"Kala ko ba catching up?" Sabi ni Rap habang nakapangalumbaba sa lamesa.
Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa school nila. I was so busy with school, loize and tita na nawalan na ko ng oras para sa ibang bagay.
Umupo nang maayos si Rap at kinaway ang kamay sa akin.
"Ano yun? I'm listening." Sagot ko habang pinapanood yung video ni Rizal sa laptop at nagsusulat ng key points.
Imbis na sumagot ay tinanggal niya ang earphones sa aking tenga.
"Listening? Talaga lang ah."
"Sorry, ang dami ko lang talagang kailangan habulin." Sabi ko at isinara ang aking laptop at nilagay ang gamit sa bag.
I need to breathe.
I was supposed to do this last time pero hindi ko nagawa dahil biglang dumating si Tito and everything became so tense.
Di ko na alam kung anong makukuha kong grade kapag pinasa ko to kay Sir. Ilang araw na itong nasa missing ko.
"Isa-isa lang kasi Tally."
I wish I could.
"Alam mo naman yung nangyari kay Tita diba?"
Tumayo siya at nilipat ang upuan sa aking tabi.
"Tinawagan ako ni Katherine, sa hospital ka na raw nakatira!"
"Baliw talaga yun." Sabi ko at nag-iwas tingin.
"Magbigay ka naman ng oras sa sarili mo. Maiintindihan naman ni loize kung di ka araw-araw nandun diba?"
Actually, he doesn't want me to come. Unahin ko raw yung mas importante.
But they are important to me.
Parang dati lang, sinasabi ko na pag-aaral lagi yung uunahin ko. Pero iba nga siguro yung nagagawa ng pagmamahal. Parang kinakain ko lahat nang sinabi ko dati.
"Rap---"
"Talliah, si loize excused yun sa lahat ng acads stuff ngayon okay? Ikaw, hindi...di na to tulad ng dati na madali lang paki-usapan yung mga teachers." Kinuha niya yung cellphone niya at may ipinakitang picture sa akin.
"Tignan mo nga, ikaw pa ba tong Talliah na nasa picture? Natutulog ka pa ba? Kumakain ka pa ba?"
"Rap ang OA na." I said while giving him a small smile.
"Sorry to say this Talliah, but you're the one who's over reacting!"
There was not hint of kidding in his voice.
Kumunot ang aking noo at tinignan siya sa mata.
"Alam ko namang malapit yung loob natin kay Tita at mahal na mahal mo si Loize pero please lang, give time for yourself!" Seryoso niyang sabi.
"I h-have to go."
"Saan ka nanaman pupunta? Di mo pa nga nagagalaw yung pagkain mo?"
"Basta---"
"Sa hospital nanaman?"
"Pwede ba Rap! Alam ko yung ginagawa ko okay?"
Nanlaki ang mata ni Rap sa aking pagsigaw.
I myself was shocked with what I did.
Sa ilang taon ng pagkakaibigan namin, ngayon ko palang siya nasigawan ng ganito.
"Look, I'm sorry...mauuna na ako." I said as I get up from my sit and went straight to the door.
***
Ngayon ang araw ng aming reporting sa Communications Theory at halos 2 oras lang ata yung tulog ko dahil pagkatapos namin mag-meeting ay tinapos ko pa yung powerpoint presentation namin.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...