Tama ba tong gagawin ko?
Kasalukuyan akong nakatingala sa mataas na gusali sa aking harapan. Nagdadalwang-isip kung papasok ba ako o uuwi na lamang.
Pagkatapos ng mga pinagsasabi ko, ngayon nandito ako?
Totoo naman lahat yun diba? I have every rights to say that.
Pero parang mali pa rin eh...
Napahawak ako nang madiin sa aking bag habang kagat-labing sumasabay sa pagpasok ng mga tao.
"Sir, it's final. Kahit tanggalan niyo pa po ako ng trabaho, I can't do it." May kumpyansang sabi ko.
Panigurado namang hindi ako sisisantehin ni monde dahil kulang na nga kami sa mga tao.
"If that's what you want Ms. Cruz." Tumatangong sagot niya.
"Thank you---T-teka lang Sir!"
Napatingin kami sa taong pumasok sa pinto.
"Ito na po yung resume ng mga applicants." Sabi ni Teresa habang inilalapag sa lamesa ang isang folder.
"Applicants?" Akmang kukunin na ni Sir ang folder nang agawin ko ito. "Give me 1 week Sir, then I'll give you that interview from Mr. Ramirez."
"Akala ko ba ayaw mo?" Nakataas na kilay na sabi nito. "Saka, don't bother sabi ni Jason ay ayaw din magpa-interview ni Mr. Ramirez sayo."
"No Sir! Papayag yun, just give me a chance." Nakangiting sabi ko kahit sa loob ko ay naghuhumirintado na sa pagtibok ang aking puso.
I can't let that guy be the reason for my resignation in my dream company. I've worked so hard to be here.
"1 week Ms. Cruz."
Pagpasok ko ay agad bumungad sa akin ang mga taong nakapila upang i-tap ang kanilang id upang makapasok sa loob. May pila pala ng LRT dito? Grabe naman yung security nila.
Namangha ako sa laki ng lugar. Tila isang hotel ang aking napasukan sa taglay nitong ganda. Sa kaliwang bahagi ay may mga upuan at lamesa kung saan pwede maghintay ang mga bisita.
Sa kabilang banda ay matatagpuan ang information desk kaya naman doon ako nagtungo.
"Excuse me."
"Yes?" Mataray na sabi nito habang nakatingin sa kanyang screen.
"Can I talk to Mr. Ramirez."
"Do you have an appointment?" Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at nung magtagpo ang aming mga mata ay agad ko siyang nginitian.
Pay their rudeness with kindness.
Nanlaki ang nata niya at napahawak sa bibig.
"Ms. Cruz!" Sigaw niya.
Kilala niya ako? Baka dahil nakita ako sa balita.
"Hi, I don't have an appointment but can you---"
"No need ma'am!" Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa akin. "Tara na po?" Sabi niya at naunang maglakad.
"Uhhh, you can just tell me the directions---"
"Okay lang po ma'am!" Masiglang sabi niya.
Bakit biglang bumait?
Habang naglalakad kami papunta sa elevator ay hindi ko maiwasang mapalinga-linga.
Is this really his office? Ang ganda. Sobra.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...