It was already 8 am when we went back to the hotel from our live.
"Breakfast time!" Masayang sabi ni Romeo habang papasok sa dining hall. "Dyan ka nalang ba Grace?"
"Susunod ako, may kukunin lang." Sagot ko at saka nagsimulang maglakad papunta sa elevator.
Pagpanik namin sa kwarto kahapon ni Loize ay kaagad akong nag-ayos para sa morning coverage.
Sa katunayan, kaya ko siya pinayagang matulog sa kwarto ay dahil aalis na rin naman talaga kami ng team.
Tulog pa kaya yun?
Pagkabukas ko ng pinto ay tanging payapang kwarto ang bumungad sa akin.
Nasaan na siya?
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa at saka pinindot ang number na ginamit niya para tawagan ako kagabi.
Ngunit bago ko ilagay ito sa aking tenga ay napakunot ang aking noo nang mapansin ang numero.
It looks familiar...
"Saan ka galing?" Sabi ni loize habang lumalabas ng banyo at pinupunasan ang kanyang buhok.
Sa halip na sumagot ay tinignan ko lang ang cellphone sa kamay niya na nagriring.
This number, I saw this before.
Kaagad kong binaba ang tawag at hinanap ang number sa aking messages...
09*********
Happy birthday my philo!
Merry Christmas!!!
Goodluck on your first day, kaya mo yan!
Happy graduation philo! Hoping to see you on tv soon!
That guy who always greets me on special days...
"What's wrong Talliah?"
Pinindot ko ulit ang call button at umilaw ang hawak niyang cellphone. Walang paalam na kinuha ko ito sa kanyang kamay at tinignan.
Philo calling....
Philo?
"Talliah give me that!" Saway niya.
"So you're that guy..." I murmured.
I don't know how to feel. I am too overwhelmed.
I've been dreading him for years and trying to forget everything about him...
Samantalang siya...
He's been there for me in every step that I made. Not physically, but I admit that those messages gave me hope and cheered me up.
"I...uhmm"
"L-let's have breakfast." I changed the topic and went to the door. "Hintayin kita sa hall.
I've been searching for answers, pero ngayong nasa harap ko na lahat ng gusto ko malaman ay ako naman tong naduduwag na pakinggan ito.
Pagkapasok ko sa hall ay nagtungo ako sa pwesto nila Kuya James.
I grab myself a drink and rested my back at the seat.
"Bakit namumutla ka?" Tanong ni kuya.
"Baka gutom lang po." Sabi ko habang pinapaypayan ang aking sarili.
"Edi kumain ka na." Sagot niya.
"Mamaya na po." Napakamot ng ulo si kuya sa aking sagot at bumalik sa kanyang pagkain.
Inilapit ni Romeo ang kanyang ulo sa akin at bumulong.
"Heart problem?" Nang-aasar niyang tanong. "Aguy! Mahirap yan!" Pinalo ko siya sa braso na ikinatawa niya.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...