni James sa Batangas.
"That wasn't the first time." I said.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...