Noong umalis siya, literal na gumuho yung mundo ko.
It took me months to pick up myself and start again...
Tapos ngayong bumalik siya, lahat nabalewala.
I thought I already moved on, but since that night that I saw him...lagi ko nanaman siyang naiisip. Yung trabaho ko na matagal kong pinangarap...nawala ng parang bula.
I won't let my world shutter again because of him.
"Get lost." I said while giving him a hostile glare.
I was waiting for him to respond but he just clenched his jaw and grabbed my hand.
"What are you doing!?"
Hindi siya sumagot at hinila ako palabas ng entrance.
Agad naman dumating ang isang kotse sa aming harapan. Bumaba ang isang staff dito at inabot ang susi kay loize.
"Di mo ba ako bibitawan?"
Dinala niya ako sa passengers seat at binuksan ang pinto. He eyed me as if he's asking me to enter.
"Ayoko."
The side of his lips rose and his tongue clicked.
"Get in."
"Ayoko nga! Bitiwan mo nga---" Di ko pa natatapos ang aking sasabihin nang hawakan niya ang tuktok ng aking ulo at saka sapilitang pinapasok sa kotse. Mabilis niya itong sinara at tumakbo papunta sa kabilang bahagi nito.
"This is kidnapping Mr. Ramirez."
He just smirked at me and start the engine of the car. "Sue me all you want." He responded and started driving.
I sigh is disbelief and rested my back at the seat.
"Pagod ako, please lang itigil mo na to." Nakatingin sa bintang sabi ko.
"Then sleep."
How does he expect me to sleep in his car?
"Ihinto mo na dyan sa tabi. I need to go the office." Pagbabalewala ko sa kanyang sinabi.
"I'll bring you there, after we talk."
Talk?
"Wala tayong pag-uusapan."
"Marami, Talliah."
Hindi ko na narinig ang kanyang huling sinabi dahil unti-unti nang nanlabo ang aking mga mata.
***
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na hindi na umaandar ang kotse.
Nakatulog nanaman ako! I've been changing this habit of mine but sometimes I can't help it lalo na ngayon na apat na oras lang yung tulog ko kagabi.
Nasaan na siya?
Agad kong tinignan ang aking orasan at nanlaki ang aking mga mata nang makitang ala una na ng madaling araw. Ibig sabihin, limang oras akong nakatulog?!
Nakakahiya!
Sino ba namang matinong tao ang matutulog sa kotse ng ex niya?
Tinignan ko ang aking cellphone ngunit napapikit na lamang ako sa inis dahil lowbatt na ito.
Hinahanap na siguro ako sa bahay. Hindi pa ako nakapagpaalam kay Rap at Katherine! Can this day be worse than this?
Pero nasaan ba kami at nasaan na yung lalaking yun?!
Sinilip ko ang bintana at napakunot ang aking noo nang makita ang isang pamilyar na lugar.
This city lights, I've seen this view before...
YOU ARE READING
Back In His Arms
Teen Fiction"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Are you willing to accept the consequences of your action? How much are you willing to take f...