Chapter 42

3.3K 62 0
                                    

"Ano yan ate?" Turo ni Gale sa tuhod kong may balot na benda.

Hindi ko siya pinansin at tinignan lamang si Manang at Lily na buhat-buhat ang kambal na natutulog.

"Paki, panik nalang sila sa kwarto. Susunod din ako agad."

Tinanguan lang ako ni Manang at dumiretso na sila papanik ng hagdan.

Pumunta ako sa sala kung saan nakaupo si Mommy at Daddy at naramdaman ko naman na sinusundan ako ni Gale.

"Anak, kamusta?" Masayang sabi ni Mommy.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Daddy na tinuturo ang aking sugat

Matamlay ko lang silang tinignan at saka umupo sa isang bakanteng sofa.

"Wala ba kayong sasabihin sa akin?"

"Baka ikaw, yung may sasabihin sa amin ate? So what happened?" Excited na tanong ni Gale.

"Kailan pa alam ni loize?"

Nagulat sila sa aking tanong at napaiwas ng tingin sa akin.

"Answer me." Mahinahon kong tanong.

"Ate, hindi naman namin pinaalam kay Kuya. Nalaman niya lang because he was looking for you. I didn't know that Kuya was following me noong pumunta kami sayo during that day na pinaalam mo samin na buntis ka."

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na alam niya?"

"Ayaw ni loize. Sabi niya, you need time to heal, anak. Na dadating din yung araw na magiging handa ka na sabihin sa kanya. He said that you need time." Sagot ni Daddy.

Tumango lang ako sa mga sinasabi nila. I am trying to absorb it while being rational.

"He was there all throughout, anak. Lahat ng cravings na sinasabi mo samin...siya yung nagpapadala nun sa'yo. Noong nanganganak ka, he was there waiting for you outside. Lahat ng binibigay naming laruan and their room upstairs even the money that I am giving you every month... it's all from him Talliah."

"A-ano?"

Niyakap ako ni Gale at bumulong. "Sorry for not telling you ate."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa aking nga narinig o mas lalong manliliit.

He was there for me after what I did to him. He didn't doubt his relationship with his children.

How can I deserve this man?

"P-paanong...kilala siya ng kambal?"

Lumayo si Gale sa pagkakayap sa akin at ihinarap ako sa kanya.

"Every time you ask me or Mommy and Daddy na bantayan sila...si Kuya talaga yung kasama nila. Just like last time when you left Manang and I at the mall for your interview."

Noong marinig ko ang mga salitang sinabi ni Gale ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha at sabay-sabay na itong lumabas sa aking mata at di kalaauna'y nauwi ito sa paghagulgol.

Inilagay ko ang aking kamay sa aking mukha at agad naman akong niyakap ni Gale.

"Why is he like that? Hindi man lang ba siya nagalit sa akin? I don't deserve him."

"Ate, ilan ulit ko ba sasabihin na hindi mo kasalanan yung nangyari noong gabing yun?" Hinimas niya ang aking likod. "Everything will be okay."

***

Nagising ako ng hindi ko makapa ang kambal sa aking tabi. Tamad kong tinignan ang oras sa aking cellphone at 7am palang ng umaga.

Baka kinuha nila Daddy.

Back In His Arms Where stories live. Discover now