Pagkapasok ko ng bahay ay napahawak ako sa pinto dahil sa sakit na aking naramdaman sa aking paa.
Bumuntong-hininga ako at saka pinulot ang toy car na aking naapakan.
Inilibot ko ang aking mata at napakagat-labi nalang ako sa aking nadatnan.
Nasa lapag ang mga unan.
Nagkalat ang laruan.
Nakabukas ang T.V. pati na rin ang laptop na nasa lamesa.
Ngunit lubos na kumuha sa aking pansin ang plastic ng chichirya na nakatago pa sa gilid ng sofa.
Loize...
Mabilis akong pumanik sa hagdan para hanapin ang mag-aama ngunit pagbukas ko ng pinto sa aming kwarto ay tila nawala ang aking galit nang makitang natutulog silang tatlo sa kama.
Liana is on Loize's chest while Alonzo is hugging Loize's arms.
Dahan-dahan akong umupo sa kama upang pagmasdan sila ng malapitan.
Akamang kukunin ko ang papel at ballpen sa kamay ni Loize ng bigla siyang dumilat.
Namumungay ang mata niyang tumingin sa akin.
"Love..." He said in his bedroom voice. "You're back, how's work?" He smiled and pouted as if asking for a kiss.
Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi at saka humiga sa kanyang tabi.
"I was on stand by sa news flash tapos biglang may scoop na ibinigay so kailangan ko lumbas sa studio. After that I went back and did some stories and hays...Just telling it makes me tired." I said and snuggled close to him.
"Ang dami ko rin ginawa..." Nagsusumbong na sabi niya.
"Sa sobrang dami, ang dami rin liligpitin sa baba! Naka-day off pa naman sila manang!" Sigaw ko na naging dahilan ng paggising ng kamabal.
"Mommy..." Liana uttered while her head is still lying on loize's chest.
"Did you miss me?"
Tumango lang siya at hinawakan ang mukha ko.
Tumayo ako sa aking pagkakahiga at kinarga si Liana para yakapin.
Natawa naman ako ng sabay na umupo si Alonzo at Loize.
"What about me?"
"Me?"
Sabay na sabi nilang dalawa.
My two boys...
"Group hug with Mommy!" Sigaw ni Loize at saka binuhat si Alonzo para ilagay sa kanyang balikat.
"Careful!"
Liana giggled and tried to climb loize's shoulder.
"Love, pag nahulog yang dalawa ah!" Natatawa kong sabi.
"What's that smell?"
"Smell?" Tanong ni Loize at suminghot. "Love!" Sigaw niya.
"What?"
"Nag-bake kami kanina..."
"Really? Nasaan, patikim." Excited kong sabi.
Dahan-dahan siyang umalis sa kama habang nasa balikat niya pa rin si Alonzo.
"Nasa oven."
"Malamang nasa oven. Where will you bake it diba?"
"Y-yes nasa oven..." Mabilis na sagot niya at saka tumakbo palabas ng pinto.
Oven?
So he means to say na ayun yung naamoy namin?!
"Ramirez!" Sigaw ko.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...