[ Chapter 17 ]
[ Living with Him ]
MAGANDA ang araw na iyon at naisipan ni Kyrion na pumunta sa bahay ni Austin. Yayayain niyang mamasyal ito at si Keenon pati ang triplets ang gagawin niyang pain para makasama ito. Para sa mga bata, iyon ang sasabihin niya kay Austin ngunit ang totoo ay ito ang gusto niyang makasama. Alam niya kasi na kapag kasiyahan ng mga bata ang involve ay hindi ito makakatanggi. Austin loves the kids very much. He knew that what he was planning to do is kinda wicked but that's the only way for him to be with Austin. Pinapanindigan niya ang sinabi sa sarili ang kagustuhan niya na maging bahagi ng buhay ng mga ito.
"Aalis ako ngayon," paalam niya kay Rion. They were eating their breakfast. Alas singko pa lang ng umaga ngunit kumakain na sila kaagad.
Sa ilang araw na pagtira ni Rion sa bahay niya ay napansin niya na lagi itong maaga nagigising. Rion was a morning person. Gumigising ito madalas ng alas-kuwatro ng umaga. Inaabala ang sarili sa mga gawaing bahay at madalas ay nag-e-ehersisyo sa garden at mini gym niya. Nagkakasabay sila nito minsan sa aktibidad na iyon kapag maaga rin siyang nagigising.
Living with Rion was a really a good thing. It was a good decision on his side. Nagkaroon siya ng reliable housemate. Hindi siya nagugutom at laging bagong luto ang pagkain niya. Tuwing umaga ay ina-anticipate niya ang pagkain na lulutuin nito.
"Sige," tipid na sagot nito.
"Ikaw ba? Hindi ka ba aalis ngayon?" Tanong niya.
"Hindi. Wala kaming workshop ngayon. Dito na lang ako sa bahay at magbabasa ng script. Tutulungan ko na rin si Isang sa pag-aalaga kay Mama."
Si Isang ang caregiver na kinuha niya para kay Tita Lourdes. Halos kaedad ito ni Rion at maasahan sa trabaho. Hindi niya masyadong nakakausap ang babae ngunit halata niya na may crush ito kay Rion na hindi naman binibigyan ng pansin ng lalaki.
"Masaya ka ba na wala kang social life?"
"Oo." Maiksing sagot nito saka pinagpatuloy ang pagkain.
Sinundan niya ng tingin ang bawat kilos nito. Mula sa pagsubo ng pagkain hanggang sa pag-nguya. At siyempre nagtagal na naman ang tingin niya sa labi nito. Mula nang matikman at mahalikan niya ang labi nito ay laging may kung ano sa loob niya na nagtutulak na tikman ulit iyon. He was always attempting to kiss those lips but Rion was great in refusing it always. Hindi naman niya ito masisisi dahil hindi normal ang ginagawa niya pero gusto pa rin niyang gawin.
"Ano ang tinitingin-tingin mo?" Nakasimangot na sabi nito.
"'Yung lips mo."
"Umayos ka nga. Trip mo palagi ang bwisitin ako. Kumain ka na dyan at may pupuntahan ka pa."
Kahit na nakatira na ito sa bahay niya at maraming kabutihan na ang nagawa niya rito ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito plastic at sinasabi kung ano ang dapat sabihin. Ang hindi lang niya gusto ay ang palagi nitong pagmumura at pagtawag sa kanya ng gago.
"Gawan mo ako ng egg sandwich at fresh juice. Dadalhin ko 'yon ngayon."
Hindi ito nagsalita. Tinapos ang pagkain at tumayo na. Nagsimula itong gawin ang sinabi niya. Kumuha ito ng itlog sa ref at kinuha rin ang isang plastic ng tinapay sa lagayan.
"Ilan ba ang gusto mo?"
"Ubusin mo ang isang plastic ng loaf bread."
"Marami ka bang papakainin?" Usisa nito.
"Marami. Apat. Paboritong kainin ng mga batang 'yon."
"Sino ba ang mga batang 'yon?"
"Gawin mo na lang 'yan. Huwag ka nang magtanong."
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
Storie d'amoreNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...