Chapter 23

2.2K 52 1
                                    

"Pupunta si loize."

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi at bumilis ang pintig ng aking dibdib.

"Are you okay now?"

That's why Katherine asked me that question.

I am okay. But the real question is, am I ready to see him?

Hinawakan ni Katherine ang aking kamay at tinignan akong maigi sa mata tila ba binabasa niya ang aking iniisip.

"You're my friend, but he is also my cousin. Parehas kayong importante sa akin. Kaya I want both of you to be present on my special day."

"B-bakit ka sakin nagpapaalam? Hindi naman sa aking party y-yun."

"Pero maiintindihan ko kung hindi ka pupunta." She said while giving my hand a soft squeeze.

"What makes you think na hindi ako pupunta?" Nakasimangot kong tanong.

"So you'll come?"

"Of course!" Nakangiting sabi ko at mabilis niya naman akong hinila upang yakapin.

Huminga ako nang malalim at saka siya niyakap pabalik.

I don't know if I am ready to see him but, I'll do this for Katherine.

***

"Ate!" Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata dahil sa malakas na katok sa aking pinto.

Hindi pa ako bumangon at hinintay na lamang siya na pumasok.

"Anong oras na, tulog ka pa!" Sabi niya habang nakasandal ang isang kamay sa pintuan.

Tulog? Eh hindi nga ako nakatulog buong gabi.



Don't get me wrong, it's not because of 'him'.

Sadyang marami lang akong ginawa.

Last night, mga 11pm na ako nakauwi because Katherine, Rap and I rarely hangout together now because of our priorities. Kaya naman kapag lumalabas kami talaga namang sinusulit na namin.

Matutulog na sana ako pero finorward ni Teresa sa akin yung assignment sheet na naglalaman ng mga "story" dapat kong buuin.

I spent 4 hours para lang makabuo ng dalawang story then I decided to sleep dahil wala na talagang  lumalabas sa utak ko.

Sadly, yung nagawa kong story ay for approval pa. So there is a big chance na it will be rejected and they will assign me to a new story.

Painful isn't it?

"Nandyan na si Kuya."

I glanced at the side table and it's already 6 am. Three hours of sleep.

I am used to it.

"Mag-aayos lang ako then I'll go down." Sabi ko habang tumatayo sa aking kama.

"Okay!" Sagot ni Gale at saka naglakad palabas ng pinto.

***

"You look extra stunning today!" May malapad na ngiting sabi ni James.

"Tigilan mo, ang aga-aga." Sabi ko habang pabalang na inaabot ang pasalubong ko galing Cebu.

"Ikaw ba yung nangliligaw? Bakit mo ko binibigyan nito?" Kumunot ang noo ko at saka ginulo ang kanyang buhok.

Kapansin-pansin naman ang panlalaki ng kanyang mata dahil sa gulat.

"Grace! Ang tagal ko tong inayos." He said while pouting.

"Sinong nagsabi sayong pinayagan kitang manligaw?"

Back In His Arms Where stories live. Discover now