"Ma'am...may tumatawag po sa inyo." Manang said while handing my phone.
Napakunot ang aking noo at saka binitawan ang sandok na aking hawak.
It's been years since Loize and I got married. I decided to quit my job para mas mapagtuunan ng pansin ang aking mga anak.
I realized that my family is more important than my passion. Nag-iiba talaga ang priorities ng isang tao kapag nag-asawa na mas lalo na kapag nagka-anak ka na.
Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ang caller id.
Katherine Calling...
"Bakit nanaman?" Bungad ko.
Pano ba naman, lumipas na ang panahon...tumanda na kami, nagkaroon ng sariling mga pamilya pero parang walang nagbago sa pagkakaibigan naming tatlo.
Halos araw-araw ay kausap ko pa rin sila.
"Talliah!" Sigaw niya kaya nilapag ko nalang ang cellphone sa counter table at ini-loudspeaker ito.
"Bakit ngayon ka tumawag alam mo namang---" Sagot ko habang tinitikman ang nililuto ko.
"Oras nang pagluluto ko blah blah blah." Pagpapatuloy niya sa sinasabi ko.
I can imagine her face while imitating me tsk.
It's already 6 o'clock at paparating na si loize. Dapat ay nakahanda na ang pagkain.
Kulang sa alat....
"Alam mo naman pala eh!" Sagot ko.
"May nakuha akong information..." Tila kinakabahan na sabi niya.
"Lagi naman."
"Good evening, my pretty Mommy." Biglang yumakap si Alonzo sa aking likuran.
"Anong good evening? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nandito si Liana, you are classmates right?"
"Eh kasi---"
"Talliah, naman! Binata na yan pabayaan mong maghanap ng girls!" Sabat ni Katherine.
"You got it right ninang!" Sagot ni Alonzo at saka mabilis na tumakbo palabas ng kusina.
Binata, eh 15 years old palang yun. He's still a baby to me.
"So going back...nakita ko si ano sa office!"
"Sino?"
"Y-yung blockmate namin nung first year!" Kinakabahang niyang sagot.
"Blockmate?"
"Yung may gusto sa asawa mo!"
May gusto kay loize? Sino?
I stopped with what I am doing when a name popped in my head.
"Si Agatha?! Anong ginagawa niya dun?"
"Company doctor ata?"
"What?"
That girl...
***
Kasalukuyan na naka-upo si Alonzo sa sala habang gumagawa ng assignment nang biglang pumasok ang kanyang Daddy mula sa pinto.
"How's work Dad?" Tanong ni Alonzo at nagmano.
"Tiring...Kamusta si Natalie at Liana?" Tanong ni Loize habang umuupo sa tabi ng kanyang anak.
"Okay lang naman Dad---Oh you mean..." Natatawang sabi ni Alonzo at napahinto pa sa pagsusulat.
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...