[ TEASER ]

212 12 1
                                    

Things between them are always awkward. Hindi sila nito masyadong nagkikibuan at kung mag-usap man ay laging nauuwi sa sagutan.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Hindi na nakatiis na tanong nito.

"Wala lang."

"Wala lang? Kanina ka pa sa akin nakatingin." Napipikang sabi nito.

"Can you tell me why you hate me that much?" He asked. He rather have a conversation with him and listening to his reasons than playing games with his phone.

"Kailangan mo pa bang itanong yon?"

"Oo. I know the reason but I wanted to hear it from you."

"Dahil sa manipulador ka."

"Alam ko na yan. But you see, I already regretted that thing. Things went out of hand when I manipulated things back then. You see, bad things happened."

"Alam ko na yan kaya baguhin mo na ang ugali mong ganyan. Hindi lahat ng bagay na gusto mo mapapasaiyo."

Hindi lahat ng bagay na gusto mo mapapasaiyo.

Why that sentence hits him hard? At ang pumasok kaagad sa isip niya, ang tungkol kay Austin at sa mga anak nito.

"Mahirap yan gawin. Madaling sabihin pero kung ia-apply mo na." Umiling-iling siya. "Hindi ko yon basta magagawa."

"Ikaw naman ang mahihirapan kung ganoon."

"Alam ko na mahihirapan ako pero mahirap i-let go ang mga bagay na mahalaga sa yo."

"Bagay ba talaga ang pinag-uusapan natin dito o iba?"

Natahimik siya. Bakit parang nakikita nito ang kalooban niya? Bakit parang nababasa nito ang iniisip niya?

"Madali lang ba para sa yo ang makalimot?"

Saglit itong natigilan. "Depende."

"Depende saan?"

"Sa mga tao at sa mga bagay-bagay."

"Masyadong vague ang answer mo." Yamot niyang sabi.

"Depende sa pinagsamahan namin at sa mga bagay na ginawa namin na magkasama lalo na sa lalim ng pagtingin ko sa kanya." Sagot nito, napipilitan. "Masaya ka na?"

"Paano kung malalim ang pinagsamahan niyo? Paano kung hindi ka mabubuhay na wala siya sa tabi mo?"

"Hindi pa ako nagkaroon ng relasyon." Natigilan ito sa sinabi. Gulat na napatingin sa kanya. Napangiti siya.

"Now I know why its easy for you to say things. Hindi ka nasa ganoong posisyon."

Sumimangot ito. "I know what I'm saying. Depende naman talaga sa pinagsamahan ang paglimot, eh. For example, my feelings for Austin. Gusto ko siya. Minahal ko siya. Pero mabilis ko siyang nakalimutan kasi hindi malalim ang pinagsamahan namin. Isa pa, mas nangingibabaw yung guilty feeling ko dahil sa nagawa ko sa kanya. I also realised that my feelings for him were not that deep that was why I moved on so easily."

"Paano kung mahal na mahal mo ang taong yon? Paano kung hindi mag-work out ang relasyon niyo kahit mahal mo siya?" Tanong niya. Probing Rion.

"You think I'll let go easily? No, I will not. I'll make sure that our love will last. Magiging mabuti ako sa kanya. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko, in simple or grand ways. Kapag nagmahal ako, hindi iyon panandalian. Hindi lang present ang iisipin ko tungkol sa amin kundi pati ang future na kasama ko siya."

He just looked at him. He was silenced with his answer for a moment. "Maswerte ang taong mamahalin mo."

"At alam ko rin na maswerte ako sa taong mamahalin ko in the future."

"Pero hindi mo pa rin masasabi. May mga bagay na nangyayari kahit hindi mo gusto. What if things went out of hand and didn't happen?"

"I'll cross the bridge when I get there. Tama ka naman sa sinabi mo. Hindi natin masasabi ang mga posibleng mangyari kaya ang dapat lang nating gawin ay maging masaya sa pagkakataon na mayroon tayo. We need to cherish each moment with our loved ones."

"I'm cherishing it," usal niya.

"Then good for you." Komento nito. "Curious lang ako. Hindi ka ba natatakot na malaman ng karelasyon mo ang pinagagawa mo? Itong tungkol sa tin."

"Hindi niya alam. Hindi siya nagtatanong." Sagot niya. Hindi niya maiwasan ang malungkot dahil sa pagsasama nila ni Austin ay hindi ito nagtatanong ng bagay tungkol sa trabaho niya. Ngayon lang niya napansin na palagi siyang nag-uumpisa ng usapan. Siya ang palaging may tanong. Oo, curious sa mga bagay na ginagawa niya si Austin ngunit mabibilang sa kanyang mga kamay ang kuryusidad na iyon. Makikita na hindi ito interesado sa kanya.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon