"Ms. Cruz!" Habol sa akin ni Teresa habang papasok ako ng elevator. "Ms. Cruz!"
"Yes?" Sabi ko habang isinusuot ang aking I.D.
"Kailangan na raw po ni Monde yung story niyo."
Pinanlakihan ko siya ng mata saka bumulong. "Baka marinig ka ni Sir!" Natatawa kong sagot.
Monde kasi ang tawag namin sa head namin as in 'demon'.
Para kasi kaming nasa impyerno tuwing nasa paligid siya.
Yung tipong sobrang strikto pero wala sa lugar? Pinipilit nalang namin siyang itindihin dahil baka nga napre-pressure lang siya ng mga mas nakatataas.
"I'll just email it to him." Nakangiting sagot ko.
"Copy Ms. Cruz!" Sabi niya habang naglalakad palayo.
"Grace nalang kasi yung itawag mo! Magkasing-edad lang tayo!"
Tumingin siya pabalik sa akin at kumindat. "Copy Grace!" Sagot niya at tuluyang umalis.
It's been 5 years and many things had changed. I am now a newbie reporter in one of the top broadcasting station in the Philippines.
Thank God dahil nagustuhan nila yung performance ko noong ojt namin. Kaya naman after graduation ay agad nila akong tinawagan.
"Grace!"
Papasok na sa ako sa elevator nang tawagin ako ni Kuya Jason.
"Good afternoon Kuya!" Nakangiting sabi ko.
Kalalapag lang ng plane namin mula Cebu dahil may kailangan kaming i-cover na fire accident kaya half day lang ako ngayon.
When will I go up to the office? Baka akalain pa ni Monde ay late ako!
"Bakit ka papanik?"
"Ahhhh, papasok po?"
"Ay hindi ba nasabi sayo?"
"Ang alin po?" Kinakabahang tanong ko.
Noong mga unang buwan ko kasi rito ay madalas na may nakakalimutan akong ipasang files o kaya naman ay makalimutan ang aking schedule.
Don't get me wrong, one day here seems to be hell of a week due to tons of changes.
"Absent yung isang reporter, ikaw daw yung papalit."
"Pero---"
Kakauwi ko lang galing sa Cebu, bawal bang sa office muna ako?
"Naghihintay na yung van sa labas, bilisan mo nalang!" Sabi ni Kuya at tumakbo na palabas.
Bumuntong-hininga muna ako at sumunod kay Kuya.
This job may be tiring but it's very fulfilling for me.
Sharing the story of other people, being part of a life changing moment and giving awareness is what I've been dreaming for since college.
Hinubad ko ang aking I.D. at ipinasok sa bag.
Good morning indeed.
Kinuha ko ang phone ko para i-text si Teresa na naka-assign ako ngayon sa field. Nang biglang nag-ring ang aking phone.
Rap calling...
"Talliah!"
"It's Grace." Mataray kong sagot na ikinatawa naman ni Rap.
"Wag mo kaming dinadamay dyan sa Grace, Grace mo!"
"Bakit ka napatawag Doc?"
"Uyyy kinilig ako! Pero wag kang advanced dyan 2 years palang kaming nasa med school! Kamusta yung Cebu?"
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...