Humihikab akong sumakay sa van habang dala-dala ang aking mga gamit. Ramdam ko ang mabigat kong mga talukap dahil sa kakulangan sa tulog.
Alas dose na ng madaling araw nang matapos ko ang aking after duty. At ito ako ngayon, nasa loob ng van, apat na oras lang ang tulog, hindi pa kumakain o uminom lamang ng kape ngunit papunta na agad sa aming lokasyon.
"Kahahatid ko lang sayo kanina ah, nandito ka nanaman!" Pabirong sabi ni Kuya Jason habang inaayos ang aming mga gamit sa likod.
"Dapat pala dito nalang ako natulog, di na ako umuwi." Matamlay na sagot ko.
"Exciting naman yung coverage natin ngayon!"
Nagising ang aking diwa at napatayo ako mula sa aking pagkakasandal upang tignan si Kuya Jason sa likod.
"Are you serious kuya?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Joke lang eh!" Natatawa niyang sagot.
Ngayong araw kasi ay ibabalita namin ang pagtaas ng singil sa pampaseherong mga sasakyan. Kaya naman susundan namin ang biyahe ng isang commuter.
Hindi ito madali dahil sa oras na malingat kami sa subject ay back to zero na ulit. Habang umaandar din ang sasakyan ay kailangan kong makabuo ng script.
"Tulog ka muna hija habang papunta tayo sa lokasyon." Sabi ni Kuya Ben na aming driver.
Nginitian ko lang siya at binuksan ang aking laptop. Kahit kailan ay di ko pa ginawang matulog sa biyahe bilang pakikisama na rin sa aking mga ka-trabaho na talaga namang mas doble pa ang hirap kumpara sa akin.
Makalipas ang isang oras ay nakarating kami sa aming destinasyon.
Inihinto ni Kuya Ben ang sasakyan sa gilid upang makahanap kami ng subject.
"Ayun, yung naka-uniform na red." Turo ko sa babaeng nasa gilid ng bangketa.
Agad akong bumaba ng van at nagtungo sa kanya. Pagdating sa ganitong trabaho ay dapat lagi kang mabilis at alerto.
"Hello, good morning. Grace Cruz nga pala----"
"Kayo po yung nasa tv diba?" Nahihiya akong tumango at ngumiti sa kanya.
"Pwede ka bang ma-interview?"
"Tungkol saan po?"
"Tungkol sa pagtaas lang ng singil sa pamasahe. Bali pagkatapos nito ay susundan ka lang namin hanggang makarating ka sa school mo, tapos bibilangin lang natin kung magkano yung nagastos mo papunta dun." Mahabang paliwanag ko. "Okay lang ba?"
"Sige ate!"
Nakahinga naman ako nang maluwag ng agad siyang pumayag dahil hindi sa lahat ng oras ay may mga taong maluwag sa loob na nagpapa-interview.
Sinimulan ko nang magtanong sa kanya na aking gagawan ng script para sa aking voice over. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa sasakyan upang magsulat ng script habang sila kuya Jason naman ay abala sa pagkuha ng mga footage.
Bukod sa estudyante at kailangan ko pa maghanap ng ibang pasahero kaya naman in between script writing ay nag-iinterview rin ako dahil ipapalabas ito sa panggabing balita.
Mahigit-kumulang isang oras ang naging biyahe ng estudyante. Hindi pa ako nakapagpapahinga ngunit agad na akong tinawag nila Kuya Jason para sa aking live coverage sa pangtanghaling balita.
"Stand by Grace 10 seconds." Sabi ni kuya Jeff habang nakataas ang kamay. "We're live in 3, 2, 1 cue!"
"Mapa- ordinary o modern jeep ay piso ang dagdag sa minimum na pamasahe pero sa mga susunod na kilometro ay 0.30 sentimo ang dagdag sa ordinary jeep at 0.40 sentimo ang dadag sa modern jeep. Ang mga city bus na ordinary at aircon ay may dagdag na 2 piso~~~~"
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...